Share

Chapter 72

"Ma'am, baka magtaka ang mommy niyo kung bakit pagbalik ko sa bahay ay mga maleto niyo lang ang dala ko," nag-aalalang sinabi ni Manong Tanny at napapakamot sa dulo ng kilay na pabalik-balik ang paningin sa akin at sa loob ng kotse, kung nasaan lahat ng mga gamit kong dala.

Siya iyong parating naghahatid-sundo sa akin sa eskwelahan simula pa noong bata ako. Naging personal driver ko siya na ngayo'y personal driver na ni Mommy. Halos magdadalawampung taon na siyang nagta-trabaho sa amin kaya hindi na kataka-taka kung bakit bawat kilos ko at takbo ng bituka ko ay kabisado na niya.

"Babalik naman ako mamaya." Sansala ko sa mga sinabi niya habang pinupusod ang buhok sabay paypay sa leeg gamit ang palad.

Paano ba naman kasi iyong suot ko ay sobrang kapal. Akala mo naman talaga ay malamig dito sa Pilipinas.

I removed my jacket before folding it in half to hang it on my arm.

"Bibilhan ko lang sina Mommy ng mga regalo," naglakad ako papunta sa may passenger's side door para ilagay doon ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status