Kabanata 17
Tamang-tama paglabas nila ni Alexa sa school nito nasa labas na rin si Blade naghihintay sa kanila. Half day lang ang pasok ni Alexa kaya talagang hinihintay na niya ito para hindi na siya mahirapan pa sa pagsundo dito.
Kumaway ito sa kanila, malapad ang pagkakangiti habang nakasandal sa kotse nito. Napakagwapo talaga ng lalaki, hindi manlang sumagi sa isipan niya na magugustuhan siya nito. Malayong-malayo sa itsura nito ang ex niya. Hindi naman mahalaga sa kanya ang panlabas na anyo, bale bunos nalang ang pagiging pogi ni Blade pero ang nagustuhan talaga niya dito ay ang ugali nito.
Unang-una masipag, maalalahanin batid kasi niyang hindi man nito pinaparamdam sa anak na mahal nito ito ei palagi naman nitong kinukumusta ang bata. Parati nitong inaalam ang tungkol sa anak nito at isa pa tapat ito kung magmahal. Patunay nalang ang pagmamahal nito sa asawa nito kahit yumao na.
Medyo may kirot sa bahagi iyon,pero ano ba ang
" Daddy inaaway po ng mga yan si Mommy! " sumbong ni Alexa sa kanya." Ano to babe? Sino ba ang mga yan?" tanong din niya kay Alison." Ahh, sila ang dati kong mga kaworkmate Blade. Kinukumusta lang nila ako." nakangiting sagot nito pero halatang paiwas ito sa pagsagot." No Daddy, inaaway po nila si Mommy kaya nga po pinagtanggol ko si Mommy ei." nakahalukipkip na sabi ng bata habang nakatingin sa dalawang babae." Ganon ba baby? Don't worry si Daddy na ang bahala sa kanila ha." sabi niya sa anak. Tsaka hinarap ang dalawa." So kayo pala ang dahilan kung bakit nagresign ang Mommy ko sa work nya? Abuso na kayo sa trabaho, pati siya inaabuso nyo mapanglamang kayo sa katrabaho nyo. At ngayong wala na siya sa trabaho, nais nyo pa rin siyang abusuhin. Sumusobra na yata kayo, ngayon din ay mag alsa baluta na kayo! Tanggal na kayo sa trabaho!" galit na pahayag niya sa mga ito." Naku Sir! Wag naman po, kailangan
Hindi na nag aksaya pa ng panahon si Blade, agad niyang binuhat ang walang malay ng si Alison sa kanyang kotse at dinala sa pinakamalapit na ospital.Halos paliparin niya ang kotse dahil sa matinding pag-aalala sa nobya. Hindi niya alam kung napano ito basta nalang ito nawalan ng malay bago pa man masagot ang tanong niya dito.Agad namang inasikaso ng Doctor si Alison habang siya ay di mapakali habang hinihintay ang paglabas ng Doctor. Maya-maya ay bumukas ang pinto ng silid na kinaroroonan ng kanyang kasintahan at ng Doctor. Dumungaw ang nurse na kasama ng mga ito at sininyasan siyang pumasok na sa loob. Sumunod naman siya dito.Nakangiting humarap sa kanya ang Doctor." Doc, kumusta na po sya?" nag-aalalang tanong niya sa Doctor." Okey lang sya Hijo, wala ka ring dapat ipag-alala sa baby nyo. Ligtas silang pareho." nakangiting sagot nito.Napatulala naman siya dahil sa sinabi nito. Hindi agad si
Kabanata 20Kabanata 20Awang ang labing nakatitig lamang si Alison kay Blade, hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Siya? Buntis? Pano na ngayon? Anong gagawin niya? Pano niya ipaliliwanag kay Blade ang kahiya-hiya niyang ginawa. Ang makipag one night stand sa isang lalaking hindi niya kakilala, siguradong lalo lamang siyang kakamuhian ng lalaki." Inuulit ko, sino ang ama ng ipinagbubuntis mo?!" kalakip sa boses nito ang hinanakit." P-Pasensya hindi ko pwedeng sabihin. Pero hindi ko naman binalak na lokohin ka. Hindi ko rin alam na mabubuntis ako, at...at..."" Manahimik ka! Wag ka ng magpaliwanag pa! Kung hindi ko pa natuklasan wala kang balak ipagtapat sakin! Anong balak mo?! Na bilugin ang ulo ko! Na ipaako sa akin ang bata sa sinapupunan mo kahit hindi ako ang ama! Maaari pa siguro kung pinagtapat mo lang sana sa akin! Pero hindi ei, nagawang mong lokohin ako! Sa kabila ng lahat n
Napabalikwas ng bangon si Blade, isang napakasamang panaginip ang nagpagising sa kanya. Si Alison daw iniwan siya kasama ang kanyang anak. Pero nakakapagtakang maliit pa ang batang karga nito, natitiyak niyang hindi si Alexa iyon. Napailing na lang siya, marahil sa kakaisip kaya naman pati sa panaginip ay dinadalaw siya ng kaalamang buntis si Alison sa iba. Wala na ito sa tabi niya, marahil ay nasa silid na nito. Alam niyang nasaktan niya ito ng husto dahil sa mga namutawing salita mula sa kanyang labi pero totoo naman ang lahat ng iyon. Inaamin niyang ayaw niya itong mawala kaya handa siyang magbayad ng malaki, bilang yaya ni Alexa at kaulayaw niya sa kama. Ngunit hindi niya hahayaang tuluyang mahulog sa patibong nito. Bumangon siya sa kama, batid niyang ito ay tulog na kaya hindi siya nito mapapansin kapag sinilip ito sa silid. Palagi naman nitong iniiwang hindi nakalock ang kwarto lalo pa at sanay si Alexa na pumasok doon para maglambing, at syempre siya din.
