Share

Moon Phase 157 Erased Memories

(Athena POV)

Pagkatapos ako tignan ng doctor, senenyasan niya yung isang nurse na lumapit at kinuha yung karayom.

Iniwas ko kaagad ang aking sarili ko. Di ako papayag na basta lang nila ako turukan.

“Hindi ako magpapaturok!”

Sa totoo lang talaga iniiwasan kong maturukan. Takot ako sa karayom.

AYOKO!

“Miss Athena, kukunan lang namin kayo ng dugo.”

Kukunan ng dugo?

Sa boung buhay ko nga itinakas ako ni Uncle Wenziel para iwasan ako magbigay ng buwis, yung dugo para sa mga bampira, tapos ngayon kukunan ako?

Napatapik ako sa balikat ng doctor. Halatang takot ang isang to kay EL at tiyak kilala niya ako kung sino ba ako sa buhay ng mayabang na yun.

Ngumiti ako sa kanya.

“Alam niyo ba di ako magandang kinukunan ng dugo? Kasi lagi akong nahihimatay. Sigurado kulang po ako sa dugo. Meron po ata akong blood cancer

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status