Share

Kabanata 3

“Miss, please don't believe what this Moron, Lance told you. Hindi niya lang matanggap na matagal nang patay ang Mommy namin. Kaya nagsinungaling si Dad na meron nang ibang pamilya si Mommy at matagal na kaming kinalimutan para lang hindi siya gaanong masaktan dahil mag-aasawa na si Dad ng bago. He’s too emotional; that's why he does stupid things behind his big brain.”

Iyon ang paliwanag kay Yasmien ng batang si Leo, nang mapakalma niya ang mga batang ito na kanina lang ay nagkakagulo sa kubo niya. Nagawa niyang paupuin ang triplets sa mahabang kahoy niyang upuan.

Nagsalubong ang dalawang kilay ni Yasmien habang nakaupo rin siya kaharap ang tatlong bata at na kay Leo ang tuon.

“Kamukha ko ba ang Mommy niyo, kaya sa ‘kin tumakbo si Lance?” kuryoso niya pang tanong.

Nakita niya ang paglunok ni Leo at pagkuyom ng kamao nito habang direktang nakatitig sa kanya. “Unfortunately, yes. But you're not her.”

“She is!” muli na namang giit ni Lance. “I know Mommy is not dead. Daddy was just lying. He can't even keep his stories straight. Sinungaling si Daddy, I hate him so much.”

“Oh, please! Stop acting like a child, Lance!” pagalit pa ni Leo.

Napakamot naman sa noo si Yasmien. “Pero, hindi ba mga six years old pa lang kayo?”

“Hindi ako six years old mag-isip, ‘di gaya ni Lance.” masungit na tugon sa kanya ni Leo.

“You're the one to talk! Eh, madali ka lang naman mamanipula ni Daddy. Pinaniniwalaan mo lahat ng kasinungalingan niya. Kung hindi si Mommy ang kaharap natin, bakit kamukha niya siya?!”

“Doppelganger theory states that there are at least seven people on Earth who closely resemble each individual. They share similar physical features, such as facial structure, hair color, or body type, making them look exactly alike!” naninindigang tugon ni Leo. “And Mom left us when we were three years old! My memory of her is fading, and your memory is surely vague!”

“I'm smarter than you!” tumayo pa si Lance sa kahoy na upuan, may pinaglalaban. “Malinaw sa alaala ko ang mukha ni Mommy! And if Daddy isn't hiding anything, bakit kahit picture ni Mommy hindi niya pinapakita sa atin?! Gusto na niyang kalimutan natin si Mommy! But I'm genius enough to remember everything that happened when I was only two years old! Mommy loved me, and she left because of him!”

Tumayo rin sa kahoy na upuan si Leo para pantayan ang kapatid. “Umalis si Mom dahil na-inlove siya sa ibang lalaki! Mommy was a cheater! She died for being a cheater!”

“You take that back!”

“That's the truth--Ah!!”

Akmang sasapakin ni Lance si Leo nang makakilos kaagad si Yasmien para hawakan sa kwelo ang dalawang bata at paghiwalayin.

“Kung mag-aaway lang din kayo ulit, bakit hindi na lang kayo umalis sa bahay ko? Ang kailangan ko ay makausap kayo ng matino. Pero kung lalo niyo lang ako guguluhin, ihahatid ko na kayo agad pauwi mismo!” magkasalubong na kilay niyang pagalit sa dalawa na kinatahimik ng mga ito.

“Sorry, Mommy.” hingi kaagad ng paumanhin ni Lance sa kanya na wari'y maiiyak pa.

Napabuntong-hininga si Yasmien at saka inalis ang pagkakahawak sa mga bata. “Bumalik kayo sa pagkakaupo ng maayos. Bakit hindi niyo gayahin si Rence na tahimik lang?”

“Dahil pipi siya, Miss. Kaya tahimik talaga ‘yan.” sarkastiko pang tugon ni Leo sa kanya.

Pinaningkitan niya ito ng mga mata na kinanguso pa nito.

Bumalik siya sa pagkakaupo nang makalma muli ang dalawa. “Hindi ko alam kung anong klaseng family problem ang kinakaharap ng pamilya niyo o kung anong klaseng utak meron kayo. Pero ito lang ang masasabi ko, wala akong anak. Hindi pa ako nagkakaroon ng anak simula nang mag-asawa ako. Kaya Lance,” binalingan niya ito ng pansin. “Imposibleng ako ang ‘mommy’ na hinahanap mo.”

“No!!”

“Yes!!”

Maiiyak na tumakbo sa kanya si Lance para yumakap sa baywang niya, samantalang si Leo naman ay may maliwanag na mga ngiti sa labi.

