Share

39

Naalimpungatan ako ng bigla akong makaramdam ng kaba sa hindi malamang dahilan. Umupo ako at dahan-dahan na idinilat ang mata. Hindi ko alam kung dahil ba sa kagigising ko lang at sobrang labo ng mata ko, parang may nakaharang at sumabay pa ang nangangalay ko na kaliwang braso. Pilit kong inaaninaw si Jared, napangiti ako ng maaninag ko sya na mahimbing na natutulog.

Pumikit ako at nagbilang ng sampo bago dumilat, malabo pa rin ang paningin ko. Kinapa ko ang paligid at dahan-dahan na bumaba ng kama. Kinapa ko ang daanan hanggang makapunta ako sa banyo, ang labo pa rin ng paningin ko. Sa totoo lang ay hindi ko na alam ang gagawin ko kaya tumayo lang ako ng matagal hanggang sa luminaw na ang paningin ko.

Ngayon na ang araw para malaman ko ang resulta ng nangyayari sa akin ngayon. Kinakabahan ako pero kailangan kong tanggapin kung ano man yun.

"I'll be in the meeting till afternoon, so baka late na ako makauwi." Napalingon ako kay Jared habang kumakain.

"Hindi na kita hihintayin?" Tanong
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status