Humakbang papalayo kay Victor si Sophie. Agad namang sumunod sa kanya ang nobyo.
“Saan ka pupunta?” Tanong nito.
“Gusto ko lang maglakad-lakad, hanggang sa mapagod.”
“Sasamahan kita.”
Nang matanaw ni Sophie ang kamalig, kung saan nakatigil ang mga kabayong inaalagaan ni Jose.
“Expert ka ba sa horse riding?” Tanong niya sa kasama.
“Marunong lang, hindi eksperto.”
Nagtatakbo si Sophie patungong kamalig, kasunod si Victor na walang nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya.
Nilapitan ni Sophie ang mga kabayong naroon at hinimas ang bawat isa.
“Garnet ang pangalan niyang kabayong hinahaplos mo,” pagbibigay alam ni Victor sa nobya, “kay Ate Amelia ang kabayong ‘yan. Pinangalanan niyang Garnet ang kabayong ‘yan, dahil ipinanganak ‘yan ng January. Garnet kasi ang birthstone ng mga ipinanganak ng January.&rdqu
“Kumusta siya, dok?” Tanong ni Amanda sa kanilang family doktor na sumuri kay Sophie.“She’s still under observation,” saad ng doktor na ang tingin ay hindi iniaalis sa mukha ni Sophie, “bantayan n’yo siyang mabuti. Tawagan n’yo ako agad kapag nagsuka siya, sumakit ang kanyang ulo o nagkaroon ng pamamanhid sa kanyang katawan, lalo na sa braso.”“Malala ba ang naging pinsala sa kanya ng pagkakahulog niya sa kabayo?”“Neck sprain pa lang ang nakikita kong pinsala niya sa ngayon,” sagot ng manggagamot, “bigyan n’yo siya ng pain reliever kapag idinaing niyang masakit ang leeg or batok niya.”“Miss Amanda, Doktor, excuse me,” hinging paumanhin ni Senyor Gaspar na sumingit sa pag-uusap ng dalawa, “gusto ko sanang i-suggest na dalhin na natin ngayon sa ospital si Sophie,” suhestiyon niya, “at doon n’yo na
Matagal nang nakatingin sa wala si Ella. Ibinabalik niya sa kanyang imahinasyon ang nakapikit na mukha ni Sophie ng ito ay dalawin niya. Ang sama ng loob ay hindi niya naiwasan ng ang nakakunot na noo nito ay naging simangot nang marinig ang boses niya, at ni hindi pinagkaabalahang dumilat upang makita siya.“Galit siya sa akin,” pagkokonklusiyon niya, “Pero bakit? Ano ang nangyari sa pagtakas niya sa mansiyon? Ang ayos ng usapan namin ng maghiwalay kami…”Naputol ang kanyang pag-iisip ng hawakan siya sa magkabilang balikat ng asawa.“Ano ang iniisip mo, My dear sweet baby Ella?” Paglalambing nito.“Si Sophie.”“What about?”Malalim na buntunghininga si Ella. Tumindig mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama. Humakbang patungo sa balcony ng hotel room na kanilang kinaroroonan.Sumunod sa kanya ang asawa.Huminga siya nang malalim. Pinuno a
Matangkad, makinis ang balat na hindi naman kaputian, matikas kung tumindig at buo ang kumpiyansa sa sarili ng lalaking nakatayo sa harapan ni Amanda. Ngumiti ito, ngiti na Lalong nagpatingkad sa angking kaguwapuhan ng lalake.Napatingin siya sa basket ng prutas na iniaabot nito sa kanya.“Para po kay Nurse Sophie.” Saad nito.“Kanino galing?” Tanong niya, kasabay sa pagkuha ng basket ng prutas na hawak ng lalake.Tatlong ulit na kumurap ang mga mata ng kanyang kausap, bago nakasagot sa kanyang tanong.“Kay Ella Caprichosa po.” Ang wika.“Ah! Halika pumasok ka sa loob.” Pagpapatuloy ni Amanda sa lalake sa kuwartong kinaroroonan ni Sophie, “Nasaan si Ella,” tanong niya,“ habang inilalapag sa mesang nasa tabi ng kama, ang iniabot ng kanyang kausap.Gising ang nakapikit na si Sophie. Pinakikinggan niya ang pakikipag-usap ni Amanda sa dumat
Palabas na ang lalaking nakasuot ng doctor's uniform sa ward na kinaroroonan ni Sophie, nang dumating si Victor. Mabilis na sinalubong at hinarang niya ito.“Dok, kumusta ho si Sophie Samonte,” tanong niya, “is she okay?”Tiningnan ng doktor ang binata, “kamag-anak ka ba niya,” tanong nito.“Girlfriend ko po siya.”Nakakunot ang noong matagal na tumingin sa kanya ang inaakala niyang manggagamot. Dikawasa’y umiling ito.“Dok, bakit? Ano’ng nangyari kay Sophie?” Pagpa-panic ng binata.“Kaya mo bang mahalin ang babaing hindi na nakakatayo? ‘Yung forever invalid at parang lantang gulay na lamang na walang silbi?”“God, No! Bakit naman ganoon?” Paghihimutok agad ni Victor.Tatakbo sanang papunta kay Sophie si Victor, ngunit mahigpit siyang pinigilan ng manggagamot sa balikat.“Saan ka pupunta