Balak niyang puntahan ang address ni Alison sa Batangas, sigurado na siya ngayon na umuwi ito sa magulang nito. Kaya lang naman siya nagtungo sa bahay ng ex nito sa pag-aakalang nakipagbalikan dito si Alison para sa bata. Sa natuklasan, hindi niya alam kung masisiyahan o magagalit nanaman. Batid niyang hindi ang ex nito ang ama ng bata, pero sino? Yon talaga ang gumugulo sa kanyang isipan.Simula kagabi hanggang kanina tinatawagan niya ang number nito pero unattended na iyon. Marahil inalis na nito ang simcard. Ngayon ang nais niya ay makita ito, makaharap ito at marinig mula sa bibig nito kung sino ang ama ng bata. Gusto niyang maliwananagan para makapagdesisyon na siya. Ayaw niya iyong ganito, isip siya ng isip iyon bang tipong mababaliw na siya. Mahal niya si Alison pero masakit sa kanyang matuklasan na buntis ito sa ibang lalaki. Maya-maya'y tumunog ang kanyang cellphone,kinuha niya iyon at tiningnan ang tumatawag. Si Aling Dorry ang nasa kabilang linya.
"Ala ey anak nahapunan na tayo dito, mabuti pa ay umuwi na tayo ng makapagmeryenda," pukaw ng Itay ni Alison sa kanya.Nakaupo kasi siya noon sa may lilim ng punong mangga. Nakapanguha na sila ng kanyang Itay na kakailanganin nilang lutos sa pagagawa niya ng pabango, sabon, shampoo at lotion. Medyo matagal na siyang di nakauwi kaya naman ang stock niya ay naubos na. Buti nalang nagkaron siya ng pagkakataong umuwi.Kakarating lamang niya kaninang madaling araw pero heto at nag-aya na siyang magtungo sa bukid. Ayaw niya kasing mag-isip muna, gusto niyang kalimutan ang nangyari sa kanila ni Blade. Isa pa iniiwasan din niya ang mga tanong ng kanyang Inay. Hindi pa niya sinasabi dito ang kanyang totoong kalagayan,alam naman niya na hindi ito magagalit sa kanya. Maunawain ang kanyang mga magulang, siguro masasaktan ang mga ito kapag nalamang hindi niya kasama ang ama ng ipinagbubuntis niya. Pero natitiyak niyang tatanggapin siya ng buong-buo ng mga ito.
"Ala ey, ulitin mo nga ang iyong sinabi Bunso. Tama ga ang pagkakarinig ko? Binuntis ka ng lalaking ito?!" mahinahon pero mababakas na ang pagkadisgusto sa boses ng ama ni Alison.Napahawak naman sa kamay ni Alison si Blade, medyo kinabahan siya sa maaring gawin ng ama ni Alison pero nakahanda naman siyang tanggapin ang galit ng ama nito. Kahit bugbugin siya nito hindi siya susuko, gagawin niya ang lahat para matanggap din siya ng pamilya nito."Opo Itay, sorry po. Hindi ko naman po sinasadya Itay, sana po mapatawad ninyo ako ni Inay." mahina ang boses na sagot ni Alison habang nakatungo, hindi nito nakayanang salubungin ang puno ng hinanakit na tingin nito sa kanya.Biglang natahimik ang lahat, ang mga kapatid ni Alison ay tila hindi pa nakabawi sa pagkagulat. Kinakabahan siya sa anumang mangyayari, bahala na kung bugbugin siya ng mga ito tatanggapin nalang niya ang lahat. Ang tatlong kapatid ni Alison ay nananatiling nakatitig sa
" Ala ey sigurado ka gang kaya mong mag-igib sa balon hijo?" tanong ng Inay ni Alison na noo'y nagwawalis ng mga tuyong dahon sa likod ng bahay.Maliligo daw si Alison kaya ipag-iigib niya ito ng tubig. Tumanggi naman si Alison at kuya nalang nito ang pinakisuyuan pero nagpumilit siya dahil na rin nais niyang patunayan ditong kaya niyang pangatawanan ang sinabi niya ditong gagawin ang mga makalumang panliligaw ng mga kabinataan noon. Sumang-ayon naman ito pero medyo kinakabahan siya dahil isang balong malalim pala ang iniigiban ng tubig dito. Akala niya ei gripo, yon pala ei sa sentro pa ng barrio ang may gripo. Isang balon na may tubig ang iniigiban at may tila pinutol lamang na maliit na galoon na kinabitan ng isang lubid."Opo Tita, kayang-kaya po," nakangiting sagot niya dito.Pero ang totoo hindi niya alam kung papano, sa katunayan kanina pa nga siya butil-butil ang pawis dahil nakailang hulog na siya ng pansalok na galong may