Share

Chapter 32- Sugod

Nang makarating sa opisina niya'y kaagad nag-utos si Andrew sa secretary niya na ipagtimpla siya nito ng kape. Hindi na siya kakain ng almusal, tanghalian o kahit hapunan dahil wala naman siyang gana. Well, ilang araw na niya itong ginagawa at heto't siya, buhay pa rin naman. Tama na sa kanya ang kape, at alak naman pagkatapos ng trabaho niya. Pumasok ang secretary niyang si Loreen dala ang umuusok pang kape. Napagalitan niya ito nakaraang araw dahil pinipilit siyang kumain muna, eh, sa ayaw niya kaya napagalitan niya ito dahil makulit.

"Here's your coffee, Sir." Ipinatong ni Loreen ang tasa sa lamesa ng boss niya.

"Thanks, Loreen. At pasensya ka na sa nangyari nakaraang araw. Now leave me alone at marami pa akong gagawin," kaswal na saad ni Andrew.

Si Loreen na sanay na sa ugali ng boss niya ay napailing na lang na tumalikod at napabulong sa hangin. "Nag-sorry nga, suplado naman."

"What did you say?" kunot ang noo na sita ni Andrew sa secretary niya.

"Wala po. Kako inumin niyo na ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status