Share

CHAPTER ELEVEN

MATAGAL NA walang imik si Drake at prinoseso pa sa utak ang sinabi sa kanya ni Calli. Para iyong bomba na bigla na lang sumabog sa utak niya.

"Y-yes?" He repeated, in case he just misheard it.

She nodded.

"Sabi mo sasagutin mo ang proposal ko di ba? And it's a yes, so magpapakasal ka sa akin?" He read her eyes.

Natawa si Calli at para iyong musika sa tenga ng binata. "Agad-agad?"

"Eh ang sabi mo proposal ko ang sinasagot mo eh."

Calli scratch the back of her head. Tama naman siya

"Puwede bang boyfriend-girlfriend muna? Masiyadong mabilis yung kasal." Ngumiwi siya pagkatapos.

Masayang tumango ang binata at bigla na lang inangat sa ere si Calli. Napahiyaw ang dalaga at natawa nung niyakap siya nito ng mahigpit. Sunod niyang narinig ang mahina nitong hikbi na sinabayan ng pagtawa.

Drake was just too happy. Hindi niya inaasahan na sasagutin siya nito. When he walked out earlier, he already lost hope that she will love him too.

He wiped her tears. "So, you're mine now?"

"Opo."

"Sh*t, Calli. Pinapakilig mo ako."

Malakas na natawa si Calli. Miski siya ay kinililig din naman. Ang sarap sa pakiramdaman. Sa tuwing iniisip niya noon na paano kung maging sila ni Drake, nakakaramdam siya ng saya pero ang saya na inaasahan niya ay sobra pa sa nararamdaman niya ngayon.

Hinarap siya ng binata na may hilam na luha. Pinunasan niya iyon. She feels delighted that she chose her heart to believe him. She hesitated at first but she knew him, it may sound impossible that he loves him but he knew he won't lie about his feelings for her.

Sinapo nito ang kanyang mukha at inilapit ang noo sa noo niya. Hinalikan siya nito ng ilang beses at natawa siya dahil ayaw nitong tumigil. Hinalik-halikan pa nito ang buo niyang mukha at bumaba pa sa kanyang leeg. Natatawa niya itong pinatigil dahil nakikiliti siya. "Chansing ka na ha."

Nanggigil nitong kinurot ang kanyang pisngi at niyakap na naman siya. "Thank you, Calli. Thank you for believing me."

"I'm sorry if I doubted."

"It's okay. I understand. Kasalanan ko rin naman." He cupped her cheeks. "This is the best day in my entire life, Cal. I know it sounds gay but that's the truth. Hindi mo lang alam kung gaano ko katagal tinago ang nararamdaman ko sa'yo, nagtitiis at ang saya ko ngayon na nasabi ko na sa'yo ang nararamdaman ko at mahal mo rin ako. I love you, Callisandria."

Inangkin nito ang labi niya. Hahalik sana siya pabalik nang tumigil din agad ito. Pigil niya ang ngumuso. "So much," he added and claim her lips again.

She smiled between their kisses. Circled her hands around his nape again and mimic his movements.

He kissed her passionately, it's not rough but gently, it's full of love. Mahina pa nitong kinagat-kagat ang kanyang labi na siyang kanyang ikinadaing. Nagsimula nitong haplusin ang kanyang likod, ipinasok ang damit sa kanyang blusa at in-unhook ang bra. Dahil doon ay mabilis siyang napalayo sa binata. "Drake," hinihingal niyang pigil.

"Ayaw mo ba? Kahit foreplay lang?"

"Foreplay?"

Tumango ito. "Patikim lang."

Napalunok si Calli. She's not ready for that kaya naman dahan-dahan siyang umiling. "Hindi pa ako handa." Napayuko siya.

Drake smiles and kissed her forehead. "I understand."

"Sorry."

He laughed. "No, you don't have to. I should be the one who's apologizing. I'm sorry."

"It's okay."

They hugged each for a couple of minutes, feeling each other's warmth when they lay on the bed. She's staring at the ceiling while she uses Drake's arm as a pillow. He's hugging from beside.

"Ang torpe mo pala eh noh?" pambabasag ni Calli sa katahimikan na nakapagitan sa kanilang dalawa.

"Oo nga eh, nakakainis."

Tiningnan niya ito. "Bakit naman?"

Mas hinigpitan pa ni Drake ang pagkakayakap. "Kasi kung hindi sana ako torpe, edi nakaamin na sana agad sa'yo. Hindi sana tayo natagalan."

Tumagilid siya ng higa, paharap dito.  "It doesn't matter if you took so long, kung ngayon ka lang nakaanim. It's on purpose, this night is meant for us to be together. Hindi pa naman huli ang lahat, marami pang oras para magkaroon tayo ng magagandang alaala."

Napangiti si Drake pero sa isip ng binata, alam niyang hindi pa mahaba ang oras na mayron sila kaya nga hangga't puwede pa, nilakasan na niya ang loob.

He kissed her forehead.

"At staka, huwag kang mainis kung torpe ka man. Ang cute kaya." Pinanggigilan ni Calli ang pisngi ni Drake. "I didn't expected na torpe ka pala, ang layo sa ugali mo but I more appreciated those sheepish like you, I know that they are serious about what they feels."

"Yes, I am Calli. I am very serious to you to the point that I want to marry you."

"Now na?"

Puno ng kasiguraduhan itong tumango. Kinurot niya ang ilong nito. "Kakasimula pa lang nga natin eh. I feel sleepy Drake, tulog na tayo?" She yawn and stretched her arms upward.

"Okay then. Let's sleep."

They said good night to each other and close their eyes, with a smile in their lips and happiness coating their hearts.

