Share

Chapter 34

Chapter 34: Emerald

SHAHNE

Narating namin ang isang bahagi ng kagubatang napalilibutan ng makapal na berdeng hamog. It was no ordinary mist as it was glittering and emitting sparkles under the radiant sunlight.

Isang napakamalakas na enerhiya ang namumutawi sa parteng ito ng gubat. No wonder it was called the heart.

Sa bahaging ito lang naman kasi ang pinakasentro ng buong Evergreen. Inabot kami ng halos labing-limang minuto bago marating ang lugar na ‘to. Kung nandito lang sana si Gust ay mas mabilis lang ang aming paglalakbay.

Mahangin 'yon, eh. Pero kahit gaano pa 'yon kahangin, hindi maipagkakailang mas guwapo pa rin ako.

Wala pa ring nakatatalbog sa kaguwapuhan ni Master Shahne.

"Ba't ka nakangisi?"

Napatayo kaagad ako nang tuwid at sinulyapan si Krysta. Inosente itong nakatingin sa akin na parang nagtataka sa aking ekspresiyon.

Matagal-tagal akong napatitig sa babae.

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status