Ngayon lang ulit nakita ni Isabel si Ken matapos ng nangyari ng gabi na iyon, hindi rin naman niya ito makausap dahil ngayon ay Filipino fest na at busy ang lahat sa paghahanda, may mga students ulit na galing sa ibat-ibang University na nakakadagdag sa pressure na nararamdaman ng mga mag perform ngayon, isa na sila doon lalo na at wala naman silang gaanong practice na magkakasama.
“Guys! Ano ba ayusin nyo na mga costume nyo! Please lang makisama kayo kahit ngayon lang, asan na ba yung iba diba sabi ko maaga tayong papasok ngayon bakit andaming late? Wala pa rin ba yung Male lead?” natataranta na si Yuna habang inaayos ang mga gamit, noon lang nila nakita ito na natataranta.
“Y-yuna nasira yung zipper ng dress ko.” Sabi ng isang babae dahilan para mas ma- frustrate ang dalaga. Gusto na lang nitong sabunutan ang sarili dahil sa stress na nararamdaman. Bakit ba hindi marunong makisama ang mga kasamah
Sa pag sara ng kurtina at muling pag bukas nito ay isang masigabong palakpakan muli ang sumalubong sa kanila. Nagsimulang maglakad si Isabel sa stage, kahit nanginginig ay pinilit niyang hindi ito ipahalata sa lahat ng manunuod. Bumilang ito ng lima at binuka ang bibig para magsalita.“O kay gandang panahon, nararapat lamang na ako ay lumabas para maglibot sa bayan. Nais kong makita ang mga bagong tinda sa may Plaza! Ang mga bagong damit at sapatos, ang makikinang na mga alahas at ang makukulay na palamuti sa buhok!” Nagmamadali itong lumapit sa Isang ginang na nakaupo habang nananahi sa makina. “Ina! Nais ko po na lumabas, gusto ko lamang po na pumunta sa Plaza para tumingin ng mga bagong kagamitan!” masayang sabi nito.“Huwag ka sakin magpaalam, doon ka sa Ama mo magpaalam.” Sabi nito na tuloy ang sa pagtatahi, napasimangot ang dalaga.“Pero Ina! Hindi po ako papayagan ni Ama n
Hindi maiwasang kiligin ng mga nanunuod, kahit mga taga-ibang University ay hindi mapigilan ang kilig lalo na ng ngumiti si Philip. Bihira lang kasi itong maging lead actor noon dahil mas gusto niyang maging narrator, kaya bago sa manunuod ang pamamaraan ng pag-acting nito at ang mukha niya na alam naman ng lahat na maipagmamalaki sya.“Simula ngayon ay sila na ang magiging tauhan natin dito, mula pagluluto hanggang sap ag-aayos ng hardin ay sila na.” Hindi natutuwa ang dalaga sa mga ngiti ng binata, pero pinagtaka niya ang biglaang ang kuha ng tauhan ng Ama.“Bakit po kayo kumuha ng bagong mga tauhan? Paano po sila manang at ang mga hardenero natin?” tanong nito kaya tumingin ang Ginoo sa kaniya.“Pinaalis ko na sila sa trabaho dahil kahit isa sa kanila ay walang nakakita sayo na umalis, tulad ng sabi ko noon lahat ng maling desisyon mo sa bahay ay may kapalit, huwag ka ng gum
Dahan-dahang minulat ni Isabel ang mga mata, eto na naman ang makalumang lugar sa panaginip niya. Isang maganda at malaking bahay ngayon ang nasa harapan niya kung hindi siya nagkakamali ay ito ang bahay na nasusunog noon, pero ngayon ay maayos pa ito. Ang pinagtataka niya ay bakit nasa loob siya ng isang kotse at bumalik ang edad niya ng kaunti.“Maria, mauna ka na sa loob, andoon na sila manang at paniguradong nakalinis na. May bibilhin at aasikasuhin lang kami sa may bayan para malaman nila na nakalipat na tayo rito sa lugar nila.” Paalam ng isang babae na sa tingin ng dalaga ay Ina niya. Tumango na lang siya dahil hindi naman niya alam ang sasabihin, ano na naman ba kasi ang ginagawa niya dito.Pumasok siya sa loob ng bahay at sumalubong ang napakatamis na ngiti ng isang matandang babae, kusang gumalaw ang mga paa niya papalapit dito at niyakap ang matanda. Hindi alam ni I
