Share

CHAPTER 107 : ANG MGA KATOTOHANAN

Halos guhit na lang ang pagitan nila ng sasakyang muntik na niyang nakabanggaan, kung hindi sila kapwa nakapagpreno ng driver ng sasakyang muntik ng makasalpukan ng minamaneho niyang van. 

Nayanig, ngunit nasa isip pa rin ang anak na nasa bar at walang ulirat dahil sa labis na kalasingan.

“Kailangang mapuntahan ko agad si Victor.” Ang nasa isip niya.

Kinatatakutan niya ang masasamang loob na baka gawing “katuwaan” ang kanyang anak. Ganoon din, inaalala niya ang mga tinatawag na scalawag na mga pulis, baka “taniman” ng mga ito ng bawal na gamot ang anak niya ay mag-imbento ng kung anu-anong kaso para “mapagkakitaan” sila

Maraming nakababahalang isipin ang nagsusumiksik sa utak niya. 

Kailangan niyang magmadali! 

Hindi niya inalintana ang driver ng sasakyang muntik na niyang makabangga, kahit nakita niyang bumaba ito ng sasakyan.

Mabilis niyang ik

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status