Share

61

Mahal Kita

May mga bagay na gusto kong maintindihan. Hindi ko maunawaan anong gusto ni T.H na ipahiwatig sa akin. Sa bawat salita niya at sa pagkilos niya. Gusto kong malaman ano bang gusto niya? Bakit kailangan magmukha akong baliw kakaisip kung anong totoong nararamdaman niya sa akin?

Ang malalim niyang paghinga ay ramdam ko habang nakahiga ang kanyang ulo sa aking balikat. Pinagmamasdan naming dalawa ang mga taong kanya-kanyang gumagawa ng bonfire at tent. Malakas ang halakhakan ng ilan sa kanila. Ang iba naman ay katulad namin. Tahimik lang at gustong mapag-isa habang nakatambay sa lilim ng puno.

Naramdaman ko ang bahagyang pagkilos ni T.H kaya naman umayos ako ng upo. Bumangon siya para titigan ng maayos ang buwan. Para bang may mukha iyon at nakangiti sa aming dalawa. Katabi niya ang mga bituin na lalong nagbigay kagandahan sa kanya.

Para bang inabot ni T.H ang buwan saka gumuhit ng hugis puso gamit ang mga bituin. Kumunot ang noo ko dahil sa ginawa

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status