Share

Kabanata 72

WALANG hirap kong binubuhat ang isang malaking sako ng prutas patungo sa pamilihan ng Ohayas, ang bayan kung saan ako kasalukuyang naninirahan. Galing ako sa taniman ng prutas kung saan ako nagtatrabaho, ako ang nagdadala ng mga prutas sa pamilihan. Ito rin ang pinili kong trabaho dahil sa kapangyarihan ko, ang kakaibang taglay na lakas.

Nakalimutan ko ang isang sakong ito na ilagay sa karitela na dinala ko kaninang umaga sa pamilihan kaya ngayon ay binuhat ko na lamang, nakapatong sa aking balikat. Sa dami ng makakalimutan ay itong pinakamalaking sako pa talaga! Inis akong umismid, nakatingin sa daan. Hindi ko naman talaga ito nakalimutan, alam kong kompleto ang lahat ng dala ko kanina. Ipinahabol lamang ito ni Frida upang pahirapan ako. Siya ang binibining anak ng may-ari ng taniman kung saan galing ang sako at hindi ko alam kung bakit mainit ang kaniyang dugo sa akin kahit wala naman akong ginagawa sa kaniya. Hindi ko nga siya pinapansin minsan dahil naman kailangan.

<
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status