SALAMAT SA PAG-AABANG. Bukas naman ulit, masakit ang ulo ni author ngayon. Sinumpong ng migraine. Ginapang ko talaga ang oras makadagdag lang ng chapter. Huwag nyo ko awayin. Maraming salamat po.
“Sandali, cr lang muna ako.” Paalam niya kay Clarence after nilang kumain. Kasalukuyan silang palabas na sana ng hotel ng makaramdam siya ng naiihi. Tumango lang si Clarence sa kanya at hinintay siya sa lobby. Limang minuto ang nakalipas, matapos siyang umihi ay agad na rin siyang lumabas ng cr. Hindi na siya nag aksaya pa na ayusin ang itsura niya dahil pauwi naman na sila. Isa pa sa inaalala niya ang mga anak niya na alam niyang naghihintay na sa kanila. “Ciara, sandali.” Hinawakan siya ni Lorenz sa braso ngunit tinabig niya ang kamay nito. Galit niya itong tiningnan habang nakasalubong ang kilay. “What do you want?” iritado niyang tanong sa lalaki. “Ciara, please, patawarin mo na ako, pinagsisihan ko na ang lahat ng mga ginawa ko sa’yo noon.” nagmmamakaawa ito sa kanya.“Lorenz, ilang beses ko bang sabihin sa’yo na tapos na tayo. Kasal ka na kay Monica, ano pa bang hinahabol mo sa akin?” singhal n’ya rito at saka tinalikuran. “Nakipaghiwalay na ako sa kanya,” sagot nito habang h
Matagal na nakatitig si Clarence sa kawalan, iniisip niya ang tungkol kay Red Phoenix. Hindi na niya namalayan kung ilang oras na siya sa labas. Bumalik siya sa loob ng silid ng maalala si Ciara. Hindi man lang siya nito sinabihan kung tapos na ito sa paggamit ng banyo. Natigilan siya ng makita ito na nakahiga sa couch. Umabot ba siya ng maraming oras sa pagmumuni-muni sa labas? Bakit natulog ito kaagad? Dahan-dahan ang kanyang paghakbang papunta rito, nakapikit na ang mga mata nito. “Tulog na kaagad siya?” tanong niya sa sarili. "Damn, mukhang tinulugan na siya nito. Hindi na lang niya ito ginising. Nagpasya na lang siyang mag shower na muna. Mabilis lang ang kanyang pag half bath, after ten minutes agad din naman siyang lumabas ng banyo. Nakapamewang na tinitigan niya ng matagal si Ciara habang nakahiga sa couch at nakatalikod sa kanya. Natapos na siyang magbihis ngunit nasa couch pa rin nakahiga ang asawa niya. Hindi niya alam kung paano niya ito gigisingin. Kahit nakapikit ang mg
"Clarence," sambit niya sa pangalan nito. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa mga narinig niya mula rito. Bumangon siya at binalot ng kumot ang hubad na katawan niya. Namumuo ang luha sa sulok ng kanyang mga mata. Napapikit siya ng maramdaman ang paglapat ng labi nito sa batok niya. Niyakap siya nito mula sa likuran at pinagdikit ang katawan nilang dalawa. Napagitnaan ang katawan niya ng dalawang hita nito kaya waring kinakandong na siya nito."Sweetheart, ayokong nakikita ka kasama ni Lorenz, parang mamatay ako sa selos." Pag-amin nito sa kanya. "Ano ang nakain mo at sinabi mo sa akin ang lahat ng iyan?" tanong niya. Pinasandal siya sa dibdib nito. Kinulong ng mga bisig nito ang hubad niyang katawan, at magustuhan niya ang ganitong pakiramdam.“Naisip kong umamin na. Wala naman masama dahil asawa na kita. Ngayong alam mo na ang dahilan kung bakit nagagalit ako kapag nakipagkita ka kay Lorenz, huwag na huwag ko makikita na kinakausap mo siya.”“Paano kung ayaw ko?” nakangiti
“Ngayon, sabihin mo na sa akin, kung ano ang nangyari.” Bungad agad ni Ciara, nang magkaharap na sila ni Lorenz. Halata sa mukha nito na hindi alam kung paano magsimula ng sasabihin. Umiwas ito ng tingin upang makakuha ng lakas ng loob na sabihin ang lahat. "Naghihintay ako Lorenz.” Muling wika niya, na nagbalik ng sistema nito. Tumingin ito ng diretsahan sa kanyang mga mata. “Maniwala ka man at sa hindi Ciara, minahal kita noon, kahit pa hanggang ngayon, hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal ko sa’yo. Hindi ko alam kung paano ko ito ikukuwento sa’yo, ngunit lahat ng nangyari noon sa atin ay hindi ko kagagawan, kundi kagagawan ng kakambal ko.” Bakas ang gulat sa mukha ni Ciara, dahil sa narinig. Matagal pa niyang tinitigan si Lorenz sa mga mata nito upang masiguro kung nagsasabi ito ng totoo. “Alam kung mahirap paniwalaan, ngunit iyon ang totoo. Simula pa pagkabata, nakasanayan na namin ng kambal ko na magpalitan sa isa’t-isa. Kapag hindi siya makaka-attend sa klase, ako ang uma-
