Share

26-I like Him

NAKASALAMPAK ng upo sa may carpet si Sandra habang nakatutok sa kanyang phone. Ka-chat niya kasi si Clara, kwinento niya rito ang mga nangyari sa kanya lalo na ang pakikipagkaibigan ni Dragon. Oops! Sabi nga pala nito 'wag na itong tawaging dragon.

Magrereply palang sana siya rito nang biglang mawala ang phone sa kamay niya. Pag-angat niya ng mukha ay ang magkasalubong na kilay ni Samuel ang sumalubong sa kanya habang sa tabi nito ay si Sammy.

Late na siya nakauwi kagabi dahil ang sira ulo niyang boss nagyaya ba naman maglaro na parang bata lang. Nando'n na mag-basketball, car racing at kung ano-ano pa naisipan nito.

Kaya ayun, alas dyes na ng gabi siya nakauwi. Ihahatid niya pa sana ito sa opisina dahil nando'n ang kotse nito pero nagpasundo na lang pala ito sa driver. Iniwanan pa sa kanya ang bagong helmet at dinala nito ang kanya. Peace offering daw nito sa kanya. Kaya kagabi pa siya kinukulit ng kambal na magkwento. Pero dahil pagod na siya ay tinulugan niya ang mga ito.

Hanggang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status