Share

ACADEMIAN XLII: Her

Hannah Nicole Villareal

Si Daniel ang unang sumugod, kaya sinabayan ko rin siya. Hawak ang aking espada ay kaming dalawa ang naglaban.

Minsan ay kaya ko lang depensahan ang sarili ko, dahil mabibigat ang mga gamit niyang kadena, kaya kahit na maliit na butas lang sa depensa ko ay maaari niya 'yong kuning pagkakataon para tamaan ako ng mga atake niya.

Pero paminsan-minsan ay nakakalusot ako, tulad na lang ngayon. Naglakas-loob ko na hawakan ng kanang kamay ko ang kadenang dapat na tatama sa braso ko, at gamit ang kaliwang braso ko ay ipinatama ko ang aking espada sa tagiliran niya.

Kita ko kung paano tumulo ang sarili niyang dugo sa lupa, habang ang mga kasama ko ay mukhang walang balak na makialam sa laban namin.

Nanlaki ang mga mata ko nang unti-unting binalot ng mga ugat ng puno ang sugat niya sa tagiliran. Nang maglaho na sila sa hangin ay

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status