Nakikita ni Riri mula sa sulok ng mga mata niya ang pagsenyas sa kanya ni Johnny pero pinili niyang ignorahin ito.
“Let’s go the conference room, Karla.”
“That’s good! We can eat this cake there too. I mean after your interview of course,” tango niya na tumayo at sumunod rin sa dalawa.
Dinig niya ang kaakibat na exasperation sa pagbuntung-hininga ni Johnny pero hindi na siya nito kinontra. Pormal ang tinig nito as he started to interview Karla while Riri kept herself busy by scrolling throug
“GUESS who?!” tanong ni Riri kasabay ng pagtatakip ng mga kamay sa mga mata ni Johnny. Nakadungaw sa pasimano ng balcony sa loob ng silid nito ang binata habang naninigarilyo. Pero nang maramdaman nito ang pagpasok niya sa silid ay dali-dali nitong pinatay ang sigarilyo. “Thanos?! Maleficent?! Plankton?!” “Kainis ka naman! Puros kontrabida yun eh!” simangot niya. Natatawang inakbayan siya nito. “What brings you here, sweetheart?” “Yayayain sana kitang mag-picnic.” “Wow! Niyayaya mo na ako ngayon? Dati basta mo na lang ako, inuutusan ah,” kunway gulat na anito.&nbs
NASA gitna ng meeting si Johnny when his phone rang. Kunot-noong nag-excuse siya sa mga kausap at nagtungo sa gawing pinto as he answered the phone. It was a meeting that his mom was supposed to attend but she sent him instead. Mas dinadagdagan na nito ang mga duties at responsibilities niya. Hindi kaila sa kanya na matagal na nitong gustong mag-retire at maging house wife ulit tulad noong bata pa siya. At gusto nito na sa kanya ipasa ang mga responsibilidad nito sa kompanya nila. But it won’t be for a long time yet. Hindi pa siya handa. Marami pa siyang kailangan matutunan. 
THERE were a lot of admiring reactions from the guests when Riri finally appeared dressed in her Princess Rapunzel style pink gown. Napakaganda ng dalaga na para bang nagmula ito mismo sa mga pahina ng isang fairy-tale book, isang prinsesang nabigyang buhay ngunit kung pakatititigan lamang ito, makikitang ang ngiting nakapaskil sa mga labi nto ay pilit at peke. Her father escorted her down the grand staircase of the hotel kung saan ginanap ang kanyang debut. Most of her Aseron, Navarre and Larkin relatives were there. Naroon din ang karamihan sa mga kaibigan at kaklase nito. At lahat ay masa
Halu-halo ang gulat, pagtataka at pag-aalalang tinanong niya ito kung ayos na ba ang lagay ni Karla and what made her decide to commit suicide in the first place. Parang hindi siya makapaniwalang magagawa ni Karla na bawiin ang sariling buhay. Wala sa personality’ng ipinapakita nito sa kanya iyon. “Ligtas na daw siya pero masyado pa siyang emosyonal ngayon at halos magwala nga siya kaninang iwan ko siya para pumunta dito. She needs me, sweetheart. And I’m so sorry but I have to go back to her. You do understand, don’t you?” tila nakikiusap na anito. Nakagat niya ang pang-ibabang labi at tumingin sa direksyon ng mga nagsasayaw. She wanted to be with Johnny for the whole night pero hindi pala maaari. Babalik ito kay Karla na siya palang dahilan kung bakit muntik nang hindi magpakita si Johnny nang gabing iyon. Ngunit alam niyang wala
“You mean narinig mong balak din niyang patayin si Johnny?!” horrified na ulit niya. “Tange! Sabi ko kung, kung lang. At kung magdilang-anghel nga ako, hindi na ako magugulat dahil parang walang hindi gagawin ang babaeng iyon masilo lang si Johnnyy Boy. Hanep! May tao palang talaga na tulad niya! Nagtangka kunwari na magpakamatay para lang makabingwit ng lalaking mayaman!” naiiling na wika ni Syn na ‘di niya alam kung nasindak ba o na-amazed pa sa natuklasan. “I have to tell Johnny! Let’s go!” pasya niya bago tinakbo ang distansya ng elevator. Pagdating sa parking lot na pinagparadahan nila ng motorsiklo ni Syn ay nagmamadaling inutusan niya itong ihatid siya sa opisina ng WinFoods. Subalit pagdating nila sa main office ay nasa factory daw sa Bata
“Wala kang pakialam anuman ang gawin ko. Ang hindi ko mapapayagan ay ang lokohin mo siya at gamitin dahil lang gusto mo ang pera niya at hindi dahil mahal mo siya!” galit na aniya. “At sa tingin mo’y paniniwalaan ka niya ha? Ang dali-dali para sa aking i-deny iyon at malakas ang paniwala kong ako ang paniniwalaan niya imbes na ikaw dahil sanay na siya sa mga kalokohang pinaggagagawa mo para lang mapasaiyo siya!” “Pipilitin ko siyang paniwalaan ako. At kahit pa ano ang gawin mo, hindi mo siya magagamit para lang matupad ang ambisyon mo! He may think you’re the helpless little female na pilit mong ipinapakita sa kanya pero hindi siya bobo para hindi agad matuklasan ang totoo!” Humalakhak na hinablot nito ang braso niya at inilapit ang mukha sa mukha niya.
“EH, SORRY ho, Sir Johnny, pero wala po kasi si Ma’am Riri dito,” halatang nagsisinungaling na dahilan ng katulong nina Riri nang pumunta sa bahay ng dalaga si Johnny. Hindi na niya matandaan kung pang-ilang beses niyang narinig iyon mula sa lahat ng kasama sa bahay ng dalaga sa tuwing pumupunta siya doon. Bagay na nitong nakalipas na isang buong linggo ay araw-araw niyang ginagawa mula pa nang maganap ang paghagis niya kay Riri sa pool nila noong isang linggo. Kahit sina Aunt Shebbah o si Uncle Ravin ay hindi din mapilit si Riri na pakiharapan siya o sagutin ang mga tawag niya.
RIRI opened her eyes pagkarinig niya sa paglabas ni Johnny. She heard what he said and it broke her already broken heart again. Nagtataka siya kung paano iyon posible. Kung paano posibleng masaktan pa ulit nito ang puso niya gayong sa loob ng isang linggo ay nabuo na niya sa isip niyang kalilimutan ang kahibangan dito. Maybe he is right, na isang araw, magigising na lang siya at matutuklasan niyang hindi pala talaga niya ito mahal. Na maaaring nadala lang siya ng mga pagpapares sa kanila ng mga magulang nila at ng pangarap ng mga itong tuluyan nang p