CHAPTER 45: _"Hey... Bro! Nandito ka lang pala, bakit ka ba nagkukulong?" Bigla siyang napalingon sa pinanggalingan ng tinig upang tingnan ito. Si Joshua at kasama nito si Arvin ang dalawang nakababata niyang pinsan, habang lumalakad ang mga ito palapit sa kinaroroonan niya. Kasalukuyan pa rin kasi siyang nakaharap sa computer ng oras na iyon. May mga idinadagdag pa siya sa format ng susunod nilang project. Pinili niyang sa Condo na lang ito gawin. Malaking tulong din ang modern technology para sa kanilang trabaho. Dahil dito maaari na silang magconduct ng task gamit ang computer.Kasalukuyan niyang ginagawa ang construction plan at sinusubukan niyang gawan ito ng rendition gamit ang computer. Nasa Condo siya ngayon na pag-aari ni Joaquin at dahil hindi na dito tumutuloy ang binata kaya naman mag-isa lang siya dito. Kung nandito lang si Maru' kahit paano may kasama sana siya ngayon. Hindi pa rin kasi ito bumabalik hanggang ngayon.Matagal na ring hindi dito tumutuloy si Joaquin
CHAPTER 46:_Gulat at hindi siya makapaniwala sa kanyang nasaksihan ng mga oras na iyon. Saglit niyang iniwan si VJ sa Sala para sana ikuha ito ng maiinom. Subalit pagpasok pa lang niya sa pintuan ng dining nalanghap na niya ang mabangong amoy ng nilulutong dessert. Kaya alam na niyang nagbi-bake na nang cake si Angela. Naisip niyang silipin muna ito bago siya kumuha ng maiinom. Pero pagpasok pa lang niya sa baking section nito iba na ang kanyang nasaksihan. Si Joaquin habang sinusubukan nitong halikan si Angela mula sa likuran. Kailan pa ito naging bastos kumilos? Naitanong niya sa sarili. Dahil sa pagsulak ng galit bigla niya itong sinigawan. "Joaquin?!" Malakas na sigaw ni Liandro sa anak na si Joaquin. Nagulat naman si Angela at napalingon sa pinanggalingan ng tinig. Agad itong nabahala at nakaramdam ng kaba pagkakita nito kay Liandro na tila galit. Lalo na nang makita si Joaquin sa kanyang likuran. Naisip niya ang posibleng mangyari.Nang marinig naman siyang sumigaw ni
CHAPTER 47:_"Hindi na ba natin hihintayin si Daddy na bumaba?" Saglit na natigilan si Angela sa tanong ng anak.Sa kanyang palagay unti-unti nang nakukuha ni Joaquin ang tiwala at pagmamahal ng kanyang anak. Pero bakit ba siya nakakaramdam ng pag-aalala?Saglit pa silang nagkatinginan ni Liandro pero siya na rin unang nagpaliwanag sa anak. "May ginagawa pa kasi ang Daddy mo anak. P'wede mo rin namang sabihin na lang sa kanya mamaya pagkatapos nating kumain. Kaya sabihin mo na lang muna kay Lolo mo, okay?""Sige po..." Nakangiting humarap muna ito sa abuelo bago muling nagpatuloy sa pagsasalita. "Lolo, alam mo ba sabi ni titser very good daw ako..." Saglit pa itong dumikit kay Liandro at kunwari bumulong. "Kasi ako daw ang first honor, Lolo!" "Ohh! Talaga ba?" Nakangiting bumaling muna ito ng tingin kay Angela at muli rin na ibinalik ang tingin sa apo. "Wow! Good work Iho ang galing... Ang husay ng apo ko." Tuwang tuwang pahayag nito.Pagtingin nito sa kanya, tinanguan naman niya
CHAPTER 48: ANSELMO DOMINGUEZ _Sta. Barbara, Iloilo cityAng nakaraan sa Hacienda Caridad..."Hanggang ngayon ba nagmamatigas pa rin sila? Hindi ba ang sabi ko gumawa ka ng paraan at wala akong pakialam kahit anong paraan ang gawin mo! Magbayad ka o pumatay ka, wala akong pakialam! Basta ang gusto ko mapunta sa'kin ang lahat ng kung ano man ang meron sila, naiintindihan mo!"Malakas na bulyaw ni Anselmo sa kanyang tauhang si Gido. Si Gido ang pinagkakatiwalaan ni Anselmo sa lahat, ito rin ang pumapapel bilang kanyang kanang kamay."Pero ayaw talaga nilang ipagbili ang lupa nila Boss at patuloy pa rin silang nagmamatigas! Lalo na ang Darius na 'yun! Akala mo kung sinong magsalita, Boss?" Pangangatwiran ni Gido lalo pa nitong ginatungan ang nakitang nagbabadyang galit ng sariling amo."Kaya titigil ka na at hahayaan mo na lang sila ganu'n ba?" "Hindi naman po sa ganu'n Boss! Humahanap lang po kami ng t'yempo!" Muling paliwanag nito.Matagal nang gustong bilhin ni Anselmo ang lupain
