Share

Chapter 27

Sa bawat paglalakad ni Isabel patungo sa dalampasigan ay sinasalubong siya ng preskong hangin sa kanyang pisngi. Ang sarap-sarap sa pakiramdam habang 'yon ang nilalanghap niya na preskong hangin sa umagang 'yon. Nagpaa na lang siya nang makarating siya sa may dalampasigan. Iniwan niya ang kanyang suot na tsinelas malapit sa may punong niyog.

Tuwang-tuwa si Isabel habang naglalakad sa maputing buhangin. Kulang na lang ay magtakbo-takbo siya na para bang isang bata na ngayon lang nakaapak sa maputing buhanginan. At dahil low tide pa ay mababaw ang dagat kaya naman ay binasa niya ang kanyang mga paa ng tubig-dagat. Ang lamig-lamig ng tubig. Papasikat pa lang ang araw sa silangan kaya naman ay umupo siya mayamaya sa buhangin. Pinagmamasdan niya ang araw na papasikat pa lang sa bandang silangan. Sayang ay tulog pa si Callix. Magandang manood kung kasama niya ito.

Matapos niyang manood ng sunrise ay naglakad-lakad siya sa dalampasigan. Ngayon na niya gagawin 'yon, kahapon kasi ay hindi na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status