Buong linggo nagmukmok si Ava sa kwarto lang nito halos hindi na rin niya naasikaso ang anak dahil sa nangyayari sa kanya. Mabuti na lang katuwang niya ang kapatid niya at ang kanyang helper.Naiintindihan siya sa mga pinagdadaanan niya ngayon.Ngayong lunes nga wala na naman ito sa sariling pumasok sa trabaho. Hindi niya masyado na intindihan ang sinabi ng Ma'am Joy niya.Basta ang alam niya lang may isang taong gustong kumausap sa kanya sa malapit na coffe shop sa baba ng building nila.Muntik pa ito masagasaan ng motor buti na lang mabait ang driver hinayaan siya makatawid hanggang sa kabilang kalye.Nang makapasok ito sa coffe shop hindi na alam kung sino hahanapin. Tanging nakita lang nito si Ella kaya nag-assume siya ito ang nagpatawag sa kanya.ELLA POVNagkita kami ni TG sa isang mall bago ito tumulak sa rest house nito sa baler. Labis ang panghihinayang ko ng mag emergency resign ito sa trabaho.Dream job niya ito mula bata pa lang kami.Nang dahil kay Ava mabilis niya lang b
AVA POVHapon na ng makarating ako sa baler mabilis ko nahanap yung address ni TG. Labas nito dagat na kaagad kaya na mangha ako.Ang tanawan ay umaaya sa akin magtampisaw sa dagat. Sana sa susunod makaNang kumatok ako pinagbuksan ako ng kasambahay doon. "Naku ma'am kakaalis lang po."Para ako pinagbagsakan ng langit at lupa sa nalaman. Sayang naman hindi ko na siya naabutan. Bumayhe pa naman ako ng malayo para makapag-usap kami."Sige po mauna na ako. Salamat!" magalang ko paalam.Malungkot ako tumalikod habang nasa baba ang tingin."Ay ayan na po pala si Sir. Namalengke po iyon." turo nito sa kakababa lang ng tricycle.Kahit simple pambahay lang ang suot nito nag-uumapaw ang kakisigan at kagwapuhan nito na nakuha ni Rae dito. Mas lalo lumakas ang loob ko kausapin ito nang maalala ang anak namin.Hindi ako uuwing hindi kami nagkakaayos. Mabibigyan ko ng kompletong pamilya ang anak namin.Nang magtama ang mata namin biglang na kuyumos ang mukha nito. Habang malawak naman ang ngiti k
AVA POV Nang makalabas kami ng gate ng resthouse niya tumigil kami doon para mag-antay ng tricycle. "Can I stay here? I want to be with you for the last time." nabigla ito sa sinabi ko nabitawan pa nito ang buhat na maleta. --- Pigil ang luha ng hinatid ako nito pag-akyat ng bus. Wala na siguro natirang pagmamahal ito sa akin. Ayaw niya lang siguro umaasa ako na may maasahan pa ako sakanya. Pilit ako ngumiti dito ng inabot nito yung maleta ko. Umupo ako kaagad para hindi niya mapansin ang namumula ko mata dahil sa pagpipigil ng iyak. Pero isang minuto na ito nakatayo sa gilid ko hindi pa rin umaalis. Matapang ko tiningala ito kahit pabagsak na ang luha ko nang magtama ang mata namin saka bumagsak ang mga luha ko kanina pa gusto kumawala. "Tara balik tayo." ito ang unang bumawe ng titigan namin kahit hindi pa ako sumasagot kinuha na niya ang maliit kong maleta na nasa harapan ko. Pinagmamasdan ko lang ito buong byahe namin pa balik ng rest house nito. Hindi ko maisatinig ang k
AVA POVHindi ko na nakuha magbihis dahil hinila na ako ni manang sa hapag buti may pambalot pa ako sa katawan tago na doon yung itim ko two piece. Kaso masyado pa rin iyon maikli.Natapos kami mag-almusal na hindi man lang ako sinusulyapan ni TG.Nauna ito umakyat sa amin hinabol ko naman ito para sana magpaalam. Kaso nawalan ako ng balance nang malapit ko na marating ang taas.Napapikit na lang ako inaantay ang pagbagsak ko sa sahig na kahit ng rest house.Pero may naramdaman ako matigas na bagay na nakapulupot sa bewang ko. Pagmulat ko sobrang lapit namin ni TG sa isa't isa na nabasa ko pa yata ang damit nito.Nagtagal lang iyon ng limang segundo ito ang una bumitaw tila napapaso sa paghawak sa akin. Naiwan ako sa bukana ng hagdan na nakatulala sa nangyari.I feel his thing.Sh** ang manyak ko ba para maramdaman iyon sa isa kong hita.Nag-init ang buo kong katawan doon kaya naman pumasok ako kaagad ng banyo para maligo at iwaksi ang iniisip dito.Nakabihis na ako mg dilaw na summer
AVA POVBumalik ako kaagad sa trabaho pilit kinakalimutan ang nangyari sa amin sa Baler. Busy din si Ella kaya hindi ko makulit tungkol sa kaibigan ayako naman kausapin si Mike for sure pagtatakpan lang nito qng matalik na kaibigan.Naging magkasundo na muli kami ni Ella simula ng nagkausap kami last time.Nang dumating ang uwian nagbakasali ako na nasa kanila pa sila. Bumungad sa akin si Tita Candy."Andyan po ba si TG?" malungkot ito umiling sa akin. May kakaiba ako nababasa sa mata nito. Bigo ako ngumiti dito at nagpaalaam kaagad. At kung minamalas ka nga naman bigla bumagsak ang ulan habang nag aantay ako ng jeep kung kailan wala ako dala payong.Umaayon ba ang panahon sa nararamdaman ko?Sampong minuto na ako napapakabasa pero wala na naman jeep na nadaan nakakapagtaka lang dahil ala siez pa lang naman ng gabi."GOSH! girl bilisan mo aabutan na tayo ng bagyo dito sa gitna ng kalsada." dinig ko histerikal ng isang babae sa kaibigan may mga narinig pa ako tungkol sa bagyo ngayon.
