Share

Moon Phase 3 My own Mom want to kill me.

“Uurungan mo?”

Panunuya sa akin ni Uncle Rankin.

Ang itinugon ko isang matamis na ngiti.

“Of course not.” Siyang napakaluskos ako ng aking sleeve.

“Don’t cooperate with the kids, bullying their sensitive auntie.”

Sa hindi naman talaga. Ako pa nga ang humarang sa maaring maging reaction ni Tonette kanina.

Bakit parang ako pa talaga ang may ginawang mali dito?

Your being unfair Uncle Rankin.

But it was fine. I am good at these books.

Napakindat ako sa mga batang nakatitig sa akin. Nang inihampas sa harapan nila ni Uncle Rankin ang mahabang stick kaya naiyuko ang mga mata nila sa librong binabasa.

Naupo na din ako.

Sinimulan ang nasa ibabaw na libro.

Let’s finish this immediately EL, habang wala pa ang pagka-bored ko.  

Dahil nga napakabilis ko magbasa, tulo-laway akong pinagmasdan ng magkambal. Namangha sila. Halatang-halata sa mukha nila na di ko naman tinatapunan ng paningin.

Hangang sa marinig ko na lamang, may umangal.

“Father he is cheater!”

Yung nagsalita, sampung libro ulit ang ipinatong sa kanya.

Napakindat ako dito.

Mind your own business guys. And I don’t cheat. Alam yan ni Uncle Rankin.

Isang oras lang tapos ang mga librong inihanda sa akin ni Uncle Rankin. Di na siya sa akin magugulat. He knows my ability and skills.

“He is done?! Really father?!”

Ngumiti na lamang ako dito. Muli na namang pinatungan ang libro niyang tambak.

“Owss! That was mean father!”

Kaya sa angal niya uli, nakatangap ulit ito ng isa pang tambak na libro.

Natawa yung katabi niya, at nahuli ni Uncle Rankin.  Kaya ngayon pareho na sila ng babasahin.

Aangal sana, na tinigilan na lamang ang sarili. Dahil alam niya na papatungan na naman siya kapag umangal.  

Chill, normal nang kailangan na humanga kayo sa akin.

Para malaman na may nakuha ako sa binasa ko, ipinatong sa harapan ko ng mga apprentice ni Uncle Rankin ang hinandang sasagutan.

“Young Master EL, your time begin now.”

Tinapunan ko ulit ng kindat ang dalawang bata. Saka tinitigan ko ang papel na hawak ko. Tambak din to.

Napangisi na lamang ako.

Easy.

Napatulo laway ang dalawang bata at halos di makapaniwala sa ginagawa ko.  Pina-ikot ko ang ballpen at lahat ng nakapatong na papel, mabilis kong nasagutan.

Di pa nga nagtatapos ang binigay na oras sa akin, natapos ko ang lahat.

“Thank you Master El.” Kinuha ang sinagutan kong papel sa ibabaw ng mesa.

“You’re a monster!” 

“You… You…” Wala nang sinabi dahil tuluyan ngang dumugo ang ilong ni Seven.

“Paano mo yun nagawa?” Diretsong tanong ni Steve sa akin.

Ngumiti ako sa kanila.

“You know your father guys. Strict.” sabay tayo ko sa upuan.

Saka hinila ulit ang dalawang bata sa upuan ni Uncle Rankin.

Tumitingin ako sa bookshelves.

Hinahanap ang libro na binabasa ko.

Paulit-ulit na binabasa.

“Dad, paano niya yun nagawa?”

“Anong aasahan niyo sa susunod na Grand Alpha? Mahina?”

Yah. I am the heir of the Grand Alpha. Normally, their expectation to me is high. Di maaring talikuran ang tungkulin ko.

“He is incredible.”

“More than incredible. Kaya umayos kayong dalawa.”

“We want to become like him.”

“Then study by sitting at your enthusiasm.”

Nakita ko na ang libro. Hinila ko ito sa pinaglalagyan.

Documentation tungkol sa kaso ng mga taong lobo na nawawalan ng control sa kanilang sarili.

And one of them is my mother.

Naglakad ako papunta sa may terrace.

Sumisilip na ang buwan. Hindi pa nga buo sa paningin naming lahat. Sa susunod na araw ang kabilugan nito.

I was greeted by a fresh air. I absolutely like it. Peaceful and I feel comfort with it…

As if, my mom was still here. Hugging me tightly.

The death of my mother was horror for me. She is about to kill me, when my Dad save me that day. Seeing her slain, is a nightmare that I repeatedly see whenever I remember about her.

My own Mom want to kill me. That’s insane right? Tss. 

Alam kong marami pa akong kailangan tuklasin. Kung paano nangyayaring mawalan nang kontrol ang mga kalahi ko.

My father was aware na di ko muna kailangan maki-alam. Dahil wala pa ako sa tamang gulang.  But I couldn’t sit and watch. As my kin was discriminated by this world.

No way.

I should do something even on my youthful age.

***

Early in the morning, the Grand Alpha which is my father waiting me in the car. Di kasama nito ang asawa niya.

Pinagbuksan ako ng pinto sa tabi ng aking ama. Nadatnan ko itong nakasandal sa kanyang upuan. Nakapikit ang mga mata.

Nagkasagutan na naman ba sila ng asawa niyang nais na kumalas?

Katabi ng driver si Uncle Rankin. Napatango na lamang ito sa akin bilang bati.

Tumango din ako pabalik. Nanahimik at malayo ang paningin ko sa labas. Mabilis na pinapatakbo ang sasakyan. Nakasunod ang maraming sasakyan ng mga tauhan ng Grand Alpha.

Natural na maraming nakapaligid na tauhan sa amin. Dahil kailangan. Lalabas lang naman kami sa territoryo namin.

Sa kalagitnaan ng daan, naimulat ko ang aking mga mata. Humahalimuyak ang amoy na siyang, nagpadilat din ng mga mata ng aking ama.

“Papasok ata sila sa territory natin, Tyron.”  Gising ni Uncle Rankin sa aking ama.

Ngumisi lamang ang Grand Alpha. Lumingon sa direksyon na pinangagalingan ng amoy.

Itinaas niya ang kanyang kamay, upang tumigil ang sasakyan sa kalagitnaan ng kagubatan.

Lumabas siya. Agad ikinasunod namin ni Uncle Rankin at mga tauhan. Kanya-kanyang tumayo sa paligid. 

Tahimik nakatayo ang aking ama. Waring naghihintay nga na lumabas kung sino man itong naamoy namin.

Nang bigla kami inulan ng silver poison dart arrow. Agad hinila ako papasok ni Uncle Rankin sa loob ng sasakyan. At mabilis na naglaho ang aking ama, kasama ng ilang tauhan nito.

Walang isang segundo natigil ang pamamana sa amin.

“Uncle Rankin.”

“Sa lahat ng nilalang na naririto El, ikaw lang naman ang pinaka-inosente. Ayaw ng iyong ama na mayroong masamang mangyari sayo. You’re not ready to deal on this world.”

Bumalik ang aking ama, bahagyang may pinupunas sa kanyang bibig. May talamsik ng dugo ang damit nito.

@DeathWish

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status