Share

CHAPTER 15 : PAG-IBIG O PAGHIHIGANTI?

Nagyuyukayok na si Victor sa pagbabantay kay Sophie Samonte. Pasaglit-saglit lamang ang kanyang naging pagtulog mula ng dalhin niya sa ospital ang nurse ng kanyang mama, talong araw na ang nakakaraan. 

Nasa comma ang babaing hindi sinasadyang nabangga niya at nahulog sa hagdanan.

Inilapat ni Victor ang likod sa sandalan ng silyang inuupuan. Ipinatong ang throw pillow sa ibabaw at doon ipinahinga ang ulo. Pumikit upang pagpahingahin din ang mga matang pagod at nahihirapan na.

Nakatulog.

Nagsisimulang magkamalay si Sophie. Naaninagan niya ang mukha ng lalaking nakaupo sa silya, sa tabi ng hinihigaan niyang kama. Sa kisame nakaharap ang ulo nito.

Nakanganga. Nakapikit. Tulog.

“Si Victor Madrid?”Pagtataka niya. 

Inilibot niya ang mga mata sa paligid.

“Ospital? Nasa ospital ako? Bakit ako nasa ospital?” Pabulong, sunud-sunod na tanong sa wala.

Noon lamang niya napansin ang dextros

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
sana manaig ang pag ibig kesa sa paghihiganti
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status