CHAPTER 65:_Makalipas ang ilang sandali ng tahimik nilang pagkain. Nagpaalam muna si Angela kay Joseph upang puntahan sila Alyana at Diane sa Canteen. Siguradong abala ang mga ito ngayon sa kusina. Dahil sila ang head incharge para magserve ng pagkain sa mga bisita.Pinayagan naman s'ya ni Joseph na puntahan ang mga ito. Kaya dumeretso na s'ya agad patungo sa canteen ng Resort.Pagdating n'ya sa canteen abala pa rin ang lahat..."Kumusta kayo dito okay lang ba kayo?" Tanong niya matapos niyang batiin ang lahat."Okay lang po ma'am!" Sabay-sabay namang saad ng mga kitchen staff nila."Kayong dalawa okay lang ba kayo?" Tanong niya paglingon kay Alyana at Diane."Okay lang kami Boss, h'wag ka nang mag-alala." Birong saad pa ni Diane."Boss ka d'yan, tumigil ka nga!" Nangingiti niyang saway dito. Hindi niya gustong mabago ang pakitungo ng mga ito sa kanya. Nang dahil lang sa kanya na ito magtatrabaho. Kinuha n'ya kasi ang dalawang ito para makatulong niya sa pagmamanage ng food sho
CHAPTER 66:_Halos kalahating oras na ang lumipas ngunit hindi pa rin bumabalik si Angela. Gusto na niya itong sundan pero pinigilan lang niya ang sarili.Sobrang naiinip na s'ya kung bakit naman kasi nagkataon pa na wala rin si Maru' ngayon. Nagpaalam kasi ito na uuwi ng bahay bago pa man sila makarating ng Resort kanina. Kaya wala rin ito ngayon sa party.Hindi naman n'ya magawang sundan si Angela sa Canteen kahit pa gustuhin niya.Ayaw kasi n'yang isipin nito na nagiging clingy na siya. Hindi rin naman n'ya maintindihan ang kanyang sarili nitong huli. Ayaw rin n'yang isipin na may takot na namamahay sa kanyang dibdib. Okay naman kasi sila dati wala naman silang problema. Pero mula ng magbalik si Angela galing ng Venice nag-iba na. Bakit ganu'n tatlong buwan lang itong nawala pero parang ang dami nang nagbago sa dalaga. Ang daming mga tanong na hindi n'ya maiwasang isipin.Naiisip rin n'ya na sana noon pa man pinagpursigihan na niya ang panliligaw sa dalaga. Para naman kahit p
CHAPTER 67:_Kasalukuyang naglalakad si Joaquin patungo ng pool side. Dahil naroon na rin si Russell tinawagan s'ya nito na doon na lang n'ya ito puntahan kasama ng mga pinsan niya.Malayo pa s'ya natanawan na n'ya na may dalawang babaing nag-uusap sa gilid ng pool. Habang lumalapit s'ya unti-unti n'yang nakikilala ang dalawang babae. Si Angela at Mandy pero bakit doon sila nag-uusap? Tanong pa niya sa sarili.Lalo lang s'yang nagtaka dahil habang palapit s'ya ng palapit nabatid n'yang hindi lang ito basta nag-uusap. Kun'di parang nagtatalo pa ang mga ito.Napahugot s'yang bigla ng paghinga at binilisan na ang paglalakad.Ngunit bago pa man s'ya tuluyang makalapit sa mga ito. Na-shocked na lang s'ya sa sunod na nangyari. Nakita na lang n'ya si Angela na nahulog na sa pool. Habang si Mandy nasa gilid ng pool at pinagmamasdan lang ito. Hindi man s'ya sigurado kung itinulak ito ng babae. Subalit sigurado s'yang ang babae ang dahilan kung bakit ito nahulog. Mabilis n'ya itong tinakbo
CHAPTER 68:_"Do you think, you can escape on what you did to her?" Mariin at matatag ang boses nito na saglit na tila nag-echo pa sa kanyang pandinig.Daig pa tuloy niya ang isang dagang nahuli ng isang napakalaking pusa sa tindi ng kanyang kaba. Kung bakit naman kasi sa dinami-rami ng makakasalubong niya, bakit ito pa? Bulong ng kanyang isip na saglit na natigilan.Ngunit agad rin naman s'yang nakabawi at muling nahamig ang sarili. Bahagya pa niyang itinaas ang mukha bago pa nagsalita. Wala na s'yang pakialam kahit ano pa ang itsura niya ngayon."Why did you say that, I don't know what do you mean?" Kaila niya na nagkunwaring hindi alam ang ibig ipakahulugan ng binata."Oh' really, why you deny it, you think you can run away and escape to all of this? No, never! Kailangan panagutan mo ang ginawa mo." Wika nito sa mariin na salita. Bahagya muna siyang tumawa bago pa niya ito sinagot ng walang pag-aalinlangan at deretsong nagsalita."But why should I run away if I have nothing to
