Sandra gritted her teeth while going back to the pantry."How he could be so rude like that? Nag-offer lang naman ako baka hindi pa siya nag-breakfast. Kung sabagay ano ba pakialam ko," kausap niya sa sarili bago kinuha ang sariling tasa ng kape at nagtungo na sa kanyang table."Ayokong ma-stress, but no one shout at me like that. kahit ang dati kong boss. Kung makasigaw akala mo naka-loud speaker ang bunganga. Gwapo sana kaso mala-dragon talaga." Natigilan siya sa huling nabanggit."So, you admit. Kanina yummy ngayon gwapo, oh my dear," usal ng isang bahagi ng kanyang isip."Shut up!" bulyaw niya sa traydor na isip. Napailing na lang siya. Hihigop na sana siya ng kape nang biglang tumunog ang intercom na nakakonek sa office ni Dragon. Padabog niya itong sinagot, "He—""Come to my office, now!" pasigaw nitong putol sa kanya bago pa siya nakasagot ay busy tone na ang narinig niya."Wala ka talagang manners, Dragon!" mahina pero madiin niyang ganti sa kawawang intercom. Padabog niyang ki
NAGPAKABUSY na lamang si Sandra sa trabaho kaysa isipin pa ang dragon niyang boss. Hindi ito nagtanong ng schedule kaya bahala ito. Nagulat siya nang tumunog muli ang intercom, napahawak pa siya sa kanyang dibdib."My gosh! Bakit naman ako naging magugulatin ng ganito. Kasalanan talaga ng hinayupak na Raymond na iyon dahil ginulat kami kanina." 'Ano naman koneksyon nun?'Wala lang, gusto ko lang may masisi.'Nababaliw na talaga siya pati sarili ay kinakausap na niya. Nagpatuloy ang pag-ring ng intercom kaya naman mabilis niya ng pinindot ang answer button. Pero hindi siya nagsalita."Why took you so long to answer?" Napangiwi siya nang marinig na naman ang napakalakas na boses ni Dragon. "Come inside, now!" As always busy tone na ang kanyang narinig, ni hindi pa man siya nakakasagot dito."Ahhh!!" impit niyang hiyaw. "Inhale, exhale, inhale, exhale." Pagpapakalma niya sa sarili. "Malapit na ako masagad dragon," bulong niya bago pinuntahan sa opisina ang boss niya."What is my schedule
Napatingin si Aj sa wrist watch niya, alas- onse na pala. Hindi niya alam pero magaan ang araw niya. Siguro dahil sa secretary niya. Hindi niya alam kung maaawa siya dito kanina nang mapansing pagod na ito sa pabalik-balik. Kasalanan naman nito, pinapainit ulo niya. Wala pa sumagot-sagot sa kanya kahit si Clara na gf ng pinsan niya ay 'di nagawang sagutin siya. 'Yong pag-ikot ng mga mata at pag-irap nito ay aksidente niya lang naman nakita. And he will admit, she's cute."Oh! F*ck! Stop there! Kaya nga naka-beast mode ako para mabura kung ano man nag-uumpisang reaksyon ko para rito. Dahil hindi pwede!" saad niya sa sarili.Pero hindi niya talaga maiwasan hindi humanga rito lalo na sa katapangan na ipinapakita nito sa kanya. There is something in her that he can't resist, something that he can't explain! Katok sa pintuan ang nagbalik sa kanya sa kasalukuyan. "Come in." Nakita niyang pumasok si Ms.Santiago."Mr.Villaflor, magpapaalam lang po sana ako na mag-lunch," mahinahon nitong sabi
"Good evening, Couz!" Ang malakas na boses ni Anthony ang sumalubong kay Aj pagbaba niya sa hagdan.Every friday night ay may family dinner sila na ginaganap sa kanya-kanyang bahay. Dalawa lang naman 'yon, dito sa kanila o doon sa bahay nina Anthony. Magkapatid ang mga daddy nila. It's like a family tradition, for them it is one way to maintain the family bonding.Humalik at binati niya ang tita at tito niya pati na rin ang lola at lolo niya, but only to his father side. 'Yung kay mommy kasi ay matagal ng namayapa."Good evening po," magalang niyang bati."How's my favorite nephew," masayang bati rin ng kanyang Tito Alfred at niyakap siya nito."Tito, may I remind you that I am your only nephew," natatawa niyang wika rito. Narinig niya ring tumawa ang lahat sa sinabi niya. Napabaling ang tingin niya kay Anthony, mag-isa lang kasi ito. "Where is Clara?" tanong niya rito."They visit her grandparents in Cebu," pinalungkot pa nito ang boses. "I will follow her tomorrow, I miss her so much
