Share

THE UNFINISHED BUSINESS

CHAPTER 121:

_

Ang daming nangyari sa loob lang ng isang araw, tila ang haba tuloy ng buong maghapon.

Parang kanina lang iniisip pa niya kung anong diskarte ang gagawin niya para makausap ang mag-ama.

Sino bang mag-aakala na dito lang pala sila nakatira sa tapat mismo ng bahay ni Gavin.

Hindi rin niya akalain na hindi lang pala sila makakapasok sa loob ng bahay na ito. Kung hindi may posibilidad pa na dito na rin sila tumira magmula ngayon.

Okay lang sana at wala namang problema. Dahil gusto rin naman niyang makasama ang mag-ama.

Lalo na ngayong kilala na rin ng mga ito ang kambal nilang Anak. Dahil hindi na rin niya gustong maglihim dito at malayo pa silang mag-iina kay Joaquin at VJ.

Hindi naman nagbago ang pagmamahal niya kay Joaquin mula pa man noon hanggang ngayon mahal pa rin niya ito.

Kaya bakit pa ba siya tatanggi na makasama ito. Pero gumugulo pa rin sa isip niya kung ano ba ang plano nito sa kanya o sa kanilang mag-iina.

Hindi naman nito nabanggit ang tungkol sa kasal.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status