Share

Chapter 36

AMIRA

NATIGILAN AKO sa sinabi ni inay at mas kumalabog sa kaba ang dibdib ko. Galing na mismo sa kanyang bibig ang kanina pa umuukilkil sa isip ko. Napalunok ako.

"Hindi pa naman sigurado iho. Pero pwede naman kayong mag pregnancy test para nakumpirma natin at kung sakaling positive bukas makapag pa check up na kayo." Suhestyon ni inay sa amin.

Umupo naman sa harap ko si Yñigo at hinawakan ang aking kamay. May nabanaag akong kakaibang kislap sa mga mata nya. Tuwa at pagkasabik.

"Baby ok lang ba kung mag pi-pregnancy test ka? Para lang makasiguro tayo?" Tila excited pang sabi nya.

Napakagat labi ako at tumingin pa kay inay. Tumango naman sya sa akin na parang sinasabing ako ang bahala. Parang bigla rin akong naexcite. Paano nga kaya kung buntis na talaga ako.

Tumingin akong muli kay Yñigo. Mapupungay ang kanyang mga matang nakatingin sa akin na naghihintay ng sagot ko.

Tumango ako.

Ngumiti sya at hinalik halikan ako sa noo bago tumayo. "Lalabas lang ako, bibili ako ng pregnancy t
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status