“Let her go, Lance. Sabi ko na sa'yo. Hindi siya si Mom. Tanggapin mo na—na iniwan tayo ni Mom para ipagpalit sa ibang lalaki. Tanggapin mo na—na matagal na rin siyang namatay!”

“I would never!!”

Nahabag ang puso ni Yasmien dahil sa higpit ng pagkakayakap sa kanya ni Lance. Kinarga niya ito at kinandog sa dalwang hita niya, saka lamang niya narinig ang paghikbi nito.

Marahil ay katulad niya, musmos na ang bata at nangungulila sa magulang.

“Mommy, please come back home; please don't hate me.” anito. “Why are you acting like you don’t remember me? I’m your son, bakit madali lang sa'yong itapon ako, Mommy?” natigilan si Lance bigla at napaangat ng tingin sa kanya. “P-Perhaps… Mommy, do you have amnesia?!”

Natigilan din si Yasmien at napalaki ng mga mata. Bumuka ang labi niya sa gulat ngunit walang salitang lumbas.

Amnesia… Oo, may amnesia siya pero…

Mabilis na kumabog ang kaba sa dibdib niya. “I-Imposibleng… may anak ako?”

“What?!” napasigaw si Leo na napatayo rin sa upuan para lumapit sa kanya. “M-Miss.. what do you mean? May amnesia ka ba??”

Wala sa sariling napatango-tango si Yasmien, subalit natutuliro siyang napatawa. “P-Pero paniguradong nagkakamali kayo.. ano, mayroon na akong asawa kaya…”

“Mommy!” napuno muli ng mga luha ang mata ni Lance. “I knew it! Mommy will never leave us for a long time; it's because you have amnesia. That's why you—”

“Shut up, Lance!”

“You shut up, Leo!” galit pa na humarap s Lance kay Leo. “Hindi ba nagme-make sense lahat? She's our mother, and she never came back because she has amnesia! Kung matalino ka, pwes gamitin mo utak mo!”

“Lance, you…” pawang may gustong sabihin si Leo na pilit niyang kinikimkim sa labis na pagkakakuyom ng maliit na kamao nito. “You just don't know anything…”

“No, don't assume you know everything!”

“S-Sandali,” sumakit ang ulo ni Yasmien. Wala siyang alaala ng nakaraan. Pero.. posible kaya… hindi, hindi, isa ‘tong kalokohan! Asawa niya si Carding, kahit kinasusuklaman niya ang lalaking ‘yon. Kaya paanong may naliligaw siyang mga triplets na bigla na lamang susulpot isang gabi dahil matagal na siyang hinahanap? At mga six years old lamang sila!

“Mommy, are you okay?” nag-aalalang tanong ni Lance.

“O-Okay lang pero—”

*BAM!*

Lahat silang sa loob ng kubo ay nanginig sa gulat nang bigla na lamang may sumipa sa pintuan. Nayanig ang kabuuan ng kubo at nag-alala si Yasmien na baka bigla itong gumuho dahil sa lakas ng impact niyon!

“S-Sinong—” nagugulat siyang napalingon at natigilan nang makita ang isang matipunong lalaki na nakasuot ng business attire. Ang pagkagwapo ng mukha ay napupuno ng pag-aalala na hindi kayang mailarawan.

“Rence, Leo, Lance!!” puno ng emosyon itong sumigaw sa loob.

“Daddy!!” tumakbo kaagad si Leo kasama si Rence patungo sa lalaking iyon.

Samantalang napatayo naman si Yasmien karga si Lance. Napako ang paningin niya sa lalaking iyon na may namumula at namamasang mga mata na lumuhod sa dalawa nitong anak.

“You dimwits! Are you okay? Are you hurt?” sinuri niya ang mukha at katawan ng dalawang bata.

“We're alright, daddy! We aren't hurt!” masiglang tugon ni Leo, samantalang tumango-tango naman si Rence.

Pawang nakahinga ng maluwag ang lalaki. “Just why, why did you run away from home! Don’t you know how worried I---where's Lance? Nasa’n ang kapatid niyo?” muli itong nag-alala.

“A-About that…”

Ginala ng lalaki ang paningin nito sa lugar at mabilis na nagtama ang paningin nila ni Yasmien.

Nakita ni Yasmien kung paano nanigas ang lalaki sa kinaroroonan nito na animo binuhusan ng nagyeyelong tubig. Nawala ang kulay pula sa kabi nito sa labis na pamumutla na para bang nakakita ng multo.

“Yvainne?” nasambit nito.

??!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status