Madami ang pumupunta sa kanilang bahay para mag abot ng regalo bilang pagtanggap sa kanilang pagdating, madami din dito ay kasama ang mga anak nila kaya hindi naglaon ay may mga bago na agad siyang kaibigan. Ang iniisip niya na baka wala siyang maging kaibigan ay nalutas na, hindi niya akalain na ganito kabait ang mga tao dito na ganito ang magiging pagtanggap ng mga ito sa kanila.“Maraming salamat sa mga regalo nyo, nag-abala pa kayo sa pagdadala.” Saad ng Ina niya sa mga babaeng pumunta sa kanilang bahay para mag dala ng mga prutas at gulay.“Nako huwag mo ng isipin iyon, sinadya ka talaga naming puntahan dito para imbitahan sa samahan ng mga babae sa bayan. Ang mga babae dito ay may ginagawang programa, gumagawa kami ng mga palamuti at binibenta sa plaza. Ito ay hindi naman sapilitan ginagawa lang namin para tulong din sa sa kapwa namin babae na hindi ganoon kalaki ang kinikita ng
“Ang may kaarawan ngayon, Ginoong Pelipe Cuevas!” hiyaw ng taga pagsalita kaya pumalakpak naman ang mga bisita habang pababa sa hagdan ang lalakeng naka-tuxedo ng damit, nakaayos ang buhok nito dahilan para mas makita ang kagwapuhan nito, ngunit ang mga nangungusap nitong mga mata ay nakafocus lamang sa iisang babae. Hindi maiwasan ng dalaga na mapayuko, pakiramdam niya ay tumatagos sa buo niyang pagkatao ang tingin ng binata sa kaniya. Isa pang dahilan ay ang pagbabago ng mukha nito na mas naging detalyado ang kagwapuhan ng mga oras na iyon, naglakad ang binata sa gitna.“Magadang gabi sa lahat, nagpapasalamat ako sa pagpapaunlak ninyo sa imbitasyon naming para ngayong gabi. Sana ay masayahan kayo.” Maigsi na saad ng binata, ayaw na nitong pahabain pa ang sasabihin, binilin na nga niya sa magulang na ayaw niya ang ganitong handaan pero hindi naman sya pinakikinggan ng mga ito,
“Pelipe,” Bati ng isang dalaga na may maputlang kulay ng balat, tulad ng kung anong meron ang lalake. Mga kulay na kahit sikat yata ng araw ay mahihiyang humalik sa mga balat nito, ang buhok nito na alon-alon na bumabagay sa maliit nitong mukha, mapupula at makipot na labi, mga mata na parang namimintas, nanliit si Maria sa nakikita.Ito ba ang dahilan bakit gusto niyang bumili ng bagong damit at mag-ayos dahil may darating na ibang babae para agawin ang pansin ng binata. Yumuko siya ng makitang naligaw ang tingin ng babae sa kaniya, hindi niya kayang salubungin ang tingin nito.“Maligayang kaarawan sayo, Ginoong Pelipe, ngunit hindi yata maganda ang aking oras ng pagdating para bumati sayo?” Makahulugang sabi nito na nakatingin pa rin kay Maria na parang binabasa ang buong pagkatao niya pati kaluluwa. Hindi siya sanay na tignan ng ibang tao! “Bagoong nobya mo, Ginoo?” dagdag na tanong nito, tumingin naman
“Bakit ko naman siya ipapahiram sayo?” sagot ng lalake dahilan para magkaroon ng iringan sa dalawa, hindi mapigilan ni Pelipe na mapatingin sa dalaga, may mga dumi ang damit nito kaya hinawakan niya sa kwelyo ang binata “Anong ginawa mo sa kanya?” Tanong nito sa lalake, pero ngumisi lang ito sa kanya at tinapik ang kamay niya ng malakas, buti na lang at malakas ang tugtog at hindi sila gaanong pansin ng mga tao sa paligid.“Anong ibig mo na sabihin kung anong ginawa ko sa kanya? Wala akong ginagawang masama sa kaibigan ko, sino ka ba sa tingin mo para kwelyuhan ako? Dahil anak ka ng mga Cuevas hindi ibig sabihin noon may karapatan ka ng kwelyuhan o saktan ng ibang tao pag gusto mo, tandaan mo magulang lang ang may pangalan at hindi ikaw kaya kung mang-aaway ka siguraduhin mo muna na hindi sampal ang abot mo sa Ina mo.” Nang iinsulto na sabi nito.&nb
Hanggang matapos kumain ay hindi mawala ang katanungan ng dalaga kung kanino iyon nanggaling, wala namang ganoong bulaklak sa hardin nila Pelipe, pero bakit nga ba iyon agad ang naisip niya na nagbigay? Hindi naman sila masyadong umaasa sa lalake sa lagay na iyon.Napabuntong hininga ang dalaga, hindi niya maitangi na umaasa siya na ang binata ang nagpadala ng bulaklak pero alam niyang imposible dahil hindi lang siya ang babae sa paligid nito, tulad nga ng sabi ng bago niyang kaibigan na si Kanor ay halos lahat ay tumitingala sa pamilya ng Cuevas at hindi maitatanggi na madami din ang pamilya na gustong ilakad ang anak nila sa binata, at anong laban niya sa mga ito? Isang simpleng pamilya lamang ang meron siya at walang pangalan na maipagmamalaki, pero kung mataas baa ng estado ng buhay na meron siya ay may pag-asa siyang magustuhan ng panganay na anak ng mga Cuevas?