Tulalang nakatingin pa rin si Xavier kung saan pumasok si Athena. Silang dalawa na lang ni Simon ang naiiwan dito at iniuwi na rin ng mga tauhan niya ang mga gamit nila. Suot suot ni Xavier ang sombrero niyang itim. Para bang ayaw niyang paniwalaan ang nakita niya. “Is this a kind of joke?” natataw
Napatingala na lang din si Xavier dahil sa namumuong luha sa mga mata niya. Nahahawa siya sa iyak ni Athena at mas lalo siyang naiiyak kapag iniisip niya ang nangyari sa anak nila, wala na ang anak nila at wala siyang nagawa. Busy siya sa kung ano mang layunin niya, sa paghihiganti niya, sa kagustu
Pumasok na rin si Simon kaya inayos na ni Xavier ang pagkakabuhat kay Athena. “Sa likod na tayo dumaan nandun na rin ang sasakyan. Nasa labas pa kasi si Nolan at naghihintay.” Saad niya saka sila umalis ni Xavier at sa likod na dumaan. Sumakay na sila sa van ni Xavier saka nila nilisan ang lugar na
Buong magdamag niyang binantayan si Athena dahil talagang bumagsak na ang katawan niya sa sobrang hina at wala ng lakas. Ginamit niya ang cell phone ni Athena para itext ang Daddy niya para sabihin na mananatili na muna si Athena sa bahay nila Ethel. Tinawagan na rin ni Xavier si Ethel tungkol sa ba
“Papatayin ko silang lahat, dudurugin ko ang mga katawan nila sa pamamagitan ng mga kamay ko. Wala akong ititira.” May diin niyang saad, nanginginig ang kamay niya dahil sa pagkakakuyom niya. Kung may kinalaman nga sa paghihiganti nila ang pagkamatay ng anak nila, nagtagumpay sila, doble doble pa yu
Bumuntong hininga si Athena saka niya tiningnan si Xavier, alam niyang nahihirapan din ang asawa niya pero sadyang magaling lang magtago ng nararamdaman ang mga lalaki. “I’m sorry,” mahinang wika ni Athena, masyado kasi siyang mahina, sobrang hina ng puso niya at sarili na lang niya ang iniisip niy
Lumipas ang isang linggo at halos parang hindi na mapaghiwalay si Athena at Xavier. Medyo nagiging maayos na rin si Athena kahit na nasasaktan pa rin siya pero pinipilit niya ang sarili niyang tanggapin na ang lahat dahil sarili niya lang ang pahihirapan niya. Hinihingal si Simon na pumasok sa loob
“Athena,” anas ni Xavier at pipigilan sana si Nolan sa ginagawa niya nang itutok ni Don Rodriguez at ng mga tauhan niya ang mga baril nila kay Xavier. Natigilan na lang si Xavier, ayaw niyang masaksihan pa ni Athena ang lahat ng ito. “Ano ba, Nolan! Bitiwan mo ako!” sigaw ni Athena at pilit na pumi