Nagising si Drake pagkakinabukasan na puno ng saya lalo na nung makita niya ang dalaga sa kanyang tabi, mahimbing itong natutulog at mahina pang humihilik.

Mahina niyang kinurot ang pisngi nito.

He's always imagining himself waking up the next morning, Calli is beside him and it's happening now. He can't believe it.

Hinaplos niya ang pisngi ni Calli. Sisigiraduhin niyang hindi lang ito ang una at huling beses na magigising siya na kasama ito dahil sisigiraduhin niyang panghabang buhay iyon.

Naalimpungatan naman si Calli na may humahaplos sa pisngi niya at ngumiti nang makita si Drake. Nagsumiksik pa ang dalaga sa kay Drake at mas lalong yumakap. When she fall asleep again, he got off from the bed and stormed out from the room.

He's planning to make breakfast for her. He was making a cheese sandwich when Xiver entered the kitchen. "Mukhang good mood ah, kayo na?"

He proudly nodded. Inakbayan siya nito. "Sabi naman sa'yo eh, konting tulak lang ang kailangan sa kanya."

Kinuha nito ang sandwich niya at kinagatan iyon. Napaawang naman ang bibig niya at agad na binatukan ang kaibigan.

"Bakit mo kinain? Para 'to kay Calli."

"Ang sama mo naman sa akin. Ganito ka ba magpasalamat sa tulong ko sa'yo? May tinapay pa naman, gawa ka na lang ulit. Naging kayo lang eh."

Napailing na lang siya rito at walang ibang choice kundi ang gumawa ng panibago. He make two pieces of sandwich. Fried rice, bacon and sunny side-up egg. He prepared a milk too before going upstairs. Nang pumasok siya sa kuwarto ay kakagising lang din ni Calli at humihikab pa. Nilapag niya sa lamesa ang tray at niyakap ito mula sa gilid. "How's your sleep?" malambing niyang tanong.

"It's good. I sleep well. Ikaw?"

"Sobrang sarap ng tulog ko. Katabi kita eh at yakap pa. Nagluto ako, kain tayo?"

"Tayong dalawa lang?"

"Yap. Xiver already cooked breakfast for them. Breakfast date tayo."

Tumango naman ang dalaga at napahiyaw nang buhatin ito ni Drake.

They eat at the veranda since there's a small table there and a chair. Dahil mag-isa lang ang upuan ay nakaupo si Calli sa kandungan nito at sinusubuan pa ni Drake. Ayaw man nito sana dahil nakakahiya dahil baka makita sila ng mga taong nasa labas pero hindi siya nito hinayaang makatayo.

Sinubo niya ang pagkaing inumang nito sa kanyang bibig. Kumuha naman siya ng sandwich at sinubo iyon sa binata. Sweetness are filling them, daig pa nila ang asukal sa ka-sweetan nilang dalawa. Kung sino mang single ang makakita sa kanila ay tiyak na maiinggit talaga.

Uminom siya ng tubig bago hinarap ang lalake. "Drake?"

He hmm since he's chewing a food.

"Kailan mo ako nagustuhan?" Ang sabi nito ay matagal na siya nitong gusto pero gusto niyang malaman kung kailan eksaktong nagsimula.

Nilunok nito ang kinakain bago nagsalita. "We were in our 6th grade when I started to like you."

Kumunot ang noo niya. "Grade six? Gusto mo na ako nun? Eh bakit lagi mo akong inaasar?"

Ipinatong nito ang baba sa kanyang balikat. "It's my way for you to noticed me. Hindi mo kasi ako pinapansin, lagi na lang si Mason kaya ginagawa ko yun. Sorry kung naiinis man kita ah, pinaiyak pa kita."

Calli remember that memory. Pikon na pikon siya nun sa lalake dahil ayaw nito ibigay ang caterpillar na nakita niya kaya sa inis ay umiyak siya.

Napangiti naman si Drake nang maalala ang mukha ng dalagang umiiyak noon pero agad ding nilukob nang inis nang maalala kung paano nito yakapin si Mason habang ang sama ng tingin sa kanya ng babae. He can sensed that time that she hates him and it pained him.

"Pero bakit? Bakit mo ako nagustuhan?" Her face is full of innocence. Wala talaga siyang kamuwang-muwang noon na gusto siya nito.

Umiling ang binata. "I seriously don't know. I just feel it. It started with an admiration then it turn into love as time passes. Nung naghiwalay na tayong mga magkakaibigan, dapat nga nawala na ang nararamdaman ko sa'yo pero mas lalo pang lumala. I'm longing for you in every second passing by and I can't do anything but to endure it. Miss na miss kita, Calli kaya kahit may business ako sa Japan ay hindi ko itinuloy dahil alam kong pupunta ka. Gusto kitang makita."

Suminghap ang dalaga at hinampas ito sa braso. "Uy, nababaliw ka na ba? Ang laki ng perang pinakawalan mo."

He cupped her cheeks and slightly squeeze them. "I don't care, as long as I'll see you. You're more than a billion, nothing can weight you."

Callisandria feels moves and hugs him.

"And besides, kung tinuloy ko ang business na yun edi hindi pa kita pagmamay-ari ngayon di ba? I think, this reunion is meant to be."

Calli nodded in agreement. "Yun din ang tingin ko."

Matapos kumain at mag-ayos ay bumaba na silang dalawa at nag-aasaran pa.

Kumunot ang noo nila nang makita si Xiver na nakaabang sa baba ng hagdan at malaki ang ngisi. Magsasalita sana siya nang mapatalon sa gulat dahil biglang na lang nitong ipinutok ang party popper sa kanila ni Drake.

"Congratulations!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status