"Sure ka ba talagang wala kang gustong ipabili?" Tanong niya.
Umiling ako, medyo nakakahiya dahil ngayong taon lang naman kami nagkalapit. Siya at si Syrien lang ang madalas konv nakakausap sa school.
"Wala eh. Siguro tubig sa ibang bansa na lang." Natawa ako sa kalokohan. Kumunot ang noo niya, nagtataka sa sinasabi ko. "Hindi ba nakakaputi ang mga tubig d'on."
"Okay naman na ang balat mo, bagay sa'yo." Ngumuso ako. Hindi sumasang-ayon sa sinabi niya. Hindi ko talaga ang gusto ang kulay ng balat ko dahil nagmumukhang madumi ako kahit naman naglinis ako.
"Para akong mukhang madumi." Sabi ko habang tinitignan ang kulay ng balat sa braso.
"Parang hindi naman." Komento niya.
Mabuti na lang at pinapasok pa kami ng guwardiya ng school kahit late kami sa pagpasok, siguro ay pinagbigyan kami dahil foundation day lang naman.Pagpasok namin sa school ay nagflag ceremony muna at nagkaroon pa ng kaunting sinabi ang principal ng school. Nagkaroon din ng intermission dance ang grade eight. Pagkatapos non ay hinayaan na kami kung saang booth ang gusto naming puntahan."Hindi ba muna tayo kakain?" Tanong ko, mukha kasi silang excited sumubok ng booth. Lalo na si Syrien."Kakain lang na'tin sa bahay niyo, Joy!" Sabi ni Dave. Umismid ako."I brought biscuits here, is that okay?" Tanong sa akin ni Syrien, umiling ako."May pagkain ako sa bag, pero hindi ko alam k
Ngumiti ako, ramdam ko ang init ng pisngi ko dahil sa kahihiyang naramdaman ko. Hindi malaman kung anong sasabihin ko.Sa kabutihang palad, pinahiram ako ni Tyra ng ilan sa kanyang make up, upang maayos ko ang aking sarili. Madalas ko siyang pinapanood sa aming bahay na naglalagay ng make up sa kaniyang mukha kaya kahit papaano alam ko kung paano ko ito gagawin."Kinakabahan ka ba?" Pang-aasar niya, hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya."It’s my first time." Nahihiya kung sabi. "Ikaw din, ang gwapo mo. Mas mukhang tao ka." Pang-aasar ko din, namula siya.Nakasuot siya ng isang pulang blazer na may puting longsleeve sa ilalim at red necktie, at ipinares sa pulang slacks. Siya lang ang nakasuot ng ibang kulay ng tuxedo kaya maraming tao ang tumitingin sa aming lugar."Wew." He commented. Iniwas ko ang aking mga mata sa kanya, ito ang aking kauna-unahang pagkakataon na isang lalaki na kaibigan ang pinuri ako. Bukod kay Tyra at sa pamilya ko. Pinaparamdam nito sa akin na magkaroon ng k
CHAPTER 8Hindi ko alam kung ano ang sasabihin tungkol sa pag-amin niya ng nararamdaman sa akin, dapat ba ganoon rin ang nararamdaman ko sa kanya? Paano kung hindi? Paano kung hindi talaga ako magkaroon ng nararamdaman para sa kanya?Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may pumupuri sa akin at nagtapat sa nararamdaman nila sa akin. Hindi ako sanay, sa totoo lang. Hindi ko alam kung dapat kong pagdudahan sila o makaramdam ng saya.Bumuntong hininga ako sa kanya at umiwas ng tingin. Hindi pa rin ako makapagsalita, hindi ko alam kung anong sasabihin ko."Hindi ko hiniling na magkagusto ka rin sa akin, hindi mo responsibilidad iyon, Joy. Hindi ako responsibilidad mo, nais ko lang iparating sa iyo ... kung ano ang nararamdaman ko ... para sa iyo." Aniya, naramdaman kong hinawakan niya ulit ang kamay ko, hinayaan ko lang siya na hawakan ang kamay ko."Alam kong bata pa tayo para sa isang katulad nito at alam kong nagdududa
Agad ko siyang hinila ng makapunta ako sa kaniya, mabuti na lang at hindi malala ang natamo niya dahil baka hindi na siya makapasok kinabukasan. Dumating sa pwesto namin ang guro at pinagsabihan sila Dave, kinabahan ako sa sitwasyon niya dahil baka papuntahin siya sa guidance councilor at hindi siya makagraduate dahil sa insidente. "Ayos ka lang? Bakit ka pa kasi nakikipag-away?" Pangaral ko, hindi siya tumingin s akin at abala lamang siya sa pagpunas ng kaniyang labi. "Masyado kang nagmamatapang! Alam mo naman na ga-graduate na tayo next month, kailangan na'tin ng good moral para magsenior highschool." Naiinis kong sabi sa kaniya, ngunit parang hindi niya manlang iyon isinasaulo. "Ayos ka lang ba? Malakas rin iyong hampas ng bola. Hindi ba naalog ang utak mo ng kaunti? Baka hindi ka na maging magaling sa math niyan!" Pagbibiro niya, hinampas ko siya sa braso dahilan para masaktan siya. "Ewan ko sa'yo." Inis na sambit ko, ngunit kahit man naiinis ay hi
