TINITINGNAN ni Jade ang tinatahak nilang daan, alam niyang hindi ito ang daan pauwi kaya hindi na siya nag-alangan pang magtanong. “Sir, may dadaanan pa po ba tayong iba?” tanong niya habang lihim na napasulyap sa kanyang relo. Pasado alas-sais na ng gabi at madilim na ang paligid. Tiyak gabing-gabi na siya makakauwi sa kanila. Hindi naman siya nag-aalala dahil si Mark ang kasama niya. Kahit papaano ay malaki na rin ang tiwala niya sa lalaki mula noong tinulungan siya nito noong nagkasakit siya. Kapag ganitong kasabay niya si Mark at ginagabi siyang umuwi ay doon ito umuuwi sa ancestral house ng mga magulang para maidaan siya sa kanila. “Yes. Meron pa tayong pupuntahan. Bakit gusto mo na bang umuwi?” tanong nito na napalinga sa kanya. Kahit naman gusto na niyang umuwi wala siyang magagawa. “Ayos lang po, sir. Basta sasabay ako sa inyo. Doon naman kayo uuwi sa bahay ng parents mo, ‘di ba?” “Nope.” “H-hindi?” Bigla siyang napaisip at tila gusto na t
“Kung sasabihin ko bang pumapayag ako sa proposal mo, tatanggalin mo na ba ako sa trabaho?” tanong niya. Napatigil sa pag-iinom si Mark sa kanyang baso at napatingin sa kanya.“Really? Ibig sabihin pumapayag ka na?” excited na tanong ni Mark sa kanya. Ngumiti siya at tumango-tango. Naisip niyang tama ang sinabi nito. Bakit pa nila patatagalin kung pareho naman nila gusto ang isa’t-isa. Kapag hindi sila magkasundo puwede naman silang maghiwalay dahil hindi pa naman sila mag-asawa. Para sa kanya sang-ayon siya sa ganoon, upang mas makilala nila ang isa’t-isa. Kung totoo mang gusto siya nito, sa tingin niya wala namang magiging problema dahil matagal na niyang gusto ang lalaki at matagal na niyang napag-isipan iyon kahit alam niyang imposible ang lahat. Parang nananaginip nga siya dahil hindi niya sukat akalain na magkakagusto ito sa kanya.“Thank you, I’m so happy, honey, my little kitty,” lalong lumapad ang mga ngiti nito sa kanya.“So, ibig sabihin ay girlfriend na kita?”“At boyfrien
HABANG nasa daan sila ay tahimik lang si Jade na napapaluha. Napabuntong-hininga si Mark na nilinga siya. “Tahan na… huwag ka nang umiyak. Ayokong nakikitang umiiyak ka,” anito na punong-puno ng pag-aalala ang tinig at mga mata nito. “Nabigla lang talaga ako, hindi ko akalain na palalayasin ako ni Tito nang ganun-ganon na lang,” sambit niya na napasinghot. Masama talaga ang loob niya. “It’s okay, honey. Just think that it would be more awkward if you were with your uncle without your aunt, right?” May punto si Mark sa sinabi, hindi naman talaga siya mananatili kapag silang dalawa na lang ng tito niya ang naroon. She listened quietly to Mark's advice, which eased her mind and gave her comfort. “You don’t need to worry, I’m here. Alam kong nabigla ka sa mga nangyari pero problema nilang mag-asawa ‘yon, hindi mo puwedeng panghimasukan. Sa kuwento mo sa akin tungkol sa tito mo, mas makabubuti nga siguro sa tita mo na magkahiwalay sila,” anito. “Kung magsalita ka parang ex
NANG magising si Jade, ay pasado alas sais na ng umaga. Parang nahihilo siya dahil kulang pa siya sa tulog. Kung hindi pa tumabi si Mark sa kanya ay hindi siya dadalawin ng antok. Tumingin-tingin siya sa paligid, bahagyang nakabukas ang kurtina ng glass wall kaya naaninag na niya ang liwanag sa labas. Hinanap ng kanyang mga mata si Mark, subalit wala na ito sa kanyang tabi. Napangiti siya na isiping dati-rati ay pinapangarap lang niya ang lalaki, pero ngayon ay nobyo na niya ito. Bumangon na siya't inayos ang kanyang hinigaan. Pagkatapos ay tinungo niya ang closet upang ihanda ang kanyang isusuot. Ang mga damit niyang nakalagay sa paper bag na pinagtatapon ng Tito Samuel niya ay inilagay ni Mark sa hanger. Nagmukmok lang siya kagabi kaya hindi na siya nakapag-isip mag-ayos ng kanyang mga gamit, nahiya tuloy siya kay Mark. Kinuha niya ang asul na bistida at inilapag iyon sa kama. Hindi naman gusot ang tela nito kaya ayos lang na hindi plantsahin. Tinungo na niya ang shower room. Muli n
