Share

Chapter VI

Eliana P.O.V.

"Ready na po ako nay tay" nakangiting usal ko sa kanila

Nag-aalalang nakatingin ang mga mata nila sa akin "Nay tay wag po kayo magalala sa akin,kakayanin ko po ang laban na ito" saka yumakap sa kanila ng mahigpit

"Balitaan mo kami anak,Magiingat ka" saad ni inay

Tumango na lamang ako at sumakay na ng sasakyan tungo sa maynila.

Ilang oras lang ang nakalipas ay nakarating na ako sa manila.

Nagtaxi ako papunta sa bahay namin ni andrei.

Todong kaba ang nararamdaman ko habang nagbabyahe.

"Iha okay ka lang ba?" napatingin ako kay manong driver na nakatingin sa akin sa rear mirror 

"O-opo manong" at nag-iwas ng tingin

Hindi na siya sumagot at nagpokus na lamang sa pagmamaneho.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay ay namumuo na ang pawis ko sa sobrang kaba.

"Ito ho ang bayad" sabay abot ng isang libo "Wag mo na po ako suklian" dagdag ko

Nagpasalamat ito sa ibinayad ko at masayang umalis.

Pinindot ko ang door bell.

'Kayanin mo eliana' sabi ko sa aking sarili

Ilang minuto ang nakalipas at binuksan ito ni manang imelda.

Napayakap ako sa kaniya nang tuluyan niyang buksan ang pintuan.

"Jusko eliana ikaw pala iyan" saka ako ginayak papasok ng bahay 

"A-andito ho ba si andrei?" utal utal kong tanong ko 

"K-kaalis lamang iha at" pinutol niya ang sasabihin niya at bumuntong hininga

"at ano po manang?" kinakabahang tanong ko

Wag naman sana totoo ang naiisip ko!

"At may kasama siyang babae" napapikit ako ng madiin ng sabihin iyon ni manang.

"Pasensiya ka na iha" dumilat ako at ngumiti ng tipid kay manang.

"Magpapalit lamang ako ng damit manang" at aakmang pupunta na sa kwarto namin ni Andrei nang pigilan ako ni manang "Bakit ho?" takang tanong ko

"Iha wala na dyan ang gamit mo" nalaglag ang aking panga sa sinabi ni manang

"P-po?"

"Nasa bodega na ito iha!" nagpasalamat ako kay manang at dali daling pumunta sa bodega at hinanap ang nga damit at gamit ko

"What do you expect eliana?" naiiyak na sabi ko sa sarili ko

Kumuha lamang ako ng damit at pumunta sa cr at saka nagbihis.

Nagprisinta ako na ako na lamang ang magluluto ng hapunan,ayaw pa sana ni manang pero nagpumilit ako.

'Alas-otso na pero wala pa rin si andrei'

Dumaan ang dalawang oras nang makarinig ako ng busina.

Dali dali akong lumabas at binuksan ang pintuan ng garahe.Nang mabuksan ko ito ay nagulat ako nang humarurot papasok ang kotse kaya napaupo ako sa gilid sa sobrang takot na masagasaan ako.

Nang maipasok na ang kotse ay bumaba na ang kanina ko pang inaantay.

Andrei.

"Isarado mo ang pinto" malamig nitong utos "Pumunta ka ng kwarto" dagdag nito at tinignan pa ako ng masama

Kaagad kong sinara ang pintuan ng garahe at pumunta sa kwarto namin.

Naabutan kong nagpapalit ng damit si Andrei kaya nagiwas ako ng tingin.

Nang matapos siyang magbihis ay lumapit siya sa pintuan at sinarado ito saka ako Binalingan ng tingin.

"Bakit ka bumalik?" puno ng hinanakit ang kaniyang boses

'Ineexpect mo bang hindi na ako babalik Andrei?' nangilid kaagad ang mga luha ko

"Iniwan ka na rin ba ni jasper kaya bumalik ka rito?" jasper?sino yun?

Puno ng pagtataka ang aking mukha "wag ka nang magmaang-maangan" galit nitong saad at hinawakan ako ng mahigpit sa pala-pulsuhan 

"Andrei,n-nasasaktan ako" daing ko

Binitawan niya ang isa kong kamay at hinawakan ang panga ko saka ako itinulak sa pader "Masasaktan ka talaga,Niloko mo ako!" madiing sabi niya "G-ginamit mo lang ako" saka ako sinampal ng pagkalakas-lakas na dahilan ng pagkatumba ko sa sahig.

"A-andrei tama na" mahinang sambit ko

"T-tama na?Hinding hindi ako susunod saiyo at hinding hindi kita papakinggan sa mga walang kwenta mong dahilan" hinila niya pataas ang buhok ko kaya napatayo ako "You are whore,slut, golddigger" hindi pa siya nakontento at sinakal pa ako 

Lumandas na sa mga pisngi ko ang mga nagbabadya kong luha "A-andr-rei" utal kong tawag sa kaniya

"You are nothing but a whore,slut and a golddigger for me" at hinigpitan pa ang pagkakasakal sa akin "Hindi na kita mahal" kinakapos na ako sa hangin at nararamdaman kong aatakihin na ako ng sakit ko "May mahal na akong iba pero hindi kita papakawalan" dumidilim na ang paningin ko pero pinipilit kong labanan ito 

"Mahal kita andrei" mahinang usal ko bago ako mawalan ng ulirat

"Bakit?Dahil gagawin kong impyerno ang buhay mo" saka ako binitawan sa pagkakasakal at sinikmuraan

Andrei P.O.V.

"Mahal kita andrei" napatawa ako sa kaniyang sinabi 

Kalokohan!

"Bakit?Dahil gagawin kong impyerno ang buhay mo" binitawan ko siya at sinikmuraan napaluhod siya sa sakit na naramdaman niya

Ilang ulit ko iyon inulit pero hindi na siya umimik,inulit ko iyon ng inulit hanggang sa mapagod ako

"T-tama na!" mahinang usal nito,hinila ko ang buhok niya at umupo sa harapan niya

'Ganyan nga damhin mo ang sakit'

"W-wag yung a-asawa ko,A-ako n---" hindi niya na natapos ang sasabihin nang tuluyan na siyang mawalan ng malay

Hinayaan ko siya sa sahig at dumiretso sa guestroom at doon nahiga.

'Bumalik siya tas akala niya parang walamg nangyari?' inis kong sabi sa sarili ko

Habang iniisip ko ang mga kag-gohang gagawin ko sa kaniya ay biglang pumasok sa isip ko ang inasta niya kanina

'T-tama na!'

'W-wag yung a-asawa ko,Ako n---'

Anong ibigsabihin nun?

Wag yung asawa ko,Ako na lang? Ayun ba dapat Ang sasabihin niya.

Bago ako matulog nagmessage muna ako kay neil

'The whore is back' nakangiting tipa ko 

Seeing you suffer makes me contented.

Antayin mo lang ang susunod kong gagawin sa iyo,eliana.

Neil P.O.V.

Nagising ako nang tumunog ang cellphone ko.Kinuha ko ito sa side table ko at tinignan kung ano ito.

'The whore is back' 

Mula kay andrei.

Napatiim ang bagang ko sa tinawag niya kay eliana.

'If you only knew Andrei,if you only knew' napapikit ako sa inis na naramdaman.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status