Share

Chapter 51

Supportive

“DYNEE?” Ang nagtatakang mukha ni Oliver ang nagbukas sa kaniya sa pinto ng bahay nito. “You have a key and access to my house. Bakit hindi mo binubuksan?”

“H-Hi. Good afternoon.”

Napatingin ito sa aso na tumatahol sa kaniyang paanan. “Why is Lilo with you?”

Tumikhim siya. “Isasauli ko na siya sa ’yo.” He frowned. “And here, your key. Isasauli ko na din sa ’yo.”

He didn’t accept the key on her palm. Tinitigan lang nito iyon. “Why are you giving it back to me?”

“Allergy si Prinses sa balahibo ng aso. Isa sa dahilan kaya siya inataki ng asthma,” sabi niya dito. “Pati ’yong phone na pinahiram mo sa kaniya, isasauli na rin namin.”

He moved his jaw and shook his head. “Why are you doing this, Dynee?”

“G-Gusto ko lang isauli na ang mga bagay na ito. Please don’t get it wrong, Oliver.”

Umigting ang panga nito. “So, it means ayaw mo na talagang ayusin natin ’to? Ganito na lang ba lagi?”

Napakurap siya at napabuntonghininga. Bigla niyang naalala na puro mali ang sinasabi niya dito.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status