Tila naramdaman din ng mga itong naroon ang kanyang presensya. Napatingin ang mga ito sa kanya. Animo naging slow motion ang mga nangyayari sa paligid ng tingnan siya ng lalaki na nasa fifties na ang edad nito. Nakaagaw pansin sa kanyang paningin ang mga binti nito na pareho ng putol. No! mariin niyang sabi sa kanyang sarili. Kasabay ng pag-iling ng kanyang ulo. Hindi niya inaasahan na sa pagkakataon ito ay makita’t makilala niya ang totoong ama ngunit hindi kasama sa inaasahan niya ang kalagayan nito. “Yza, anak ikaw na ba ‘yan?” Mahina sambit ng lalaki. Halos hindi umabot sa pandinig ni Yza. Namuo rin ang mga luha sa sulok ng mga mata nito. “Papa,” patakbo siya lumapit dito. Yumakap dito. Bigla ay naglaho ang sama ng loob niya para rito. Nakalimutan niya na rin ang maraming mga katanungan sa kanyang ama. “Im sorry, Yza.” Umuulap din ang ang mga mata sabi ng Papa niya. “Patawad anak. Alam ko na malaki ang naging kasalanan ko sa iyo. Naging duwag ako para hanapin ka. Pa
NANG mga sumunod na araw ay mas lalong naging malabo ang relasyon nila Manuel at Yza. Hanggang sa humantong sa hiwalayan. Hindi natuloy ang kanilang kasal sa kagustuhan na rin ni Yza na huwag ng ituloy pa.Siguro mabuti na rin na ganito ang nangyari sa kanila ni Manuel. Magkakaroon na siya ng peace of mind. Higit sa lahat wala ng Celine na nanggugulo pa sa kanya.Ilaw araw na rin ang nakalipas simula ng umalis si Manuel, patungong America. Talagang tuluyan iniwan ni Manuel ang mag-ina nito.“Saan ka pupunta?” Tanong ni April ng pumasok ito dito sa loob ng kwarto niya. Nadatnan siya ni April na nag-aayos ng kanyang sarili. Simula ng umalis siya ng mansion ng mga Sandoval. Dito na siya nakatira ulit bahay nila Tiya Lucing at April. Ang mag-ina na lang ang itinuturing niyang pamilya at gan'on din ang mga ito sa kanya.Sinuklay niya ang buhok atsaka pinatuyo niyon gamit ang blower.“Maghahanap ako ng trabaho,” aniya na kasalukuyang pinapatuyo pa rin ang mahabang buhok niya.“Hindi pa ba
KUNG meron mang dapat ikabigla si Yza ay ang binitawang salita ni Don Hector. “Nagbibiro kayo?”“Pakinggan mo ako bago ka magsalita Yza?” Utos sabi ni Don Hector. “Gusto mo bang pag-usapan na anak sa labas ng isang Sandoval ang anak mo?”“Hindi ko matatanggap ang gusto mo mangyari,” tanggi niya agad.“Don't look so horrified,hija. Ang apo ko lang ang mahalaga sa akin. Bear that in mind. Isa siyang Sandoval, karapatan niyang tanggapin ang apelyidong iyon sa ayaw at sa gusto mo. Huwag mong bigyan ng kahihiyan ang pamilya mo at ang apo ko, Yza. Para sa ikabubuti ninyong mag-ina itong kagustuhan ko at sana maintindihan mo.”Huminga ng malalim si Yza. “You can extend financial help kung ikapanatag ng budhi ninyo. Pero ang magpakasal sa inyo…”Pakakasalan niya ang ama ng kaisa-isang lalaking iniibig niya? “Ilagay ninyo sa pangalan ng anak ko ang anumang tulong na nais ninyo. Sa trust, sa educational plan, o kung anumang sa palagay ninyong makakatiyak kayo sa kinabukasan ng apo ninyo.”“Wo
MATULIN lumipas ang dalawang taon. At sa paglipas ng mga taon ay kasabay ng pagbabago ni Yza. Sa mga panahon iyon hindi siya pinabayaan ni Don Hector. Palaging nasa tabi niya para alalayan siya at hinubog sa pagpapatakbo ng kompanya. Dalawang taon na rin ang nakalipas simula ng naging Vice president at General manager ng Sandoval realty estate.Now she's an independent and empowered woman. Hindi basta-basta matibag sinoman. Naglalakad si Yza sa hallway naka taas noo. Suot ang two piece business attire.Nag-angat ng mukha si Neza ng naramdaman nito ang presensya niya ng huminto siya sa tapat ng mesa nito.“Good morning,vice president,” nakangiti sabi ni Neza, inayos nito ang suot na makapal na salamin.Simula ng siya ang pumalit sa posisyon ni Manuel bilang vice president. Si Neza pa rin ang executive secretary ng vice president. Madaling nagaanan niya ng loob si Neza at nagpalagayan sila ng loob ng secretary ng dating secretary ni Manuel, na ngayon ay secretary niya na.Nagpaskil si
