Share

CHAPTER 13

Pinamaywangan ni Yolly si Andy. "Ano na naman? Anong magulong lugar na sinasabi mo?"

"Basta samahan mo na lang ako. Gusto kong magwala. Parang sasabog ako, eh. Baka makapatay ako ng tao nito."

"Kumalma ka nga."

"Tara na kasi?"

"Hindi ako puwede."

"Bakit naman? I thought we were already friends?"

Kamot-ulo si Yolly. Kinokonsensya pa talaga siya, ay naku.

"Anak, bakit hindi mo papasukin ang bisita mo?" Ang nanay niya.

"Tama. Mabuti pa ay pumasok ka muna."

Yumukod si Andy kay Aling Yolanda. "Magandang hapon po."

"Magandang hapon naman. Sige na doon na kayo ni Yolly mag-usap sa loob. Ang init dito sa labas, oh.”

Tiningnan siya ni Andy. "Tara sa loob," kaya alok niya ulit dito.

"Huwag na. Aalis na tayo," ngunit ay bulong sa kanya nito.

Napakagat-labi siya na tumingin sa nanay niya. Doon niya napansin na bihis ito. "’Nay, may pupuntahan ka?"

"Ay, oo." Nagpupulbo ang ginang. "Kaya ikaw muna ang bahala rito sa bahay. Baka madaling araw na akong makauwi. Huwag kang aalis ng bahay, ha?"

Sinulya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status