Share

Chapter 40 – The Invitation

Sakay ng mga habal-habal, dinala kami ng nagpakilalang Vincent sa baybayin sa kabilang bahagi ng isla. Walang katao-tao roon at tanging isang lumang bahay na gawa sa kahoy ang istrukturang naroon.

“Nasaan tayo?” tanong ko kay Vincent pagkababa ng motor.

“Teka, anong bundok ang makikita natin dito eh, nasa pampang tayo?” si Justin naman ang nagtanong na halatang naiinis.

Napansin kong paalis na ‘yung tatlong habal-habal. Iiwan yata kami.

“Hoy! Saan kayo pupunta?!” Pipigilan ko pa sana sila kaso kumaripas na sila ng alis. Alikabok na lang tumugon sa akin.

Bwisit. ‘Yung Vincent naman ang binalingan ko.

“Hindi kami nakikipaglokohan. Hindi naman kami magsasayang ng oras na pupunta rito kung hindi mahalaga ‘yung rason.” Sabi ko sa kanya.

“Sa loob tayo mag-usap,” ‘yun lang ang itinugon niya sa amin at nagpatiunang pumasok sa loob ng bahay na kahoy.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status