Hindi ko talaga gustong may masasaktan na tao ng dahil sa akin, kaya hangga't maaga pa ay pinapalayo ko na ang sarili ko sa ibang tao. Sa sitwasyon namin ngayon ni Dave, ang hirap niyang palayuin sa tabi ko, dahil kahit anong direksyon ang itinatahak ko, ay ganuon rin ang kaniya. "Paano kapag napagod ka sa akin?" Umiwas ako ng tingin sa kaniya ng itanong iyon. Napalunok ako dahil sa tensyon na nararamdaman ko sa pagitan naming dalawa. Kapag naiisip ko ng lalayo siya sa akin ay may mabigat na akong nararamdaman, hindi ko alam ang ibig sabihin no'n, at wala akong ideya sa kung ano bang klaseng pakiramdam ang ganuon. "Bakit naman ako mapapagod sa'yo, eh gustong-gusto nga kita..." Malambing niyang sabi, at marahang hinaplos ang hinlalaki niyang daliri sa maliit kong kamay. Pinilit kong maging seryoso ang aking mukha ngunit bigla nalang umukit ang ngisi sa aking labi. Iniwas ko ang tingin sa kaniya at hinawakan ko ang kaniyang braso upang hilaan si
Natapos ang naging graduation at recognition ay umuwi na agad kami, hindi na kami nakapag-usap ni Dave. Nagkatinginan lang kami sa buong sermonya. Hindi na rin sumama si Tyra sa akin pagkauwi at mas ginustong pumunta sa bahay nila Sirius, hindi ko alam kung fling ba sila o may relasyon pa sila. Mas minabuti ko ng hindi na magtanong pa. "Hindi mo ba iimbitahan si Dave at ang iba mo pang kaibigan?" Tanong sa akin ni mama, abala ako sa pagtanggal ng mga medalya sa aking leeg, nang matanggal ko na ay iniligay ko lang naman iyon sa coffee table na nasa sala. "Hindi siguro ma, magc-celebrate rin sila eh." Sagot ko. Abala sila sa paghahanda ng mga inihandang mga pagkain. Kaunting pagkain lamang iyon. Sapat na para sa amin at sa kaunting darating na bisita kung meroon man. "Ganuon ba?" Tumango na lamang ako sa kaniyang sinabi. Papunta na sana ako sa lamesa upang kumain ng marinig ko ang ingay sa labas. Hindi na ako nagtaka kung sino ang mga
Maagang natapos ang party ni AC kaya maaga rin ang pag-uwi namin. Nagkantahan lang kami at kumain ng inihanda nilang pagkain. Nagkwentuhan rin kami. Kasama pa rin sila Syrien, Tyra at Sirius tyaka pati kami ni Dave. Pakiramdam ko nga kapag palagi kaming magkasama ay hindi kami nauubusan ng kwentuhan."Hindi ka mahilig sa seafoods, puro lumpia ang kinain mo kanina." Sabi ni Dave, kumunot ang noo ko.Maraming inihanda ang magulang ni AC, lalo na ang seafoods. Hindi ako kumain no'n kahit sobrang rami dahil may allergy ako, isa pa ay hindi ako marunong kumain no'n dahil masyado pang matrabaho bago kainin."Allergy." I reasoned out, tumatango-tao siya at pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse dahil pauwi na.One week had already past after the graduation, everything is quite unusual. Nasanay ako na maaga ako nagigising para maghanda pumasok sa school. Pero ngayon ay wala na akong gaanong ginagawa at wala ng inaabalang mga school activities.Isang linggo na rin ang nakalipas ang graduatio
Naglakad lang ako pauwi, pero sumunod sa akin. Kahit malayo ang bahay ko, sa kanila ay naging mabilis ang pagrating sa bahay ko dahil sa pagbilis ng paglalakad."Mag-usap nga ta'yo, Joy. Hindi yung nagagalit ka sa akin ng hindi ko alam." Ulit niyang sabi. Habang naglalakad kami ay minu-minuto niya iyon sinasabi. Halos marindi na ang tenga ko."Hindi nga ako galit! Bakit naman ako magagalit! Wala naman dapat ikagalit." Ulit kong sagot sa tanong niya.I heard him sighed, kinuha niya ang braso ko pero winaksi ko naman iyong kamay niya. Sinubukan niya muling hawakan iyon, mas naging agresibo ang paghila niya sa akin dahilan para mapahinto ako sa paglalakad."Kung nagagalit ka dahil sa bakasyon ko, hindi na lang ako magbabakasyon. Mananatili na lang ako rito--""Hindi ako nagagalit sa pagbabakasyon mo! Magbakasyon ka kung kailan mo gusto, umuwi ka sa pilipinas kung kailan mo gusto! Mas mabuti kung hindi ka na bumalik!" Sigaw ko, halos kita na ang litid ko. Napapikit siya, naririndi siguro