NAGKAROON ng kaunting salu-salo sa ancestral house ng mga Xavier. Dumating din ang pinsan ni Mark na si Raine mula sa Tagaytay nang malaman nito ang pagdating ng mag-asawa. Si Raine ay halos tumira na rin sa kanila mula noong nag-aral ito ng kolehiyo. Nasa probinsya kasi ang mga magulang nito na kapatid ng mommy niya. Nang makapagtapos ito ng pag-aaral ay inalok ng mga magulang ni Mark na pamahalaan ang coffee shop at ilang maliliit na negosyo ng mga Xavier. Ngunit nitong huli lang ay nabalitaan ni Mark na nagkaroon ito ng boyfriend na dayuhan at niyayaya na itong pakasal. Dapat sana ay aalis na ito ng bansa pero pinakiusapan niyang manatili muna hangga’t hindi pa nakakakuha ng papalit sa kanya. “Mabuti naman, Tita, at napaaga ang uwi niyo. Finally, I can now leave the country?” excited na sabi ni Raine. Napaangat ng tingin si Aliona sa pamangkin.“Why are you leaving? Hindi ko yata alam 'yon, hija,” kunot-noo na sabi ni Aliona.“Tita, nag-usap na kami ni Kuya
Namangha si Jade sa ganda ng paligid. Naaamoy niya ang halimuyak ng iba't-ibang uri ng mga bulaklak sa paligid na ngayon lang niya nakita. Mayroon ding malalaking puno sa paligid na may iba't-ibang kulay ang mga dahon. Napakurap-kurap siya sa pag-aakalang namamalikmata lamang siya, pero totoo ang lahat. Katulad ng mga paru-paro na patuloy ang pagdapo sa mga bulaklak, hindi niya napigilang hawakan ang mga bulaklak na nakikita niya. Nang dumungaw siya sa may batis, tila nahipnotismo siya at nakita niya ang isang pangyayari sa mismong kinatatayuan niya.“Anong ginagawa mo rito?” tanong ng isang tinig. Nagulat siya't napalingon sa tinig ng babae na nagmula sa kanyang likuran. Isang babae na nakasakay sa puting kabayo. Kakaiba ang anyo nito, para itong isang diwata. Taglay nito ang mahaba at mapuputing buhok. Manipis ang kasuotan nitong mahaba kaya kitang-kita ang hubog ng katawan nito. Mala-porselana ang kutis nito na tila kumikinang kapag natatamaan ng sikat ng araw, at nakik
PAGDATING ni Mark sa opisina, agad niyang binuksan ang kanyang laptop. Saglit siyang nag-browse ng online news. Napansin niya ang headline ng balitang tungkol sa eroplanong sumabog. Agad niyang naalala ang kanyang pangitain. Tila nanlambot ang kanyang mga tuhod nang makita na ang eroplanong sumabog ay ang AF 257. Tandang-tanda niya dahil dito dapat nakasakay ang kanyang mga magulang kung hindi lamang niya naagapan na pauwiin ang mga ito nang mas maaga. Nakaramdam siya ng takot dahil kahit kailan ay hindi pa nagkamali ang kanyang mga pangitain.Agad na dinampot niya ang kanyang cellphone nang mag-ring ito, tumatawag ang kanyang mommy.“Hijo, hindi ko alam kung matatakot ako,” anang kanyang mommy.“Matatakot saan, mommy?” tanong niya.“I just saw the news about the plane crash. Tama ka, hijo, mas mabuti na hindi kami roon nakasakay. But, how did you know about it?” tila may pagtataka sa tinig ng kanyang mommy.“I don't know, mom, I just had a bad feeling about that flight.”“Pero hindi
NANLULUMO na umuwi si Jade sa penthouse. Hindi rin niya nakasabay si Mark, maaga kasi itong umalis kanina kasama ang mga magulang. Naunawaan naman niyang maraming problema na dapat asikasuhin ngayon nakabalik na ang mga magulang sa Pilipinas. Pero, bakit ganoon hindi niya maiwasang sumama ang loob? Ito ‘yong bagay na ayaw niya, ang maapektuhan ang kanyang trabaho dahil sa kanyang emosyon. Ngayon lang niya napagtanto na kaya siguro ayaw ni Mark na nasa opisina siya dahil distracted din ito sa trabaho. Napasinghot siya, hindi niya namalayan ang pangingilid ng kanyang mga luha. Nalulungkot siyang magkakahiwalay sila ni Mark ng trabaho kahit na alam niyang malapit lang naman ito kung tutuusin. Isa pang nagpapabigat sa kanyang kalooban ay ang pagtrato sa kanya ng mga magulang ni Mark. Paano niya maaatim na makisama sa mga ganoong uri ng tao sakaling magkatuluyan sila ni Mark? Sumagi rin sa kanyang isipan na baka iyon ang dahilan kung bakit hindi siya ipinakikilala ng lalaki sa mga magulan