“ I Love you Ciara,” wika nito sa kanya, at muli siyang siniil ng mainit na halik sa labi. “ I love you too, Clarence. Kahit natatakot akong aminin ang nararamdaman ko sa’yo, sinubukan ko pa rin isugal ang puso ko. Ngayong batid mo na mas mahal kita kaysa kay Lorenz, sana hindi ko maranasan ang sakit tulad ng naranasan ko noon.” Niyakap siya ng mahigpit nito at hinalikan sa noo. “Makakaasa ka sweetheart. Sobrang mahal kita, kayo ng mga anak ko. Hindi ko magagawa na saktan ka.” sagot nito. Kumalas siya ng yakap rito at tinanong ng may naalala.“Teka, bakit ka nga pala nandito? Di ba may emergency meeting ka, sabi mo kanina?” “Mamaya pa ‘yon. Kailangan kong bantayan ang asawa ko, baka makuha ng iba. Di ba mas emergency iyon?” Napailing na lang siya sa sagot nito. “Ngayon na umamain na ako sa’yo, siguro naman titigil ka na sa kaka-bantay sa akin. Dahil nanalo ka na sa puso ko at ng mga anak mo. Bumalik ka na sa opisina mo. Uuwi na ako sa bahay.” Nakita niya ang pagkunot ng noo nito
Samantalang sa loob ng silid ni Chairman Leticia, nakausap ni Clarence ang Doctor.“Lalong lumulubha ang kalagayan ng mommy mo Clarence. Ayaw naman nyang operahan siya dahil matanda na raw siya at baka hindi kakayanin ng katawan niya. Kaya kung gusto mo pang tumagal siya sa mundo, sundin mo ang hinihiling niya.”Nakuyom ni Clarence ang kamao. Matagal siyang hindi nagsalita. Naramdaman na lang niyang tinapik-tapik ng Doctor ang balikat niya, upang iparamdam ang simpatiya nito. Nakalabas na ang Doctor, ngunit nanatili pa rin siyang tulala.“Clar..ence..” mahinang tawag ni Chairman Leticia. Saka pa lang siya nakabalik sa kanyang sistema ng marinig ang boses ng ina. Gising na pala ito.“Mom,” malungkot ang boses niya na tinawag rin ito.Kinapa nito ang pisngi niya at humagulgol ng iyak. “Anak, siguro tanggapin ko na lang ang kapalaran ko, hindi na ako magtatagal sa mundong ito.” Umiiyak nitong wika sa kanya. “Huwag n’yong sabihin ‘yan Mom, magtatagal pa po kayo.” sagot niya sa ina.“Hin
“Tangina mo Clarence! Damn You! Baka nakalimutan mo, kasal rin tayo! Ayokong magpakasal sa’yo, ngunit tangina, pinilit mo ako, dahil ang dahilan mo, ayaw mong may ibang ina ang mga anak mo.” Pinaghahampas niya ito sa dibdib, ngunit nanatili lang itong matigas na nakatayo sa harapan niya. Umangat siya ng tingin, naging malabo ang kanyang mga mata dahil sa luha habang nakatitig rito. “Kung ganun, gusto mong makuha ang buong custody ng mga anak ko? In your dreams, Clarence, dahil lalaban ako. Huwag mo akong maliitin, dahil hindi mo alam kung ano ang kaya ng isang ina, para sa kanyang mga anak. Mamatay muna ako, bago mo ipaalaga sa ibang babae mo ang mga anak ko. Akala ko ibang-iba kay kay Lorenz, ngunit putang ina ka, hindi ko alam mas masahol ka pa pala kaysa sa kanya. Pinaniwala mo ako, ginulo mo ang buhay ko at ng mga anak ko, kaya, manigas ka! See you in court!” malakas na suntok sa mukha ang ang nagpamulat kay Clarence. Nang matauhan siya, wala na sa harapan niya si Ciara. Hinawakan
Habang nasa biyahe, nagtataka ang dalawang bata dahil hindi familiar sa kanila ang kanilang dinadaanan. "Zariah, are you sure mommy knows about this?" Tanong ni Clyde. Hindi niya maiwasang magduda gayong ang layo na ng biyahe nila."I'm sure brother Clyde. Dumating raw kasi si Great Grandma so we need to visit her." tuwang-tuwa na wika ni Zariah."Is she nice?" Halata ang takot sa kanya. Baka parehas kasi ito sa lola Leticia niya na palagi siyang pinapagalitan noon. Mabuti na lang at bumukod sila ng tirahan ng daddy niya."Of course, I'm sure, matutuwa si Great Grandma kapag makita ka niya." Nakangiting sagot nito at inikot ang paningin sa buong paligid."Wow, White Mansion!" Bulalas ni Zariah at hindi na makapaghintay. Pag Park ng kotse sa loob ng Sullivan Villa, agad siyang tumalon mula sa sasakyan at sumigaw."Great Grandma!" Hiyaw nito, habang papasok sa loob. Si Clyde, napailing na lang sa kambal niya tila nakalimutan nito na kasama siya. Bumaba na rin siya ng kotse at pasimplen