AVA POVPumapasok na lang ako sa trabaho nang hindi namamalayan ang oras hanggang mag-uwian na lang.Mas gusto ko umuuwi ng condo dahil kay Rae.I am still hoping na bigla umuwi si TG para makipag-ayos sa akin kahit para kay Rae na lang.Aasa pa rin ba ako kahit ilang buwan na rin ang lumipas? Kada katapusan ng buwan bumibisita dito si Tita Candy para iabot ang sustento pera ni TG kay Rae. Hindi ito nakakalimot.Ayaw ko tanggapin nung una dahil kaya ko naman buhayin mag-isa ang anak ko. At hindi ito ang kailangan namin siya lang.Pero nilunok ko na lang ang pride ko dahil malaking tulong din ito kay Rae pag nag-aaral na.At baka mamaya ako lang umaasa na magkakabalikan kami once na umuwi siya. Mahaba ang panahon at marami mangyayari hindi ko alam baka may makilala na itong ibang babae.Mas marami maganda sa akin. Siguro naman may mga katrabaho siya doon and worst sexy one.For sure TG can resist thatMay mga pangangailangan din siya hindi siya magstick sa akin na nakuha niyang hindi b
AVA POVSa sabado tumapat yung birthday ko kaya na iba ang plano ko. Sa tanghali kami kakain sa mall ng pamilya ko at sa gabi kami pupunta nila Ella sa Shot Bar.Simula nang magkasundo kami ni Ella dumami ulit nakikipagkaibigan sa akin. Na labis ko kinatuwa nakalimutan na ang issue sa akin.Kahit si Ate Masha lang ang nakasama namin sa lunch masaya pa rin ako atleast may isa pa rin dumalo sa kapamilya ko. Sinantabi ko muna ang hindi pagsama ni mama ayako masira ang mood ko ngayong araw. Kaarawan ko naman gusto ko pasayahin ang sarili ko.Na excite muli ako sumama sa bar dahil marami kami makakasama mga katrabaho at kaibigan din."Ava tara sa dancefloor." yaya nila sa akin dahil birthday ko naman hindi na ako nagpaka-KJ. "Ang aga pa pero sige."Konti lang kami pumunta sa dance floor mukhamg init nq init na ito magsisayaw. Naiwan namin si Ella at Mike doon.Nagulat nga ako ng magkasama dumating itong dalawa para may kakaiba pa sa kilos nila. Pinagkabit balikat ko na lang.Sumabay ako s
AVA POVNandito kami ngayon sa bahay ng mga Thatcher.Hindi kasi makadalaw sa condo si Tita Candy masama daw ang pakiramdam. Balak ko na lang sana ipasyal sa malapit na playground si Rae kaso nagrequest ang daddy ni TG na pumunta na lang kami sa kanila.Nagulat pa ako nang nagtext ito sa akin personal."Pasok kayo Ma'am." ngayon na lang ako ulit na kapasok dito simula nung nakipag-usap ako kay Tita Candy hinahanap ang anak niyang nasa rest house sa Baler."Iha pakarga nga sa aking poging apo." bungad sa akin ng Daddy ni TG kaya hindi ko napigilan mahawa sa energy nito. "Magandang hapon po!" nagbeso ako dito at saka pinagmano ko si Rae kahit hindi marunong.Nalabis na kinatuwa ng lalaking matanda.Pagkakarga nito binilinan ako nito na magpahinga at kumain na lang habang sila ay nasa bakuran.Napapangiti ako pag naririnig ko ang hagikhik ng anak ko nagustuhan nito ang lolo niya samantalang sa ibang tao kinakausap pa lang iiyak na ito.Napaisip tuloy ako paano kung si TG ang nagkarga dit