Share

CHAPTER 45

"Cristine, bakit?" nagtatakang tanong ni Yolly sa pinsan dahil natulala na ito sa hawak na Pregnancy Test Kit.

Umayos sila ng tayo.

"Yolly, tingnan mo." Ipnakita ni Cristine ang PT sa kanya.

Medyo lumaki rin ang mga mata niya dahil negative ang resulta niyon. Iisa lang kasi ang guhit na pula ng PT. "Ano 'yan? Bakit ganyan? Ibig bang sabihin ba niyan, eh, hindi ka buntis?"

Sunod-sunod na iling ang ginawa ni Cristine. "Imposible, Insan. Sigurado ako sa nakita ko no’ng una. Positive 'to."

Napalabi naman siya. "Eh, bakit negative naman ang nandiyan? Hindi kaya naduling ka lang noon?"

"Ewan ko lang." Animo'y lalong na-stress si Cristine. Ngumuso ito't nakasalubong ang mga kilay na nahulog na naman sa malalim na pag-iisip.

Naglipat-lipat naman ang tingin ni Yolly sa mukha nito at sa PT. Ilang segunda na wala silang imikan. Napapaisip talaga sila.

"Baka naman hindi ka talaga buntis?" saglit ay ani Yolly. Gusto niya sanang payapain kung anumang negatibong nararamdaman ngayon ng pinsan, pero h
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status