“M-madam, magandang umaga po.” Utal na bati ng dalaga sa Ina ni Pelipe na may pagmamalaking nakaupo sa harapan ng mga magulang niya, pakiramdam ni Maria ay ano man na oras ay bibigay ang mga binti niya at napapaupo habang naglalakad. “Ano po ang ginagawa nyo dito?” Tanong niya dahilan para mapaismid naman ang babae.
“Ano pa nga ba sa tingin mo ang pinunta ko rito, sa tingin mo ay hindi ko alam ang ginagawa mo na pang-aakit sa anak ko?” Hindi malakas ang boses nito pero andoon ang diin sa tono, may kung ano rin na pangungutya dito.
Hindi naman napigilan ng Ama ni Maria ang mapatayo, “naiintindihan namin na ayaw mo ang anak namin para sa anak mo pero wala ka pa rin naman karapatan na sabihan ng ganyan si Maria.” Seryosong nito na saad, napatawa naman ang babae.
“Mabuti naman at alam mo na ayaw ko sa anak ninyo, b
“Anak! Anak! Bumangon ka na riyan, bakit ka ba umuungol may masama ka ba na panaginip?” Nag-aalala ang mukha ng Ina ni Maria, mabilis naman na napatingin si Maria sa paligid at tinignan ang sarili sa panaginip. “Anak, ano baa ng problema at kumikilos sa ng ganiyan, sabihin mo ano ba ang napanaginipan mo?” “Ina, nakita ko po ang sarili ko na nakahiga sa isang kama at madaming naka-kabit sakin na kung ano-ano, ay sugat daw ang ulo at mukha ko, may mga nag-iingay rin po na pamilyar na boses sa paligid pero hindi ko maigalawa ang leeg ko kaya hindi ko sila nakita.” Naguguluhan na kwento ni Maria sa Ina pero tinitigan lang siya nito at napabuntong hininga.“Hindi ko alam kung anong klase na panaginip iyan sinasabi mo pero napaka imposible ng sinasabi mo, hindi ka na naman siguro natulog ng maaga, alam ko na mahirap ang kalimutan ang nararamdaman mo para kay Pelipe,
“Paano kung sayo kaya ako nagkagusto, siguro ay masaya ako ngayon.”Wala sa isip na sabi ni Maria, hindi iyon inaasahan na marinig ni Kanor sa dalaga kaya hindi agad ito nakakibo. “Pasensya na, naiisip ko lang kung sana ay hindi ko siya nakilala, kung sayo ako unang nagkagusto, siguro pare-pareho tayong masaya ngayon.”Pareho silang nanahimik, hindi nila pareho ang susunod na sasabihin. Kahit ang dalaga ay hindi niya akalain na masasabi niya ang ganoong bagay, pero hindi niya maiwasang mag-isip tungkol doon. Paano nga ba kung una pa lang ay ang lalake na nasa tabi niya ang pinili niya at hindi na siya nag aksaya pa ng oras para umasa sa isang napaka-imposibleng relasyon.Nagulat na lang si Maria ng tumayo ang lalake at lumuhod sa harapan niya at hinawakan ang mga kamay niya at tinitigan ang mga mata ng dalaga, “bakit ng aba hindi na lang ako Maria? Mahal kita at handa ako n
Dahan-dahan niyang nilabas ang papel sa loob ng sobre, nanginginig ang kamay niya habang binubuklat ito ng isang kamay ang umagaw dito at mabilis nilagay sa bulsa.“Bakit hawak mo ito? Sino ang nagdala ng sulat nag bigay sayo?” Nag-aalala na tanong ng Ama ng dalaga sa kanya.“May nagpunta lang po na lalake dito, hinahanap po kayo para ibigay ang imbitasyon mula kay Don. Vicente, pero dahil wala po kayo ay si Maria na lang ang tumanggap ng sulat. Pasensya nap o kung nangialam kami.” Si Kanor na ang nagsalita, halata kasi sa dalaga na hindi nito alam ang isasagot.Para namang natigilan ng Ama nito ay napahinga ng malalim, “ganoon ba, pasensya na. Kumain na ba kayo magtatanghalian na.” Tanong nito para mabago ang usapan.“Ama, bakit andito kayo hindi ba sabi ninyo ay pupunta kayo kila Do
