Share

Chapter 44

Author's Pov:

Nagising si Waylen dahil sa sunod-sunod na ingay na nanggagaling sa labas ng tent. Para iyong makina na patuloy sa pagpitik.

"Wife..." pagtawag niya pa kay Scarlett habang hindi pa rin sinusubukang buksan ang mga mata.

Inaantok pa siya kahit na ang totoo ay maayos naman talaga siyang nakatulog dahil sa ginagawang paglaro ni Scarlett sa buhok niya. Iniyakap niya ang braso niya rito pero agad na nagtaka nang mapagtantong wala na siyang katabi.

Kinusot-kusot niya ang kanyang mga mata at pinakawalan ang malalim na hikab bago kakamot-kamot ang batok na bumangon. Awtomatikong nahulog ang kumot na nakapatong sa katawan niya pababa sa kanyang bewang. Doon niya lang napagtantong hubo't hubad pa rin pala siya.

Sinuot ni Waylen ang damit niya kagabi na nasa kanyang uluhan bago kumuha ng panibagong pants sa bag. Niligpit niya pa muna niya ang loob ng tent dahil paniguradong hindi matutuwa si Scarlett kapag nakitang makalat pa rin ito
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status