Share

Chapter 04

Nandito ako sa loob ng kotse ni mom katabi ko sya.

"Mom saan tayo pupunta?"-Tanong ko sa kanya.

Tumingin sa akin si mom.

"I don't know."-Sagot nya.

Hay naku, hindi na nga ako magtatanong kay mom.

Tumingin na lang ako sa bintana.

Mga ilang oras...

"Madam nandito na tayo!"-Sabi ni Manong Oscar.

"Sige hintayin mo na lang si Sir mo at pwede ka na umalis kapag dumating na sya."-Sabi ni mom.

Tinabi na ni Manong Oscar yung kotse at lumabas para pagbuksan kami ni mom.

Lumabas na kami at sumalubong sa amin ni mom ang sariwang hangin.

"Hintayin natin ang dad mo sa loob matatagal pa siguro sya sa byahe sabi nya wag kang lalayo sa akin Tilly Tara na."-Sabi ni mom.

"Sige mom."-Sagot ko.

Lumakad na kami ni mom tumingin ako sa paligid isang malawak na harden at may nakikita akong fountain ang ganda lumapit ako doon.

May gold fish sa fountain wow amazing nasaan kaya kami?

"Tilly papasok na ako sa loob at ikaw wag lalayo naiintindihan mo ba?"-Sabi ni mom.

"Opo mom."-Sabi ko sa kanya.

Natutuwa ako dito umalis na si mom masyado tahimik si mom hindi ko sya makausap ng maayos hindi ko pa sya nakakabonding minsan iniisip ko anak ba nila ako ni dad gusto ko may makausap.

Lumakad ako at lumibot sa paligid.

May natatanaw akong sobrang laking bahay mali Mansion ang ganda! Tanaw dito.

Dadaan pa ako sa may red carpet ang sosyal naman ng may-ari dito.

Sa gilid may mga bulaklak na hindi ordinaryong bulaklak parang may nakita na ako nito?

Saan ba? Basta may nakita na akong katulad nitong bulaklak.

Ano bang pangalan nitong bulaklak?

Hinahaplos ko ang mga ito nang may nagsalita sa tabi ko.

"Maganda ba Miss?"-Tanong sa akin.

Tumingin ako sa tabi ko ang gwapo naman nito!

"Oo."-maikli kong sabi.

Hinawakan ko yung bulaklak

nang magsalita sya ulit.

"Gusto mo ba nyan?"-Tanong nya sa akin.

Nahihiya ako gusto ko sana hingiin ang bango pa naman.

"Ako nga pala si Henry Tyler Takahashi, Henry na lang itawag mo sa akin beautiful woman ano pala pangalan mo?"-Pakilala nya sa akin.

Naglahad sya ng kamay nahihiya ako sa kanya pero nakipagkamayan ako sa kanya at nagpakilala.

"Ako si Marissa Tilly Turner."-Nahihiya kong sabi.

"Nice name."-puri nyang sabi.

Namula naman si ako landi mo Tilly hindi ka loyal kay Asher.

"Bibigyan kita ng mga bulaklak."-Sabi ni Henry.

Ngumiti sya at pumitas ng madaming bulaklak at binigay sa akin ang mga ito.

"Salamat."-Sabi ko.

"Tara na baka hinahanap na nila tayo atska baka magalit pa sya sa akin"-Sabi ni Henry.

Sino magagalit sa kanya? Si Dad?

Hala baka sya yung tumawag sa akin para bantayan ako! Sya ba? Ayoko itanong sa kanya.

"Sige."-Sagot ko.

Lumakad na kami ni henry sumunod lang ako sa kanya teka hindi ko pa sya gaano kakilala.

"Dito ka nakatira?"-Tanong ko sa kanya.

Ngumiti sya at nagsalita.

"Oo dito, natatanaw mo yung malaking mansion na yun!"-Sabi nya at tinuro yung natanaw ko kanina.

Tumango ako sa sinabi nya.

Lumakad kami papunta doon medyo malapit na kami.

Paganda ng paganda kapag lumalapit ako sa Mansion nila henry.

Siguro anak mayaman rin itong si Henry?

Nang makita ko si mom na papalapit dito sa amin ni henry ngumiti si mom kay henry.

"Buti naman nandito na kayo, Salamat henry hinatid mo ang anak kong si Tilly hindi pa sya nagdidinner kaya galit na galit sa akin si Zachary tara na sa loob."-Sabi ni mom.