Umaga pa lamang ay hinahanap na ni Victor ang kanyang mama. Hindi niya ito nakasabay sa almusal at hindi rin nakasabay sa pamamasyal sa bukid na nakagawian na nilang gawing mag-ina.Tanghali na. Nakaluto at nakapaghain na ng pananghalian si Denang ay hindi pa rin nila malaman kung nasaan si Amanda.“Nasaan ba si mama?” tanong ni Victor kay Denang, “wala na siya nang magising ako. Hanggang ngayon, wala pa rin,” mula sa kabahayan ay nagtungo ang binata sa komedor, “nagugutom na ‘ko.” nasambit niya nang maamoy ang masarap na pagkaing inihain ng kanilang kasambahay.“Sumubo na lang po muna kayo nang kaunti, Sir Victor,” payo ni Denang, “kumain na lang po ulit kayo mamaya ‘pag dating ni mama n’yo.”“Nasaan ba kasi si mama?” pangungulit ng anak ni Amanda, “hindi dadaan sa lalamunan ko ang pagkain hangga’t hindi ko alam kung nasaan si
Walang tigil sa paghagulgol si Sophie. Hindi niya matanggap ang katotohanang ipinagtapat ng ama.“Hindi totoo ang sinabi mo, Pa,” pagtutumanggi niya, “ikaw ang papa ko! Ikaw lang!”Hindi napigil ni Gener ang mapaiyak. Maingat na niyakap ang anak. Hinaplos ang buhok nito. Hinagkan.“Ikaw lang ang nag-iisa kong anak.” Saad niya.“Ikaw lang ang kikilalanin kong ama, Papa,” pahayag ni Sophie, “buburahin ko sa isip ko ang lahat ng sinabi mo. Kakalimutan ko ang mga sandaling ito. Manantiling ikaw ang nag-iisang papa ko, forever,” pahayag pa rin nito sa pagitan ng mga sigok at hikbi.Nagpatuloy sa pagduduweto sa kanilang pag-iyak si Gener at Sophie, nang pumasok ang orthopedic surgeon na nangangalaga kay Sophie.“Eherm…” pagpaparamdam nito sa mag-amang nag-iiyakan.Sabay na napatingin sa manggagamot ang mag-ama. Mabilis na umalis sa kam
Tumatakbong dumating si Gener, matapos itong ipahanap ni Amanda sa buong bahay. Sinugod ang anak at mabilis itong niyakap. Patuloy sa pag-iyak si Sophie na halos ay magsara na ang namumugtong mga mata.Mahigpit na yumakap sa kanya ang dalaga“Ano’ng nangyari? Bakit ka umiiyak?” Tanong niya, na puno ng pag-aalala.Matagal bago nakasagot ang dalaga.“Hindi ko alam,” sagot nito, “basta parang bigla lang akong nalungkot tapos…” muli itong humagulgol ng iyak na hindi nagawang tapusin ang gustong sabihin.“Mabuti pa’y magpahinga ka na.” Wika ni Gener na walang tigil sa paghaplos sa likod ng anak, pilit na pinakakalma ito.“Mas mabuti po sigurong dalhin n’yo na siya sa kanyang silid na tutulugan,” suhestiyon ni Victor kay Gener, “baka nai-stress siya sa gulo ng kapaligiran.”Agad binuhat ng ama ang an
Nagpapalitan ng kuru-kuro ang mga abogado ng mga Sandoval sa depensang gagawin kapag nag-file na ng complaint si Sophie sa husgado, tungkol sa pagpapakidnap ni Tony sa babae.“Kidnapping is a non-bailable offense,” pahayag ng isa sa mga abogado, “siguradong makukulong agad si Tony, once na ma-approve ng piskalya, na itaas sa husgado ang nai-file na complaint si Miss Sophie Samonte,” dagdag na paliwanag pa.“Hindi ako papayag na makulong ang anak ko,” saad ni Senyor Gaspar, “napakaraming pagdurusa ang pinagdaanan ng anak ko, dahilan sa pagpipilit kong sila ni Nurse Sophie ang maging mag-asawa. Ako ang dapat parusahan kung mayroong dapat parusahan.”Tumingin sa paligid ang mga abogado. Tiningnan kung nasa conference room ang anak ng Senyor.“Nasaan nga pala si Tony, Senyor Gaspar?” Tanong ng isa sa mga abogado, nang hindi mamataan ang hinahanap ng tinginHumarap k