CHAPTER 49: DARRIUS RAMIREZ _Bang... Bang!Bang!Sunod-sunod na putok ng baril ang pumailanlang sa paligid. Kasabay nito ang malakas na pagtawa ni Anselmo at ng mga kasama nito... Ito ang lalong nagpatindi ng pagkaligalig sa katauhan ni Darius. Subalit hindi siya maaaring sumuko, hindi ngayon! Kailangan silang makaalis ng Hacienda, makarating hanggang sa dulo...Mahigpit niyang hawak ang kamay ni Annabelle habang patuloy lang sila sa pagtakbo. Patuloy namang nagpaputok si Anselmo, hindi pa ito nasiyahan. Pinasundan pa nito sa mga tauhan ang mag-asawang Darius at Annabelle."Sige sundan n'yo sila h'wag n'yo silang titigilan hangga't hindi sila nakakalabas ng Hacienda. Ang gusto ko manginig sila sa takot sa akin. Hanggang sa hindi na nila ako magawang tingnan sa mata. Maswerte sila kung makakalabas pa sila ng buhay."Kahit pa ramdam niya ang sobrang sakit ng katawan sa kabila ng mga tinamong sugat at bugbog sa katawan. Hindi siya maaaring sumuko, hindi sila dito mamatay. Ito ang b
CHAPTER 50: CARE FOR LOVE _"What... What did you say?""I said, I'm not your puppet, Dad! Tao ako at may pakiramdam kaya h'wag mo akong basta pasunurin sa gusto mo, hindi mo ako laruan!" Malakas niyang sigaw sa harap ng kanyang ama nang hindi na naisip pa ang kahulugan ng mga salitang lumabas sa kanyang bibig. Basta na lang niya nasabi dahil na rin sa galit at matagal nang kinikimkim na sama ng loob dito."Walanghiya ka talagang bata ka, wala ka nang respeto talagang mapapatay kita!"Lalapitan sana siya nito ulit para muling saktan. Pero maagap itong sinangga ng kanyang kuya Darren. Niyakap siya nito kaya ito ang sumalo ng lahat ng galit ng kanilang ama.Bakit ba ang bait ng kuya Darren niya Kayang kaya nitong tiisin ang ugali ng Daddy nila. Palagi na lang itong sunod sunuran sa kanilang ama. Kung minsan iniisip niya kung masaya pa rin ba ito sa ginagawa nito?Habang tumatagal nagiging toxic na ito sa kanya, kabaligtaran kasi ito ng ugali niya. Nagsisimula na rin kasi siyang makara
CHAPTER 51: LIKE A RAINBOW _Lumipas ang mga araw na tuluyan na nga silang hindi nakapag-aral at hindi na rin nakabalik ng Manila. Naging napaka-ilap sa kanya ng pagkakataon. Bagama't naging masaya ang kanilang pagsasama. Subalit hindi naging ganu'n kadali ang buhay para sa kanila.Lalo na at naging maselan ang pagbubuntis ni Annabelle at bukod pa du'n nanganak rin ito ng wala sa oras. Ikawalong buwan lang ng ipanganak nito ang kanilang panganay na si Amanda. Naisip niyang isunod ito sa pangalan ng Daddy niyang si Dr. Amadeo Ramirez. Bilang pag-alala sa kanyang ama na isa ring Doctor. Tulad rin nito ang mga Doctor ang sumagip sa kanyang mag-ina sa peligro.Kaya kung nanaisin ng kanyang anak na maging isa ring Doctor hindi niya ito tututulan... Aminin man niya o hindi palagi na lang niyang naiisip ang Daddy niya. Lalo na nang mga panahon na naghahanap siya ng trabaho. Ayaw niyang aminin na tama ang kanyang ama. Hindi naging ganu'n kadali ang paghahanap niya ng trabaho kasi bukod s
CHAPTER 52: AMANDA'S MISTAKE _ Nagkaroon ng malaking sunog sa Baryo nadamay pati na ang mga pananim nilang mais. Kung kaya hindi siya nakaalis upang lumuwas ng Maynila. Kinailangan kasi ang tulong niya sa Baryo. Bukod pa sa malaking pera din ang nawala sa kanila. Iyon pa naman ang inaasahan niya panggastos sa enrollment ng mga anak niya sa pasukan. Kaya minabuti niyang h'wag na lamang tumuloy, malaki rin kasi ang magagastos niya sa balikang pagb'yahe. Maaari na iyong pambili ng mga gamit ng mga anak niya sa eskwela. Pero mukhang minamalas pa yata sila magagamit pa nila ang naipon nilang pera para sa pag-aaral ng dalawa nilang anak. Halos nasunog kasi ang lahat ng mga ani nilang mais. Muli na namang lumipas ang mga araw, buwan at taon. Napagkasunduan na lang nilang mag-asawa na kapag nakatapos na si Amanda ng High School sa Manila na mag-aaral ang dalawa nilang anak. Tutal naman nasa 3rd year high school na si Amanda at graduating na ito next year. Balak nilang ibenta na lan