Share

ACADEMIAN XX: Adventure

Hannah Nicole Villareal

Mabilis na dumaan ang maghapon sa akin, and yes, walang makakapigil sa 'adventure' namin. Nang pumunta ako sa office ni President ay wala na siya doon. Naisip kong baka nasa conference room sila kaya nag-umpisa akong bumaba ng hagdan.

Nakarinig ako ng mga pamilyar na boses sa ibaba ng building kaya sinilip ko iyon mula sa ikalawang palapag.

Tama nga ako, nag-uusap sina Auditor Macie, Muse Demi at Adonis Rafael. Maya-maya ay tumingala si Treasurer Monroe at nakita ako. Sinenyasan niya ako na bumaba kaya patakbo akong pumunta sa kanila.

"Tumakas ka sa paglilinis 'no?" Panunudyo sa akin ni Muse Demi, pero tumawa lang ako.

"Tara na!" Animo'y pupunta kami sa napakagandang lugar dahil si Auditor Macie ang sabik na sabik sa gagawin namin ngayong hapon.

Nag-umpisa na kaming maglakad, papunta sa gubat. Habang naglalakad ay napapatingin sa amin

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status