Share

CHAPTER 56: Deranged

HINDI nagkokomento si Lily habang nasa sasakyan. Nasasaktan ang damdamin niya matapos buksan ang nakaraan. Tahimik siyang lumuluha.

Panay ang ring ng cellphone ni Drew mula sa tawag ng kung sino-sino kaya pinatay na lang nito iyon.

“Shhh…” Hinaplos siya ng kanyang asawa sa likuran habang yakap siya nito. Nanginginig pa rin ang kanyang balat dahil sa takot.

“I feel dirty…” malungkot niyang usal.

Humigpit ang yakap sa kanya ni Drew at saka tumingin sa labas ng bintana. “I feel like an idiot. I met you that night, Lily. Kung sana ay nailigtas kita noon bago pa nagawa ni Kenneth sa ‘yo ang molestiyahin ka, o kaya naman ay paglaruan ka ng mga kaibigan niya. Kung sana ay nakilala na kita noon at naialis na kita sa bahay n’yo.” Nagkiskis ang ngipin ni Drew.

Alam niya na mahirap tanggapin na isang linggo lang matapos ang araw na iyon ay nagawa siyang pagsamantalahan ni Kenneth. Napapikit siya nang mariin. Ayaw niyang sariwain ang bawat pangyayari. Kung paano nga ba na hindi niya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status