"MONDAY na naman bukas, nakakatamad," reklamo ni Sandra habang nakasalampak sa carpet sa sala at kumakain ng ice cream."Nagsisisi ka na ba sa desisyon mo, Ate?" Biglang sulpot ni Sammy na ikinagulat niya."Sammy! Huwag ka ngang nang-gugulat, gusto mo ba mamatay na ako?" inis niyang wika rito."Gulat lang, patay na agad? Ate, parang sira lang.""Hoy!" Hinampas niya ito sa braso. "Ate mo ako, ah. Respeto naman, makatawag ka ng sira, ah.""Sorry 'na." Yumakap ito sa kanya."Uy, group hug, sali ako!" Patakbo na lumapit si Samuel at nakiyakap din."Ang babaho n'yo! Saan ba kayo galing? Lumayo nga kayo sa akin." Pilit siya kumakawala sa kambal. Tatawa-tawa naman siyang pinakawalan ng kambal."Nagbasketball, pampapawis," tugon ni Samuel bago inagaw ang baso ng ice cream na kinakain niya. "Nagpapapawis? O, nagpapacute sa mga chikababes?" Sabay lang tumawa ang kambal."Ano magagawa namin kung tingin lang ay nahihimatay na sila." Pagyayabang ni Sammy at hinubad pa ang t-shirt nito, nag-pose p
PAGKARATING ni Aj sa floor ng office niya ay mabilis na tumuon ang kanyang mga mata sa pwesto ng secretary, ngunit wala ito.'Baka nasa pantry.'Hindi niya alam pero gusto niyang masilayan ito, two days not seeing her it's like his day is incomplete. Naipilig niya ang ulo dahil sa naisip.'Avoid her! I need to avoid her!'Pero iba ang ikinilos ng katawan niya, dahil papasok na siya ngayon sa pantry.And there she was, standing while mixing something in a cup. Ni hindi man yata nito napansin ang pagdating niya. Nakatulala kasi ito. "What are you doing?!" Mukhang nagulat ito dahil nabitawan nito ang tasa at tumilapon sa lapag."Ouch! Shit!" daing nito habang hawak ang kamay na natapunan din. Ngunit bigla rin itong yumuko at sinimulan pulutin ang mga bugbog nang dumaing muli ito. "Ouch!" Nanlaki ang mga mata niya nang makitang dumudugo ang daliri nito kaya mabilis niya itong nilapitan."What the f*ck you're doing?" Inalalayan niya itong tumayo at inilayo sa may mga bubog. "Let me see." H
NAGING payapa ang buong umaga ni Sandra dahil hindi siya masyadong inistorbo ng boss niya. Kanina nang hinatid niya ang kape nito ay himala at tinanong kung kamusta ang sugat niya. May konsensya naman pala kahit paano. Gusto niya sana muling titigan ang mga berdeng mata nito ngunit umiiwas ito at pinalayas siya agad.'Akala naman niya ikinagwapo!'Hindi na siya nagpaalam dito nang sumapit ang lunch, sabi naman nito hindi na raw kailangan. Kaya simula no'n ay nilalayasan niya na ito pag-oras na ng tanghalian. Habang papunta siya sa canteen ay malawak ang ngiti niya. She feels reborn, alive and full of hope. Malaki ang impact ng pag-o-open-up ng kambal sa tunay na nararamadaman. Na naging daan para palayain niya ang sarili sa nakaraan. Oo, mahirap pero kung gugustuhin, walang mahirap. At sisimulan niya iyon sa pagkakaroon ng bagong mga kaibigan hindi lang basta officemate. Face your fear, ika nga nila.Speaking of friends, nakita niya ng kumakaway si Sarah sa kanya. Nag-order muna siy
"WALA ka talagang manners, Dragon!" nanggagalaiting usal ni Sandra pagkatapos siyang bagsakan ng tawag ni Dragon.Akala pa man din niya bumait na ito, 'yon pala 'is a prank' lang. Para siyang nabingi sa ginawa nito. Nakakarami na ito ng atraso. Akala nito hindi niya binibilang, pwes nagkakamali ito dahil may listahan siya. At magsisimula na siyang maningil!Nagdadabog siyang nagtungo sa opisina nito. Pero pagdating sa pintuan ay nagpraktis siyang ngumiti dahil baka 'di na talaga siya makapagpigil, mapatay niya ito.Kumatok muna siya ng tatlong beses, instead na magsalita ito ay bumukas ang pintuan. Nagtataka man ay nagtuloy siya sa loob. Nanlaki ang mga mata niya nang tuluyan makapasok.'Oh! Shit! Nasa langit na ba ako? Bakit parang may mga anghel sa harapan ko?'"How are you, Sandra?" pukaw ni Anthony sa kanya kaya nagbalik siya sa sarili.Inayos niya ang postura, alam kaya ng mga ito na lesbian ang drama niya. "Am fine, Sir antho-""What happened to your hand?" putol nito sa sasabih