Share

Chapter Twenty Six

"GOOD morning po 'nay." Bati niya ng maabutang nasa kusina na si nanay Sol at nagkakape.

"Oh, ang aga mo yatang nagising iha." Ngiti nito saka siya minasdan. "Nag enjoy ka ba kagabi?"

"Po?" Gulat nya pang sabi. Hindi man sinasadya pero may ibang klaseng 'enjoyment' ang pumasok sa isip niya sa tinuran nito. Simon kissed. And of course she really enjoyed it. Sobra.

"Sa kaarawan ni Carmen, masaya ba doon kagabi? Iniisip ko kasi baka hindi ka nag enjoy dahil hindi ganoon ang mga nakasanayan mong mga pagtitipon sa Manila."

"Huwag po kayong mag alala nay, nag enjoy po ako, katunayan po niyan, nakapagsayaw ako ng cha-cha doon ng hindi ko alam." natatawa niyang sabi. Sana lang hindi nito napansin ang pamumula ng mga pisngi niya kanina.

Natawa rin ito. "At duda akong si Simon ang kapareha mo, ni minsan kasi hindi ko pa nakitang sumayaw ang batang iyan."

"Hindi nga ho. Si Erick po ang nagsayaw sa akin."

"Mukhang nabighani yata sayo ang pamangkin kong iyon ah, sabi ni Lia panay daw ang tanong n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status