NADATNAN niya nasa private nasa private room ng hospital si Don Hector. Nakahiga ito at natutulog. Naawa siya habang pinagmamasdan ang matandang Sandoval. Nasa primer age pa lang ito at hindi dapat ganito ang maging sitwasyon nito. Kung titingnan si Don Hector, walang bakas na may malubhang karamdaman ito.Sa dalawang taon nakalipas ay pinaramdam nito sa kanya ang pagmamahal ng isang ama sa anak. Gayon din siya rito at hindi niya kakayanin kung pati si Don Hector ay mawawala na rin sa kanya. May ilang butil ng luha na umalpas mula sa sulok ng kanyang mga mata.“Huwag mo akong titigan ng ganyan Yzabelle,” angil ni Don Hector. “Hindi pa ako mamatay!” matigas nitong sabi.Pasimple niya pinunasan ang mga butil ng luha niya nasa gilid ng kanyang mga mata. Atsaka tumikhim para tanggalin ang tila bara sa kanyang lalamunan. Tinitak niya rin na huwag gumaragal ang boses niya kapag nagsalita na siya.“Gising ka na pala?” aniya na may ngiti nakapaskil sa kanyang mga labi ngunit hindi iyon abot
“Halika ka nga rito,” aniya binuka ang mga braso para welcome hug ang anak niya. “Bango naman ng baby ko,” sabi ni Yza na hinalik-halikan ang anak niya. Kakatapos lang maligo ni Yuna.“Pretty like mommy,” nakangiti sabi ni Yuna, nilaro-laro ang laso ng suot nitong dress.“Yes, pretty like mommy,” nakangiti rin sabi ni Yza. Gusto niya sabihin sa anak na mata at labi lang ang nakuha nito sa kanya. Maliban doon ay wala na. Kamukhang-kamukha ni Yuna ang ama nito. Tila pinagbiak na bunga ang mag-ama. Madalas pa niya naririnig sa kay Manang Salod at Don Hector na girl version daw ni Manuel ang anak nila.“Mommy why are you sad?” tanong ng dalawang taong gulang na si Yuna, nakatingin sa kanya.Nagpaskil siya ng maluwag na ngiti sa kanyang mga labi. Ngunit alam niya na hindi iyon abot hanggang sa kanyang mga mata.“Im not sad baby.”“Mommy, alis ka?” malungkot na tanong ni Yuna, nakatingin sa kanya na nagpalit ng damit panglakad.Kailangan niya pumunta ng hospital. Ilang araw na rin ang naka
MABILIS ang bawat hakbang ng kanyang mga paa ng papasok sa loob ng sala. Nasa trangkahan pa lang siya ay nakikita niya ang batang babae na naglalaro. Naka side view ito mula sa kinaroroonan niya, kaya ay hindi niya nakikita ang buong mukha ng batang babae.Nabitawan niya ang bitbit na hand carry bag. Bumagsak iyon sa may marmol na sahig. Naging dahilan na lumikha iyon ng malakas na ingay. Lumingon sa kanya ang batang babae. Nang makita siya ng batang babae ay bigla na lamang ito sumiksik sa may gilid ng upuan. Nakatingin lang ito sa kanya.Tila ayaw kumurap ni Manuel nang mga sandaling iyon. Tinititigan niya ng maigi ang mukha ng batang babae. Mas lalong lumakas ang pagkabog ng kanyang puso na tila tinatambol iyon ng drumsticks. Naririnig pa niya ang lakas ng pagtibok ng kanyang puso.Habang tinititigan niya ang mukha ng batang babae. Animo'y nakikita niya ang itsura niya sa kay Yuna. Girl version niya. Tantiya niya at kung hindi siya magkakamali dalawang taong gulang na ang batang
NAALIMPUNGATAN si Manuel sa mga ingay na nanggaling doon sa ibaba. Hindi niya namalayan na nakatulog siya mula sa malalim niyang pag-iisip kanina. Nakabukas ang dahon ng pinto ng silid niya. Kaya naman ay narinig niya pa ang mga ingay na nagmumula roon sa ibaba.Bumangon siya at bumaba na rin kama ng sa gan'on ay pumunta na rin doon sa unang palapag nitong mansion.Nasa kalagitnaan siya ng hagdan ng himinto siya. Nakikita niya ang dalawang nurse na babae at dalawang nurse rin na lalaki. Busy ang mga ito. Hindi napansin ang kanyang presensiya.Bakit meron mga nurse dito sa bahay? Sino ang may sakit? Mga katanungan sa kanyang isip habang nakamasid lang.Nahagip ng paningin niya ang lalaking nakatalikod mula sa kinaroroonan niya. Naka upo ito sa wheelchairs at may dextrose na naka kabit sa isang kamay nito.Nakuyom ni Manuel ang sariling kamao ng makita niya ang babaeng lumabas mula sa guestroom. Si Yza at hawak nito sa isang kamay ang anak nila.“The guestroom is ready,” narinig niya