Share

Just Like That

Nasa grocery store na malapit sa condominium building sila nang araw na iyon. Dahil madalas na

makikain si Sebastian sa unit niya, mabilis ding maubos ang kanyang stock. Hindi na muna sana maggo-grocery si Phoebe ngunit natiyempuhan niya ang kaibigan nang pa-alis na ito patungo sa grocery store kaya napagpasyahan nitong sumama na rin sa pamimili at para makipag kwentuhan na rin sa kanya.

Pareho silang may tulak-tulak na cart. Hindi niya sigurado kung pano napunta kay Sebastian ang usapan nilang magkaibigan samantalang kanina ay pinag-uusapan lamang nila ang tungkol sa pasyenteng dinala kahapon sa ospital na may tatlumpong saksak sa likuran dahil sa asawa nitong nahuling may ibang ibinabahay ito. Ang mga tanong nito ngayon ay malayo na sa topic nila kanina.

"Gi, are you even listening to me?" Tanong ulit nito.

"I'm not staying away from Sebastian, Phoebe. He's a good friend. Wala naman akong nakikitang masama para iwasan ko siya, the man is making me laugh.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status