Share

Chapter 23 (Part 3)

HALOS liparin ni Asher ang kinaroroonan niya nang makita nitong ibinababa na ng pangahas ang saplot niya sa ibabang bahagi ng kaniyang katawan.

Nang ganap itong makalapit ay ubos lakas nitong hinataw ng suntok sa leeg ang abalang lalaki.

Timbuwang ito sa tabi niya at hindi ito binigyan ng pagkakataon ni Asher para makabawi pa, agad itong umibabaw dito.

"Hayop ka! Hayop ka!" galit na galit na sigaw ni Asher habang binabayo ito ng suntok sa mukha at hindi tinigilan hanggang sa magmumog na ito ng sariling dugo at mawalan na ng malay.

Tahimik siyang umiiyak habang nakatitig kay Asher.

Humihingal ang binata nang huminto.

Tiningnan siya nito bago siya nilapitan at masuyong inayos ang bahagya ng nakababang saplot sa kaniyang ibabang katawan.

Kapwa hindi sila makapagsalita habang nakatitig sa isa't-isa.

Sa mga mata nito ay naroon ang guilt. Guilt dahil siguro iniwan siya?

Nagulantang siya nang makita ang lalaking may hawak na sanga ng kahoy sa likuran ni Asher, at bago pa man siya makasigaw
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status