Share

Right Next To You

"Gusto kitang makausap pagkatapos mo rito mamaya, nurse Gilliane."

Gilliane loved the way he uttered her name. Mabilis din niyang tinapos ang kanyang charting. Hindi niya alam kung saan sila mag-uusap ni Sebastian o saan hahanapin ang lalaki. Ngunit hindi niya iyon gaanong pinroblema dahil paglabas niya sa OR ay nakita niyang nakaabang na sa kanya ang binata. Hindi niya alam kung kanina pa ba ito naghihintay o baka naman kakarating lamang din.

Sinikap ni Gilliane na ngumiti nang pormal kahit  na ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Why did he

have to be this hot on scrubs? Guwapo na ito simula pa lamang sa unang pagkikita nila pero mas lalong guwapo at bumagay dito ang suot nitong scrubs.

Hindi muna niya hinayaan na ma-distract siya ng kakisigan ni Dr. Sebastian Villaraza. Sinikap niyang maging tipikal na nurse na haharap sa isang surgeon pagkatapos ng isang madugong operasyon. Kahit na tila nanginginig ang mga binti at tuhod ay pinilit niya ang saril

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status