"Wala po yun tita! Ginawa ko lang ito dahil inutusan ako ni kuya na ihatid sya dito."-Nakangiting sabi ni Henry.

Natutuwa ako sa bulaklak na bigay ni henry didisplay ko ito sa kwarto ko ang bango!

Pumasok na kami sa loob ang masasabi ko lang sobrang ganda sa loob parang galing sa ibang bansa yung mga gamit dito sa loob nang biglang nagsalita si henry.

"Para kang bata na nakapasok sa mall haha."-Sabi ni Henry at ngumiti.

Akala ko sumunod siya kay mom.

"Balang araw Tilly dito ka na titira sa amin may kwarto ka na nga dito sa mansion namin I mean sa kwarto nya."-Sabi ni henry.

Hindi ko naintindihan yung ibig nya sabihin nakakaloka talaga ang life ko!

Hindi ko na lang pinansin yung sinabi nya. Pumunta na kami sa may pintuan at pumasok doon.

Nakita ko si mom, dad at dalawang kaedad rin nila Dad.

"Anak dito ka umupo."-Sabi ni dad at tinuro yung upuan katabi ni mom.

Pumunta ako doon bale ang laki ng hapagkainan dito atska madaming pagkain.

Umupo na ako sa tabi ni mom at si henry ang kaharap ko.

"Zachary iyan na ba ang anak mong si Marissa?"-Tanong nang babae kay dad.

Bakit ang dami pagkain dito ilan ba kami kakain dito?

"Oo, sya nga Wendy."-Sagot ni dad.

"Bagay sya sa anak ko gwapo at maganda perfect!"-Masayang sabi nung kausap ni dad.

Namula naman ako sa sinabi nya ng

Umangal si henry sa kanya.

"Mom hindi pa kayo nagpapakilala kay Tilly."-Sabi ni henry.

"Ako nga pala si Tita Wendy mo ito naman si Hendrix at anak namin si Henry."-Pakilala ni tita sa akin.

Sabi ko na nga e! Anak sya dito, Teka lang hindi pa kami nagsisimula kumain may hinihintay pa ba kaming darating nagugutom na ako. Anong oras na ba ?? Nang biglang nagsalita si Tito Hendrix.

"Henry tawagin mo nga ang mga kapatid mo ng makapagsimula na tayong kumain nakakahiya kila kumpare!"-Tanong ni Tito kay henry.

"Ayos lang pare hintayin na lang namin sila."-Sabi ni dad.

Sila? So meron nga kaming hinihintay dami rin kasi plato dito nang magsalita si henry.

"Sige Dad."-Sagot ni henry at tumayo.

Umakyat sya sa malapalasyong hagdan sila na po ang rich.

Mga ilang minuto ang hinintay namin. Nang may nagsibabaan sa malapalasyong hagdan nila.

Shit! Ang gwapo naman nila!

Nagsilapitan sila dito at umupo sa kanilang upuan.

"Good morning."-Sabi nung isa na halatang bagong gising.

Anong good morning? eh maggagabi na! Hahahaha.

"Dad, bakit hindi mo sinabi sa amin na may mga bisita tayo lalo na at may magandang babae kaming makikita"-Sabi nung may hikaw sa tenga.

"Umayos kayo boys ayoko mapahiya sa pamilya ni Zachary "-Sabi ni Tito.

Ano ba yan! Namumula na ako sa mga pinagsasabi nila sa akin.

"Pahingi ako number mo!"-Sabi nung chinito ang mata.

"May boyfriend ka na ba?"-Tanong nung may silver na kwintas.

Ngumiti lang ako sa kanila kahit gwapo sila loyal ako kay Asher kahit wala pa kami.

Nang magsalita si Tito Hendrix.

"Nasaan ang kuya nyo?"-Tanong ni Tito sa kanila.

"Ayaw bumaba Dad."-Sabi nung may hikaw sa tenga.

Tumingin si tito kay Henry naalerto sya kaya nagsalita.

"Wag daw muna sa ngayon Dad."-Nakangiting sagot ni henry.

Hilig nya ngumiti pansin ko.

"Ganun ba sige kumain na tayo."-Nakangiting sabi ni Tito.

Kumain na kaming lahat at nag-uusap na si Dad at Tito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status