Share

Chapter 64

Nagising si Sunday nang wala si Lexi sa tabi niya ng umagang 'yon kaya agad s'yang kinabahan at dali-daling lumabas.

"Lexi anak?"

"Mama!"

Nakahinga s'ya ng maluwag nang makita itong nasa salas at nakasakay sa elepante nitong stuffed toys habang binabantayan ni Jennie.

"Good morning ma'am."

Nginitian niya ang dalaga at saka nagpalinga-linga para hanapin si Matteo.

"Hinahanap niyo po ba si Sir Matteo? Nauna na po s'ya sa resort. Kaninang madaling araw pa sila umalis ni Mang June."

Napatango naman s'ya.

"Ihahanda ko lang po ang almusal. Kumain po muna kayo bago bumalik."

"A-Ah.. Hindi na, ako na lang," sabi naman niya at agad na tinungo ang kusina. Ininit niya ang pagkain na nandoon at pagkatapos ay tinawag na ang mga ito. Pinakain niya si Lexi habang s'ya naman ay panaka-naka lang na sumubo. Kahit masarap ang pagkain ay parang wala iyong lasa sa kaniya.

"Si Mang June, nariyan na ba?" tanong niya kay Jennie hab

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status