Share

CHAPTER 78

"Dito ka!" maotoridad na sabi Andy kasabay nang pagpampag niya sa isang bahagi ng malaki, malawak at malambot niyang kama. "Kinuha na rin kita ng kumot at unan," aniya pa saka tumayo at pinamaywangan si Yolly na bagong pasok sa silid niya.

Subalit walang naging kilos si Yolly. Matamang nakatingin lang ito sa kanya habang nakaupo sa wheelchair nito.

"What?"

"Hindi pa kasi ako inaantok," katwiran ni Yolly.

"But it's already late,” napahiyang saad niya.

Napatingin si Yolly sa digital clock na nakapatong sa side table. Sumunod din ang tingin niya roon, at napaubo siya dahil alas syete palang pala ng gabi.

"Fine. Kung ayaw mo pang matulog bahala ka. Basta ako matutulog na. Late na sa 'kin 'yan," aniyang palusot na lamang saka sumampa na sa kama. Nahiga siyang diretso, iyong higang pang-bangkay. Nasa tiyan ang mga kamay.

Napabuga naman ng hangin si Yolly sa bunganga niya. Ano ba 'tong ginagawa ni Andy? Hindi niya maintindihan, eh. Hindi ba galit ito sa kanya? Unless napatawad na siya nito?

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mayfe de Ocampo
Andy wag kna kasi pakipot magbati na kau ni yolly....thanks sa update author
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status