Share

Chapter 13

AMIRA

"AMIRA! ANONG nangyayari sa'yo? Bakit ka umiiyak anak?" Nagaalalang lumapit sa akin si inay ng makita ang luhaan kong mukha pagpasok ko ng bahay. Pinunasan nya ng kanyang kamay ang pisngi ko. Hindi naman ako makasagot dahil parang may nakabara sa lalamunan ko.

Nang pumasok si itay ay ito naman ang binalingan ni inay. "Carlitos, bakit umiiyak ang anak mo?"

Narinig ko namang humugot ng malalim na hininga si itay. "Yang anak mo, nakikipag relasyon sa anak ng Hermano na yun!" Mataas na boses na sabi ni itay.

Tila hindi makapaniwalang muli akong tiningnan ni inay. "Anak, totoo ba yun?"

Hindi ako umimik bagkus ay humikbi na lang.

"Sabihin mo ang totoo sa inay mo Amira." Matigas na turan ni itay na nakapamewang pa. Hindi pa rin nabubura ang dilim sa kanyang mukha.

Dahan dahan naman akong tumango at kumagat labi sabay yuko.

Narinig ko namang bumuntong hininga si inay. "Bakit hindi mo sinabi sa amin anak?"

"D-Dahil tutol po kayo sa aming dalawa ni Alvin -- "

"Alam mo naman palan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Alice G
lecheng pagmamahal mo yan Alvin, puro kalibugan alam mo..rupok mo..magdusa ka sa Suzette na yan pag kinasal na kau...hahaha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status