CHAPTER 69:_Makalipas lang ang ilang araw balik na ulit sa normal ang lahat na parang walang nangyaring ano man, tulad pa rin ng dati. Napakiusapan niya si Joaquin na h'wag na lang palakihin ang problema. Kahit batid niya ang pagkadisgusto nito sa naging desisyon niya na basta na lang kalimutan ang nangyari. Sinabi naman niya kay Liandro at Joseph na aksidente lang na nadulas siya sa pool habang nag-uusap sila ni Mandy. Ganu'n lang kasimple at agad namang naniwala ang mga ito at hindi na rin nag-usisa pa.Naging sobrang abala na rin siya ng mga sumunod na araw. Para sa Grand opening day ng shop na gaganapin ngayong araw mismo.Maaga siyang gumising upang makapaghanda. May konti man siyang kaba na nadarama, ngunit mas higit ang nararamdaman niyang excitement sa mga magaganap.Ang ribbon cutting na gagawin sa ganap na ika-sampo ng umaga. Pero ang programa ay nagsimula kanina pang alas otso ng umaga. Ito ang unang araw na bubuksan na ang Angelle's Food Shop Cakes and pastry supp
CHAPTER 70:_Dahil sa sila lang ang nasa bahay ng gabing iyon. Kaya hiniling ni Joaquin na doon na lang din s'ya sa kwarto ng mag-ina matulog.Napapayag naman niya si Angela dahil na rin sa pangungulit ng kanyang anak. Matapos ang masayang biruan at paglalambing nilang tatlo sa isa't-isa sa wakas unti-unti ring nakaramdam ng pagod at antok ang kanyang anak na ngayon ay mahimbing ng natutulog sa pagitan nila ni Angela.Dahil na rin marahil sa pagod sa maghapong trabaho nito sa shop. Kaya hindi na rin napigilan pa ni Angela ang antok. Kaya kahit gusto pa sana n'yang makipagkwentuhan sa dalaga. Hinayaan na lang muna n'ya itong makatulog. Alam n'yang napagod ito sa buong maghapon sa unang araw nito sa food shop.__By that time, kahit hating gabi na ngunit nanatiling gising pa rin si Joaquin. Kahit bahagyang nakakaramdam na rin s'ya ng antok. Subalit ayaw muna n'yang matulog kahit sandali gusto muna niyang manatiling gising. Nais muna n'yang pagmasdan ang kanyang mag-ina habang nah
CHAPTER 71: _ Isang desisyon ang nabuo sa kanyang isip. Desisyon na matagal rin niyang pinag-isipan nitong huli. Hindi dahil sa naguguluhan siya o hindi kaya ay nagdadalawang isip... Kun'di dahil sa pagtiyak ng tamang panahon at pagkakataon. Dahil sigurado naman siya sa sarili na si Angela lang ang nais niyang pakasalan. Kahit pa nang paulit-ulit dahil desidido na talaga siya na pakasalan ito. Kaya isang kataga ang walang pag-aalinlangan na lumabas sa kanyang bibig... "Magpakasal na tayo!" Wika niya. Muli sa ikalawang pagkakataon nag-alok siya nang kasal. But this time, he sure on what kind of feelings he has right now and no one can stop him to love this woman. He whispered to his mind. He can do what ever he wants to do and he did not allowed anyone to be hinders their love... Followed by promise to himself. "A-ano?" Halatang nagulat nitong tanong. "Bakit ayaw mo bang magpakasal sa'kin?" Seryosong tanong niya sa dalaga. "S'yempre naman gusto ko, kaya lang bakit
CHAPTER 72:_Dahil na rin sa labis na pagud nakatulog silang magkayakap at nanatili sa sahig. Hindi na nila nagawang makapagbihis at ayusin pa ang kanilang mga sarili.Ilang oras din ang matuling lumipas ng magising si Joaquin. Kahit inaantok pa pinilit pa rin niyang bumangon. Pagtingin niya ng oras halos mag-aalas singko na nang umaga.Mahigit dalawang oras lang ang kanyang naging tulog. Subalit nanatiling magaan at masarap ang kanyang pakiramdam.Dahil sa mga naganap sa pagitan nila ni Angela, ilang oras lang ang nakalipas. Saglit pa niyang ipinikit ang mga mata upang balikan sa isip ang mga pangyayari kanina. Kaya naman isang matamis na ngiti ang mababakas sa kanyang mukha.Tila ba may humihila pa sa kanya na muling mahiga at tumabi sa babae na hanggang ngayon ay nanatiling himbing na himbing pa rin sa pagtulog. Kay ganda nitong pagmasdan habang natutulog at tila ba kay sarap nitong yakapin. Tila naman wala siya sa sarili na muling nahiga at niyakap ito mula sa likuran. Da