“Tama ka,may alam din ako sa kaso na hawak ng Ama mo, imposible na wala akong alam kung sagkot ang Ama ko tama?” Nahihiyang sabi nito at napahawak pa sa batok.Parang natuod naman ang dalaga sa kinatatayuan, hindi niya akalain na ganoon pala kalalim ang koneksyon ng binata sa kaso kaya may alam ito. Hindi naman niya gustong maging masama o ungkatin ang tungkol doon.“Pasensya na, akala ko sinabi lang sayo ni Ama ang tungkol doon dahil mas may tiwala sya sayo hindi ko naman akalain na ganoon pala ang dahilan bakit may alam ka tungkol sa kaso.”Halatang-halata ang hiya at kaba sa boses at mukha ng dalaga.Napabuntong hininga naman ang binata at ngumiti ng pilit sa dalaga, lalo tuloy nakaramdam ng pag-sisisi si Maria dahil doon, “ayos lang, alam ko naman na gustong-gusto mo rin malaman ang tungkol doon pero hindi ko magawang sabihin sayo
“Pelipe,”gulat na bulong ni Maria ng makita ang binata sa labas ng bahay nila. Babawiin sana nito ang kamay na nakahawak sa kamay ni Kanor ng makita niyang nakatingin doon ang binata pero mabilis na hinigpitan ni Kanor ang hawak dito.May kung anong sakit naman na dumaan sa mga mata ni Pelipe.“Anong kailangan mo, Pelipe?” Si Kanor na ang nagtanong dito, lumipat naman ang tingin ng binata dito at bumati.“Magandang gabi sa inyo, gusto ko lang ibigay sa inyo itong imbitasyon para sa kasal naming ni Yola.” Walang emosyon ang mukha at tono ni Pelipe na mas lalong nagbibigay ng sakit sa damdamin ng dalaga. Bakit kailangan na personal pa nitong iabot ang imbitasyon sa kanila, hindi man lang ba nito iniisip ang nararamdaman niya o gusto nitong ipamukha na wala na talagang pag-asa at kailangan na dalagang kalimutan ni Maria ang lahat-l
“Sabihin mo sino nga ba samin ang mag matimbang sayo? Sino ba ang mas mahalaga sayo? Ako o ang Kanor na iyon?” Hindi na nakatiis na tanong ni Pelipe. Kung alam lang ng binata na ganoon ang mangyayari sa relasyon niya ay hindi na lang sana ito pumayag sa plano ng kaibigan niyang si Yola, ngayon ay nag sisisi siya, “sagutin mo, sinong mas mahalaga saming dalawa ni Kanor? Ako o Siya?” Muling pag-uulit ni Pelipe sa tanong niya sa dalaga.Hindi agad magawang sumagot ng dalaga sa tanong ng binata sa kaniya, sino nga ba ang mas mahalaga sa dalawa para sa kaniya?Bakit kailangan niyang mamili sa dalawa kung magkaiba naman ang ang nararamdaman niya sa mga ito.“Bakit kailangan ko na mamili sa inyong dalawa, bakit kailangan ko pa sabihin kung sino ang mas mahalaga sa inyo kung pareho ko kayong ayaw mawala?” Naguguluhan na tanong nito, “mahalaga si Kanor sakin dahil
“Maria, anong ibig sabihin nito? Bakit gulo-gulo ang kwarto mo at nakabukas pa ang bintana? Nako ka, alam mo naman na delikado ngayon tapos binubuksan moa ng bintana mo ng ganitong oras. Paano na lang kung pasukin ka ng mga masasamang loob at wala kaming kaalam-alam?” Nag-aalala ang mukha na sabi ng Ina nito.Napatikhim naman ang dalaga at napaiwas ng tingin sa Ina. Wala itong kaalam-alam na may tao lang kanina doon. “Ina naman, napaka-imposible ng sinasabi mo na may papasok sa bintana ko. Sino naman ang ipapahamak ang sarili kung alam naman niyang wala siyang makukuha dito.” Saad nito, mas lalo namang kumunot ang Ina ng Ginang.“Maganda na rin ang sigurado, malay mo naman ay may mga lalake talagang handing umakyat sa bintana mo para gawaan ka ng masama, yung mga ganoong tao hindi dapat pagkatiwalaan kaya nga may pintuan para doon dumaan.” Sermon nito sa dalaga.
Napahinto si Maria sa narinig, parang isang nakakabinging tunog ang mga salitang binitiwan ng kaniyang Ina ng sabihin nitong ilayo na niya ang sarili sa binatang si Pelipe. Ninanais pa nga niyang sabihin sana sa Ina ang tungkol sa kanilang dalawa ng binata na muli silang nagkabalikan, ngunit paano niya gagawin iyon kung nauna na itong magsabi na lumayo na siya dito at sa pamilya nito. “Pero Ina, kailangan ba talagang madamay kami sa gulo na iyon? Wala naman po kaming kinalaman doon, kung ang pamilya po ba ni Kanor ang nakairingan ninyo ay palalayuin nyo rin ba ako kay Kanor?” Mahinahon na tanong ni Maria sa Ina, natahimik saglit ang Ginang. Napansin siguro nito ang punto ng dalaga na away lamang iyon ng matatanda at hindi dapat sila madamay.“Naiintindi