Share

Chap 4

Lily 

Nagising ako at natulala ng makitang katabi ko si Sean sa Higaan,bumaba ang mata ko sa katawan naming dalawa at napapikit ako ng mariin ng makitang parehas kaming walang saplot 

Dahan dahan akong umupo sa kama upang hindi ko siya magising dahil mahimbing Ang kaniyang tulog, tumingin ako sa Relo ko at nakitang mag aalas nuwebe na pala 

Dali Dali akong bumaba sa kama at humakbang,napangiwi ako ng maramdaman ang hapdi sa gitna ng aking hita,ang dibdib ko din ay masakit.Nagtungo ako sa Banyo habang hawak hawak ang mga saplot sa katawan ko

Laglag Ang aking panga ng Makita ang aking katawan sa salamin 

"Pucha"bulong ko 

Balot na balot ang katawan ko sa mga hickeys Lalo na sa may bandang dibdib ko,hindi na ako nagsayang ng oras at agad na sinuot Ang mga damit kahit pana punit Ang suot kong uniporme pang itaas 

Paglabas ko ay muli kong sinulyapan si Sean na natutulog parin.

Isang malakas na buntong hininga ang aking pinakawalan pagka labas ko sa kwarto 

_______

"Kasalanan ng papa mo ang lahat pero sa sitwasyon ngayon parang Ikaw pa ang may mas kasalanan"sabi ni Liennete habang nilalabas ang mga pagkain sa paper bag na binili ko 

Bumuntong hininga nalang ako at inayos ang kumot sa katawan ni mama

"Hindi ba pumunta si Papa dito kahapon?"tanong ko sa kaniya at naupo sa tabi ng higaan ni mama 

Pagod na pagod ang katawan ko at gusto ko ng magpahinga pero ayaw kong ipakita iyon kay Liennete,baka kasi magtanong pa siya ng kung ano ano,masyado akong pagod para sagutin pa ang mga magiging tanong niya 

"Wala, hanggang alauna ako dito nagpuyat,hinintay pa nga kita kasi sabi mo babalik ka pero hindi ka naman bumalik"sagot niya kaya napatitig ako sa kaniya na abala sa pagbubukas ng mga pagkain 

Kahit na gusto ko mang sabihin sa kaniya Ang dahilan ay hindi maaari 

Hindi pa ngayon

"Salamat sa pagbantay kay mama"pagpapasalamat ko sa kaniya at hinaplos ang kamay ni mama 

Wala pang Balita Ang doctor tungkol sa kondisyon ni mama ngunit nananalangin ako sa diyos na maging maayos lang si mama,gagawin ko ang lahat para maging maayos ang puso niya 

Pagkatapos ng nangyari ay hindi na muna ako pumasok sa trabaho, may sarili din kasing trabaho si Liennet at ayaw ko siyang istorbohin, si papa naman ay hindi pa umuuwi

Alas singko ng umaga ako umalis sa hospital para bumalik sa bahay at para narin makapagpalit ng damit

Naligo ako at nagbihis,nag impake na din ako ng mga makakain para may makain ako habang nasa hospital 

Abala ako sa pag aayos sa mga damit sa bag ng biglang tumunog Ang cellphone ko na nakapatong sa kama 

Naglakad ako papunta Doon at pinulot iyon,ng makita ang pangalan ni doctor Jesus ay agad ko itong sinagot 

"Doc" tawag ko sa kaniya, nararamdaman ko ang paglakas ng tibok ng puso ko 

Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan niya at mas lalo pa akong kinabahan 

"Lily, gusto sanang kitang hintayin muna dito na makabalik sa hospital para sabihin sa iyo ito,pero mas maganda siguro kung sasabihin kona sayo ngayon, Palala na ng Palala ang kondisyon ng mama mo, Ang dugo na dumadaloy sa puso niya ay mas lalong namumuo na mas lalong nagpalala sa kondisyon niya, kailangan na talaga naming palitan ang puso niya Kung hindi ay magiging sanhi ng pagkamatay ng mommy mo ang sakit niya" anunsiyo ni doc 

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko,kusa na ding tumulo ang luha sa aking mata,para akong binagsakan ng lupa at langit sa nararamdaman ko ngayon 

"S-sige po doc" nanginginig ang labi ko habang sinasabi iyon bago ko pinatay ang tawag 

Napaupo ako sa kama at humawak sa ulo habang patuloy padin na umiiyak,bakit ba nangyayari saamin ang ganito? 

"Aghhhhh"sigaw ko at hinila ang sariling buhok bago sumalampak sa kama 

Gusto ko ng sumuko,hindi ko alam kung Tama ba Ang lahat ng ginagawa ko

Pinikit ko ang mata ko ilang sandali hanggang sa may naisip akong Solusyon sa problema namin, isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko bago naupo ng maayos sa kama at pinunasan ang luha sa aking pisngi 

Ito nalang ang alam kong Solusyon sa problem namin,kung hindi pa ito gagana ay susuko na talaga ako

Kinuha ko ang susi ng aking kotse bago lumabas ng bahay at nag drive paalis 

Habang nagmamaneho sa Daan ay hindi padin humihinto ang malakas na kabog ng dibdib ko,mas lalo pa akong kinabahan ng Makita ang malaking building na pag mamay ari niya 

Linagok ko ang isang bote ng tubig bago huminga ng malalim,lumabas ako sa kotse at tiningala Ang mataas na building 

Naglakad ako papasok sa loob at kalmado Ang lahat ng bawat galaw ko,pero Ang totoo ay kabang kaba na ako sa loob looban ko 

Naglakad ako palapit sa front desk at nagtanong 

"Hello miss,anong floor Ang opisina ni Sean Davis?"tanong ko sa receptionist 

Nagtataka naman ako nitong tinignan" 53 floor po,may meeting poba kayo sa kaniya ma'am?"tanong nito at tumango lamang ako at nagpasalamat bago nagpunta sa elevator 

Mabuti nalang at mag Isa lang ako sa elevator dahil naka ilang hinga na ako ng malalim habang paakayat Ang elevator 

Ng bumukas ang elevator ay alanganin pa ako kung lalabas paba ako dito o hindi,sa huli ay lumabas ako at nahanap ko agad ang opisina ni Sean dahil nag iisang pintuan lang naman ang nakita ko sa buong floor na ito 

Nanginginig ang paa kong naglakad palapit sa harapan ng pintuan ng opisina niya,tinaas ko ang kamay ko para kumatok ngunit naiwan sa era Ang kamay ko 

Kumuyom ang aking nuo at pumikit ako ng mariin 

"Aghh" mahina kong bulong at tumalikod upang sana umalis ngunit pinigilan ko din ang aking sarili 

Ito nalang ang tanging Solusyon na alam kong gagana

Humarap muli ako sa pintuan, nanginginig ang kamay kong hinablot Ang door handle ng pintuan at walang sabi sabi itong binuksan at mabilis na pumasok 

" Buntis ako at Ikaw Ang ama Sean Davis" malakas kong sigaw habang mabigat ang paghinga 

Napatigil ako ng Makita kung sino ang mga nasa loob ng opisina niya 

Si Don Aguinaldo Davis at Maricar Davis na magulang ni Sean Ang nasa loob kasama si Sean 

Laglag Ang mga panga nila habang hindi makapaniwalang nakatingin saakin 

S***a!

Ano ba tong pinasok pasok kong Plano!

_______________

Aykafaye❤️❤️

*******

Vote

Follow 

Comment

   

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status