Share

ACADEMIAN LXII: Black

Kian Benedict Barroga

"Tayo raw pala ang kukuha ng kahoy." Biglang sabi ni Sir Reymark.

"Para saan po?" Tanong ni Reiber.

"Syempre may campfire tayo mamaya. Tara sa gubat, doon tayo kukuha."

Tumango na lang kami, hanggang sa nagsalita si Sir Reymark.

"Okay lang naman kahit maiwan si Alexi, 'di ba?"

Tumango si Reiber. "Matutulog daw po siya sabi niya."

Napatango na lang si Sir, pero sa loob ko ay parang iba ang ikinikilos niya.

Nang makatapak na kami sa gubat ay kakaibang hangin ang bumungad sa amin, pero syempre hindi ko ipinahalata ang takot ko.

Kalalaki kong tao, pero takot akong pumunta dito sa gubat, at hindi ko alam kung bakit.

Sa bagay, dito namin madalas na nilalabanan 'yung mga kalaban namin. Baka nasa tabi-tabi lang sila at bigla

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status