Share

CHAPTER 10

Mabilis na binawi ni Owen ang kaniyang kamay kasama ang baril na itinutok ni Amadeus sa sariling noo bago umatras palayo dito.

" Pasensya na pero hindi ko kayo magagawang sundin, " anito saka inalis ang magasin para sana tanggalan ng bala pero wala itong laman. Inangat niya ang tingin kay Amadeus na may kakaibang ngisi sa mukha habang nakatingin sa kaniya.

" Mas mabuti ng makasiguro, " anito saka pinaandar ang silyang de gulong patungo sa pintuan ng balkonahe. " Tatapatin na kita, kailangan ko ng tulong mo, Goslin. Kailangan kong makaalis dito sa impyernong ito bago ko maisagawa ang lahat ng mga pina-plano ko. "

" Nakahanda akong tulungan kayo, " walang pag aalinlangang sagot nito saka pumwesto sa likuran ni Amadeus na hanggang ngayon ay hawak pa rin ang papel na binigay niya kanina. " Ano bang pina-plano niyo? May ipagagawa ba kayo agad saakin ngayon? "

" Ang una mong kailangang gawin ay mabigyan ng proteksyon si Lucine Verine. Humanap ka ng mapagkakatiwalaang tao upang mabantay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status